Erina's POV
Pauwi na ako sa bahay, at siyempre magcocommute ako dahil hanggang ngayon nasa talyer pa yung service namin. 5:15 na rin kaya napagpasyahan kong mag-dyip na muna pero bigla na lang may sumagi sa isip ko , mas mabilis siguro akong makakarating sa highway kung dun ako dadaan sa dinaanan namin ni Ms. Doreen kaya hinanap ng mata ko ang eskinitang pinagmulan namin para makarating ng school.
Kasalukuyan akong naglalakad sa may kakiputang daan na para bang isang kotse lang ang makakadaan, walang gaanong bahay bagaman may mga nakaparkeng mga sasakyang sira sira sa may mga bakanteng lote, mapapansin mo rin ang nagsitumbahang mga puno ng mangga at mga karatulang inilipad ng malakas na hangin gawa ng dumaang bagyo bago nung pasukan.
May mga ilang metro na rin ang layo ko mula sa school kaya determinado akong magpatuloy. Hindi naman kasi ako yung tipong gustong laging nakasasakyan, sadyang gusto ko lang umiwas sa pakikisalamuha sa tao hangga't maari. Upang hindi mabagot sa paglalakad ay inilabas ko yung earphone ko at agad na ikinunekta sa cellphone, nilakasan ko ang volume para mas dama ko ang music. Habang patuloy akong naglalakad ay may nakasalubong akong isang lalaking tila ba ay may kinatatakutan at halata ang pagkabalisa dahil sa butil butil nitong pawis na tumutulo mula sa kanyang noo. Nakasuot ito ng gusot na pang high school na uniporme na pamilyar saakin ang desenyo, may backpack itong Jansport na itim na may nakapalawit na maliit na teddy bear.
Ilang minuto pa ng makalagpas na ang lalaki sa akin ay may nakasalubong naman akong grupo naman ng mga estudyante na hindi man sila ayos sa pag suot ng uniporme ay halatang parehas sila ng suot nung lalaking una kong nakasalubong, may kasama rin silang dalawang babae na tila ay kaklase din nila dahil nakapambabaeng uniporme man sila ay mahahalata mong isang school lang ang pinapasukan nila. Bali lima sila, dalawang babae at tatlong lalaki na kapwa ay nagkakantyawan.
Bumalik ako sa pagtunton sa dinadaanan ko at sa wakas ay narating ko rin ang highway, agad akong pumara ng sasakyan at sumakay, matapos ang mahigit tatlumpung minuto ay bumaba na ako at dumiretso sa harap ng subdivision kung saan kami nakatira, medyo may kalayuan ang bahay namin mula sa bungad ng subdivision, kaya tinunton ko nalang ang daan papuntang bahay, saktong pasado ala-sais ay narating ko rin ang bahay. Ngunit bago pa man ako makapasok ng bahay ay agad kong napansin yung bahay sa tapat sa kabilang kalsada na may anim na buwan na ring ginagawa.
"Haay salamat at nandito ka na hija" isang malumanay na boses ang bigla kong narinig mula sa likuran ko, si Manang Minda pala na kakagaling lang sa labas dahil ipinasyal ang alaga naming golden retriever na si Apollo.
"ahhh, kayo ho pala manang Minda, mano po" inabot ko ang kamay nila at saka nagmano.
"bakit nasa labas ka pa? ano bang tinitignan mo dyan?" usisa niya saakin na nahalata yata ako na palingon-lingon sa bahay na tinutukoy ko.
"wala naman po, napatingin lang po ako diyan sa bahay nayan na may weird na desenyo." Turo ko
"Ahh, yan ba? Balita ko eh imperior designing nalang ang ginagawa nila kaya kanina pa hakot ng hakot ng mga muebles at gamit yung mga trabahador, eh sa susunod na lingo na ata darating yung may ari para tumira." Pagpapaliwanag pa niya habang nagkakamot ng baba, pero napatawa na lang ako sa ibang salitang binanggit nila.
"ahh ganun po ba?" sagot ko habang natatawa pa rin
" oh bakit natatawa ka?" nagtatakang tanong nila.
Binuksan ko na yung pinto at nagpatuloy sa paglalakas pero bago ako tuluyang umalis ay lumingon ako kay manang Minda at sinabing,
" Interior Designing po kasi yun , hind imperior designing" sabi ko habang pinipigalan ko ang tawa koIniwan ko si manang minda sa labas na bakas sakanya ang pagkalito pa rin sa sinabi ko, pero seryoso tawang tawa ako dun...
###Kinabukasan sa school###
Erina's POV
BINABASA MO ANG
Unravelling Enigma
غموض / إثارةMaraming bagay ang ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko, na kahit sa puntong tila sinasampal na ako ng katotohanan ay ayaw ko pang lingunin at paniwalaan. Hi I am Erina, an introvert, pero konti lang, I am an anti-social dahil kontento na ako ng ako...