Chapter 6: The Unsolved Case Closed Part 2
Erina’s POV
Mag aalas-sais na at dahil Summer Solstice na, eh mas mahaba ang araw kesa sa gabi. Kasalukuyan akong nakaupo sa bench sa isang park kung saan ako dinala ni Johanns habang siya naman ay may kausap sa telepono. Hindi ko alam kung bakit niya ako biglang hinila at dinala pabalik sa police Station kanina, iniwan niya ako sa loob ng kotse at dumiretso siya sa loob kinausap niya raw yung Tito niyang Pulis at may mga kinumpirma dito.
Habang pinapanood ko si Johanns sa di kalayuan ay batid ko ang ngiti at positibong pananaw sa mukha niya na dahil yata sa kausap niya sa telepono. Namalayan ko na lang na papalapit na pala sa siya sa akin at muling ibinungad ang isang malaking ngiti saakin.
“Tara may pupuntahan tayo.” Yaya nito saakin pero sa pag kakataong ito ay hindi na niya ako kinaladkad bagkus ay inilapat ang kanyang mga palad na tila ba gusto niyaniyang iabot ko sa kanya ang kamay ko.
“Hayy nako, mag gagabi na siguraduhin mo lang pag katapos nito ay uuwi na tayo.” Agad akong tumayo at hindi pinansin ang nakalapat niyang kamay sa harap ko, mabilis akong naglakad papunta sa kotse niya at naupo sa may back seat. Napansin kong napailing nalang siya sa ginawa ko pero batid kong alam niyang medyo inis pa rin ako sa kanya dahil sa biglaan niyang paghatak saakin sa kalagitnaan ng interrogation ko.
Sumunod naman siya sa akin at saka binuksan ang pinto at naupo sa driver’s seat.“ Chill lang madam, after this uuwi ka nang may ngiti sa mga labi.” Wika nito na nagbigay sa akin ng hindi maintindihan na pakiramdam, ibinaling ko na lang sa bintana ang paningin ko at kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi niya.
Habang nasa daan kami ay pansin kong lumulubog na rin ang araw subalit may isang bagay akong ipinagtataka, dahil ang daan na tinatahak namin ay pabalik sa Food chain kung saan kami kumain at kung saan ko muling nakita ang grupo ng mga estudyanteng iyon. Maya maya pa ay inihinto niya ang sasakyan malapit sa isang parking lot kung saan matatanaw ang fast food chain na pinanggalingan namin kanina.
“ Ok, andito na tayo, huwag ka munang bababa” akma ko na sanang bubuksan ang pinto ng kotse ng bigla niya sabihin saakin iyon, ngunit ang higit na nagpatigil saakin ay ang direkta niyang titig sa mga mata ko na siya namang nagparamdam muli ng kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Batid ko ang authority sa tono ng pagkakasabi niya kahit na ganun lang yun kaiksi. Hindi na muna ako gumalaw sa kinuupuan ko at naghihintay sa mga susunod pa niyang sasabihin. “ where’s your phone?” inilapat niya ang kamay niya na para bang sigurado siyang ibibigay ko ang telepono ko sakanya.
“ eh ano bang gagawin mo?!” tanong ko sakanya na may katarayan.
“basta, do what I told you.” Wika niya ulit with a very authoritative voice. Wala akong ginawa kundi ang iabot ang phone ko sakanya. May itinype siya rito at agad naman niya itong ibinalik saakin.
“ here’s my number, pa ring ng phone ko hindi ko kasi mahanap mukhang namisplace ko yata hehe.” Wika niya ulit pero this time nakangiti na siya na parang ewan habang nagkakamot ng ulo.
Walang hiya to, ipaparing lang pala yung telepono niya, bakit kailangan pa niyang manakot ng ganun.
Ginawa ko naman ang sinabi niya at pina-ring ang phone niyang nasa ilalim pala ng kinauupuan niya.“ oh ayan nakita ko na, so please do as I tell you, wag ka munang lalabas dito sa kotse, panoorin mo lang ako at ang mga susunod pang mangyayari.” Utos niya ulit saakin at saka binuksan ang pinto at saka bumaba. Malakas niyang isinara ang pinto at saka nag punta sa kung saan. Nang muli akong tumingin sa fast food chain ay nandun na siya at tumayo lamang sa gilid habang nakasandal sa rollers ng isang saradong tindahan sa tabi ng fast food. Maya maya pa isang pamilyar na mukha ang iniluwa ng pintuan ng fast food chain, naka jersey shorts ito at naka T-shirt na itim.
BINABASA MO ANG
Unravelling Enigma
Mystery / ThrillerMaraming bagay ang ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko, na kahit sa puntong tila sinasampal na ako ng katotohanan ay ayaw ko pang lingunin at paniwalaan. Hi I am Erina, an introvert, pero konti lang, I am an anti-social dahil kontento na ako ng ako...