Gumising ako sa matigas na papag, ngunit bumangon ka mula sa malambot na kama.
Tuyo, okra, talong, itlog at bagoong ang ulam sa umagahan,
Bacon, hotdog, pancakes, ham naman ang nakahain sa inyong mesa, may hawak ka pang Starbucks coffee sa daan.Nakipagsisikan ako sa bus papunta sa eskwelahan,
Samantalang sa loob ng iyong kotse ay kasya pa ang apat, may driver ka pang taga- bukas ng pintuan.Dalawang electricfan lamang ang nasa room namin, sira pa nga ang isa,
Aircon naman ang sa inyo, kaya umuuwi kayong 'di nag aamoy bulok na mangga.Sa paraan ng pamumuhay ay magka-iba tayong dalawa.
Ngunit, sabay lang naman tayong nabubuhay, humihinga.
Ang sabi nila, mahirap o mayaman, pantay pantay lang naman ang lahat. May pera ka man o salat, pareho lang tayong tao, nabubusog, natutulog, tumatawa.
Sana nga totoo iyan. Pero sa mundong ito, imposible ang ganyang pangarap.
Dahil sa mundo ni Jruther Gill, isa lamang akong level four- ang pinaka mababang nilalang na maaari nilang tapak tapakan.
YOU ARE READING
Level 4
Teen FictionAfter Hallmint's parents died, her aunt took her from their province and decided to provides her needs. Everything is new- she worries. New lifestyle. New school. And new friends? But how can she finds her new friends in Pyra High school- an elite s...