Chapter 2 "Lie?"

173 19 0
                                    

Jruther's Pov

Si Hallmint ang first crush ko.

Noong bata pa lamang ako, tinuruan ako ni papa na maging mapagmataas. Lagi  niya saking sinasabi na ang pamilya namin ay nakahihigit kaysa sa iba. Kaya kung hahanap ako ng kaibigan, dapat na kapareho namin sila ng estado. Kaya sa murang edad, natuto akong magtangi. Mababa ang tingin ko sa mga taong walang sariling sasakyan, mga tindero't tinderang nagtitinda sa daan, mga batang nanlilimos at mga janitor na naglilinis sa pasilidad.  I was just 8 years old that time but I consider myself all so almighty.

Hindi ko naranasang maglaro ng tulad ng normal na bata. Imbes na mga laruan, libro ang hawak namin ng kababata kong si Yuwilo. Kung hindi libro, piano, violin o gadget. I was also taught a lot of sports like swimming, bowling, golf, taekwondo and Judo. Dad wanted me to become the perfect guy. Hanggang sa isang araw, dumating ang isang gusgusing batang babae sa bahay namin; she is an eight year-old Hallmint.

Akala ko babawalan ako nila Papa na makipaglaro sa kaniya. Dahil she was wearing filthy clothes, her skin was so tanned and she smelled rot. Pero sinabi nila na siya ang kaisa isa kong pinsan kaya kailangan ko siyang alagaan, mahalin at itinuring na kapatid. Nahirapan ako noong una, dahil nga pulubi ang tingin ko kay Hallmint. But I was wrong. Playing with her was the best moment of my life as a kid. Sa kaniya ko naranasan kung ano ang tunay na meaning ng pagiging bata. Natuto akong manghuli ang palaka at bulate. Natikman ko sa unang pagkakataon ang matamis na katas ng bulaklak na santan. Naranasan ko ang pakiramdam ng nasa tuktok ng puno. At higit sa lahat, nakakaramdam ako ng kalayaan kapag siya ang aking kasama.

Kaya naman, inaabangan ko lagi ang araw kung kailan sila bibisita sa bahay namin.

I was too young to called her my first love. But indeed, she was my first crush. I really like her, I did. Pero nagbago ang lahat noong aksidente kong narinig ang usapan ni mama at papa tungkol sa akin. After hearing their conversation, ang pagtingin ko kay Hallmint ay napalitan ng inggit at poot.

Now that we are grown ups, alam kong maling tratuhin siya ng masama, lalong lalo na namatayan siya ng mga magulang. Kaso, nadadaig ako ng sarili kong kahinaan. Especially, I am really scared that she is now living with us under the same roof.

"Young master, may iba pa po ba kayong gustong puntahan after ng mall?" tanong ni kuya Danny na ilang taon ng driver ng pamilya namin. He is driving the car while I am sitting at the back seat. Pasulyap sulyap siya mula sa front mirror ng kotse.

"Wala na akong bibilhin. Dumiretso na tayo pauwi ng bahay," ang sagot ko. I was supposed to say "po" and "opo" kay Kuya Danny. Pero nagagalit si papa at pinapagalitan pa siya kapag ginawa ko iyon. Hindi daw kasi dapat ako nangongopo sa isang hamak na driver. That was really funny. Madali sana siyang sundin kung hanggang ngayon ay bata lang ako.

"Ano po bang binili niyo sa mall? Akala ko magtatagal ka," komento ni kuya.

Napatingin ako sa paperbag na nasa tabi ko. Ang totoo niyan, bumili ako ng limang pares ng mahahabang puting medyas pambabae. If I'll tell this to kuya Danny, magtataka siya.

"Bumili lang ako ng m-medyas," utal-utal kong sagot.

"Medyas? Wala na po ba kayong medyas?" pag-uusisa pa niya.

Level 4Where stories live. Discover now