Erina's POV
Pagkatapos namin mag kwentuhan ni Max sa canteen, naghiwalay na muna kami nito dahil dadaan na muna daw siya sa locker niya para kunin yung ibang gamit niya. Habang naglalakad ako sa hallway ay agad na nasagap ng peripheral vision ko ang isang lalaking nakasuot ng headphones habang nagbabasa ng isang libro. Agad namang may kung anong nagtulak saakin upang lapitan at kausapin siya.
Erina: psst.. (kalabit ko sa kanya na pasimpleng tinitignan kung anong binabasa niya.)
Johanns: uhm yes? Is there something I can do for you mademoiselle? (dahan-dahan niyang tinganggal yung headphones niya at tumingala saakin.)
Erina: May itatanong sana ako sayo, and it keeps on bothering me. (sabi ko sa marahang boses dahil alam kong di rin niya ako maririnig.)
Johanns: Hah? Ano ulit? (sagot niya ng pasigaw dahil di niya naintindihan yung sinabi ko dahil sa yabag ng paa at ingay ng mga dumadaang estudyante.)
Agad kong hinigit ang kamay niya at dinala siya sa may bukana ng building malapit sa fountain.
Erina: Ehem...hmmm.. ( bungad ko) may tatlong katanungan sana ako na kahapon ko pa ipinagtataka. (wika ko habang siya naman ay halatang nag-aabang sa mga susunod kong sasabihin.)
Johanns: Ok, pero tatlo? Bakit tatlo? Sige na nga isaisahin mo. (wika niya na bakas ang pagtataka sa mukha.)
Erina: ok, una ... paano ka nakapunta sa gymnasium kahapon ng hindi mo dala ito? (agad kong inilabas yung students handbook na naiwan niya kahapon sa canteen nang kumain kami.) diba first time mo lang kahapon ditto sa school at ni hindi ka pamilyar dito? (Dag dag ko pa.)
Johanns: Ayun na saiyo pala yan! Kaya naman pala hinahanap ko kahapon eh di ko Makita. Muntik pa tuloy akong mawala kahapon. Buti na lang sinamahan ako nung babaeng nagtirintas ng buhok mo. (sagot niya sabay biglang hinablot yung handbook mula sa kamay ko.)
Hindi pa rin ako kuntento sa sagot niya dahil talagang nagtataa ako kaya naman inundayan ko ulit siya ng pangalawang tanong.
Erina: Eh bakit nasa classroom ka kanina at kaklase ka namin? Eh diba second year kana? At isa pa anglayo naman ng journalism sa culinary?!? (tanong ko sa kanya na may halong pagkainis.)
Johanns: Ah yun ba? Oo second year na ako sa culinary, pero remember, unit earner lang ako kaya naman nasa intro to journalism ako kanina. (pagpapaliwanag nito na halata nmang nagsasabi ng totoo.
Erina: Eh bakit nasa Intro to Journalism kanina eh samantalang anglayo nun sa culinary? (dagdag ko)Johanns: Siyempre as gourmet hindi lang sa pagluluto uniikot ang buhay namin, darating ang araw na iikot kami sa iba't-ibang parte ng mundo at siyempre we will be writing something about the different cuisines we learned around the world. Saka teka, hindi moba alam ang Elective subject? ( punto niya habang patawang sinasambit ang huling mga salita.
Erina: Ok, last question, Bakit ganun ka nalang makatitig kay Ms. Doreen? Crush moba siya? Eyyyyy...ayyieee ... ( tanong ko sakanya na may halong pangaasar.)
Johanns: Ano naman kung may gusto ako sakanya? Eh maganda nman at mabait sila, teka teka, nagseselos ka ano? (tanong nito sabay bumawi naman ng pangaasar saakin.) saka daig mo pa si Sherlock Holmes kung makapaginterrogate ahh? (dagdag pa niya)
Nagpatuloy siya sa pangaasar hanggang sa nainis na ako kaya naman akma na akong tatalikod sa kanya ng biglang siyang magsalita.
Johanns: I am proud, two days pa lang tayong magkakilala eh parang matagal na tayong nagkasama. You cant count on me whenever you have problems.
Medyo nawierdohan ako sa mga sinabi niya pero mas naintriga ako sa mga huling sinabi niya.
Johanns: I want to get to know you better.
Those words gave me chill... parang biglang may kuryenteng gumapang sa katawan ko at diko namalayan namumula na pala ako sa di maipaliwanag na pakiramdam. Hindi ko alam kung anong meron sa mga sinabi niya pero ang bukod tanging di maalis sa isip ko ay yung mga ngiti niyang tila magandang tanawin sa mata ko.
School Bell Rings...
Johanns POV
Medyo kinabahan ako sa mga tanong ni Eri kanina na parang nasa hot seat ako. Panano ba naman kasi, muntik na akong hindi makaisip ng mga palusot.
Una dun sa handbook na pahamak, buti na lang talaga at nagkita kami kahapon nung babaeng Maxene ata ang pangalan, na hindi naman talaga ako sinamahan sa gym, ang totoo pa nga eh ako ang nagturo sa kanya ng daan kung saan ang gym.
Pangalawa yung elective subject ko na yun, buti na lang at napakiusapan ko si Directress Geronimo na pagbigyan ako na kunin ang subject nay un kahit na hindi pwede dahil malayo nga sa course ko.
At pangatlo yung pagtitig ko daw sa Prof naming na kaya ko lang naman tinititigan eh... I feel something odd about her. I think there is something with her and that's what I want to find out.
Well maybe you all are wandering why I need to make palusot kay Erina and why I am so into her... ok sasabihin ko na, my name is not Johanns Liego Dela Luna, my real name is Shawn Harold Samerra I am the son of the late premiered News Anchor Silvester Samerra and my mom is still unknown nobody knows that.
I am 21 years old, hindi naman talaga ako tumira sa france with my parents, I was with my Uncle Jack a former CIDG officer in America, nagkataon kasing may pinapatrabaho sa kanya doon kaya nabase ako sa pagaaral. Uncle Jack isn't really my relative, he's my father's bestfriend. Well I know until now naguguluhan kayo sa mga pinagsasasabi ko but soon you'll gradually know. Let the time unwrap everything about me.
BINABASA MO ANG
Unravelling Enigma
Mystery / ThrillerMaraming bagay ang ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko, na kahit sa puntong tila sinasampal na ako ng katotohanan ay ayaw ko pang lingunin at paniwalaan. Hi I am Erina, an introvert, pero konti lang, I am an anti-social dahil kontento na ako ng ako...