Chapter 5 "Reset"

169 15 1
                                    

Hallmint's Pov

"Nandoon ako noong nangyari ang insidente. Ako ang huling kausap ni Louiya. Kaya kung may gusto kang saktan, it should be me. Dahil hindi ko siya nagawang pigilan."

Tinitigan ako ni Deviel nang may halong pag-uusisa, na para bang nagtatanong ng: What did she say? Or, who exactly is this girl?

Nakita kong bumuka ang kaniyang bibig at sa totoo lang, kinabahan ako sa kaniyang maaring sabihin. Pero hindi ito natuloy dahil may humampas ng libro sa kaniyang ulo. Kaya napasinghap lang siya ng, "Aray!"

"Pambihira ka naman Deviel. Kauuwi mo lang galing ibang bansa pero gumagawa ka na naman ng gulo," ang pagalit na sermon ng homeroom teacher namin na siyang nanghampas ng libro sa ulo ni Deviel. Walang nagawa si Deviel kung hindi haplusin ang ulo niya at yumuko sa harap ni teacher Huiwen. Teacher pointed his index finger to Jruther, "Ikaw," he said, at inilipat naman ang turo kay Yuwilo, "At ikaw. Kayong tatlo, sumama kayo ngayon sa akin papuntang guidance. Right now!" Pagkatapos ay sa direksyon naman namin siya tumingin. "And you guys, pumasok na kayo sa room. Behave while I'm gone." Hinawakan niya kwelyo ni Deviel at kwelyo ni Yu, then he pulled them away. "Let's go."

"T-Teka lang Huiwen! Bakit si Jruther hindi mo kinakaladkad?!" reklamo ni Yu na rinig na rinig namin kahit nasa malayo na sila.

"Dahil alam ni teacher na hindi na niya ako kailangang kaladkarin. Manahimik ka nalang diyan gunggong," ang sagot ni Jruther na tahimik na sumusunod.

Nakakatawang isipin na ang seryosong suntukan kanina ay napatigil lamang sa isang iglap ni teacher Huiwen.

Pumasok na kaming magkakaklase sa room. Lahat ng mga nasa paligid ay interesado sa nangyari. "So sinuntok ni Deviel si Jruther dahil kay Louiya?" Sesali asked.

"Why? Is this a love triangle?" ang pagtataka ni Sol, 'yung lalaking mukhang foreigner.

"Imposible. Mukha bang interesado si Jruther sa babae? Kapag nakaharap ka sa kaniya, para kang nakikipag-usap sa pader," ang pahayag naman ni Gwane, 'yung cute na lalaking medyo chubby.

"Sa tingin ko may kinalaman ito sa aksidente na nangyari kay Louiya," Aphrodite murmured, siya 'yung babae na pang-lalaki ang gupit ng buhok. It's weird na Greek mythology goddess of beauty ang pangalan niya pero may pagka boyish siya kumilos at mag-ayos. "Kung nagalit ng ganun si Deviel, hoy Sesali! Kabahan ka na. Kapag nalaman ni Deviel kung ano ang pinag-gagawa mo kay Louiya habang wala siya, ikaw naman ang susuntukin niya."

Level 4Where stories live. Discover now