Erina's POV
"More than thirty minutes pa pala bago yung next subject natin, tara muna sa cafeteria!" yakag saakin ni Maxene habang ako naman ay nagbabasa ng kabibili ko lang na mystery book.
"Okay sige, gusto ko rin naman magkape sandali." Agad kong tugon at nag-inat mula sa matagal na pagkakaupo.
Habang naglalakad kami ay may nakasalubong kaming apat na lalaking magbabarkada na sa tingin ko ay mula sa Marine Engineering Department dahil na rin sa uniform nila. Medyo may kaingayan sila habang nagkukwentuhan sa hallway, napansin ko rin ang pagkairita ni Maxene sa ingay nila kaya binilisan na lamang namin ang paglalakad.
Mabilis ding natapos ang araw na'to at medyo nabugbog ang utak namin sa mga lessons na itinuro saamin. I decided to drop by in my favorite bookstore to buy tickler and other school stuffs, while roaming around the store napansin kong wala yung isang item na hinahanap ko kaya nagtanong ako sa counter but then naubusan na raw.
" Ito miss oh, tig-isa tayo dalawa sana bibilhin ko para may reserba ako kaso napansin kong dadalawa nalang ang nakadisplay." A man from behind handed me over a ream of tickler notebook. I noticed that although he's not wearing uniforms I am sure that we came from the same school because of his ID lace.
"Ahm, are you sure? Because if yes, thank you and I'm going to take this." Di na ako nagpatumpik tumpik pa at agad ko nang binayaran sa counter yung mga pinamili ko.
After kong mabayaran yung mga items ay akma na akong aalis ng maalala ko yung lalaki. I insisted to offer him something but he refused so nag pasalamat nalang ako ulit at nagpaalam.
Kinabukasan...
Habang naglalakad ako sa hallway ay napansin kong tila nakatitig sa akin ang lahat ng tao sa paligid habang pasulyap sulyap sa kanikanilang cellphones, subalit napagtanto kong hindi ako ang talagang tinititigan nila sa pagkat halos lahat sila ay nakapako ang paningin sa taong nasa likuran ko.
Bahagya akong napalingon sa likuran ko nang makita ko ang isang mukhang walang emosyon at tila lumilipad ang pag iisip sa kung saan man. Pamilyar ang mukha niya saakin subalit hindi ko na matandaan kung saan o kelan ko ba siya nakita. Hindi ko na lang pinag-aksayahan pa ng oras upang alalahanin kung saan ko siya huling nakita dahil narealize kong malapit na ang first period namin.
Natapos ang first period namin at habang inaayos ko ang mga gamit ko ay nilapitan ako ni Maxene.
"Have you heard about the news?" tanong saakin ni Maxene habang abala siya sa pagtitirintas ng kanyang buhok.
"Aside from the NCoV, ASF, Taal Volcano eruption at break up ng Jadine, ano pang balita yang tinutukoy mo?" sarkastiko kong sagot sa kanya na may pa muwestra pa ng daliri habang nagbibilang.
"May isang student daw mula sa Marine Engineering department ang may kumakalat na scandal." Hinawakan niya ako sa magkabilaang balikat at niyugyog ako habang sinasabi niya yun ng may pag-aalala.
" So, what's the big deal? Anong kinalaman natin sa eskandalong yun?" nagkibit balikat ako at nagpatuloy sa pag aayos ng gamit.
" Well ang student lang naman na yun ay ang dating Mr. Foundation last year dito sa school, si Gregi Montalban! He's one of the famous students dito sa university, actually wala nga daw sa bokabularyo niya ang sumama sa mga pageant pero ewan ko ba, kahit nga nung nasa SHS pa lang ako naririnig ko na ang pangalan niya." Kwento niya.
Wala talaga akong pakielam sa kung anong meron sa buhay niya o kung ano mang eskandalo ang bumabalot sa pagkatao niya subalit ng ipagpatuloy ni Maxene ang sinasabi niya ay dun ako nabigla.
BINABASA MO ANG
Unravelling Enigma
Gizem / GerilimMaraming bagay ang ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko, na kahit sa puntong tila sinasampal na ako ng katotohanan ay ayaw ko pang lingunin at paniwalaan. Hi I am Erina, an introvert, pero konti lang, I am an anti-social dahil kontento na ako ng ako...