Huiwen's Pov (homeroom teacher)
Dala-dala ang ilang files, naglalakad ako papunta sa teacher office. As I walk, I couldn't help but to wonder about Mrs. Gill's request.
"Huiwen, may gusto sana akong hingin na pabor."
"Sure po. Ano 'yon tita Gaeri?"
"P'wede bang isikreto mo ang relasyon ni Jruther at ni Hallmint? Keep it a secret that they are cousins."
Bakit gustong isikreto ni tita Gaeri na pamangkin niya si miss Hallmint?
Nalaglag ko ang mga bitbit na folder na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Napaka-clumsy ko talaga. Tss.
I knelt down to pick up those files. Pero nagulat ako nang may biglang tumulong sa akin na pumulot. Nang iangat ko ang paningin, nakita ko ang isa sa mga estudyante kong babae. She is Aphrodite. Maganda siyang bata, pero para siyang lalaki kung kumilos. Her hair is short, she never wears make up and nagsusuot rin siya ng jogging pants kahit nakapalda. Iniisip nga ng lahat na tomboy siya. Well, it is funny that she is a boyish despite her name.
"Aphrodite," I call her name.
"Wag mo nga akong tawagin sa pangalan ko teacher Huiwen."
At medyo rude din siya magsalita. Yeah.
"Wow. Hindi ko akalain na tutulungan mo ako my dear student. Kung ibang mga kaklase mo ang napadaan dito, hindi nila ako tutulungan. Why are you helping me? Don't you hate me."
It's true. Ayaw sa akin ng mga estudyante sa paaralan na ito. Nagsimula iyon mula ng kumalat ang balita na nakapasok lang ako rito because I was a scholar. They didn't know that I came here because of Deviel's dad.
"I hate you teacher," ang masakit niyang pag-amin. Aray naman.
Napatawa nalang ako bago kami sabay na tumayo. Inabot niya sa akin ang files while staring straight into my face. "Then bakit mo ko tinulungan?" I chuckled.
"I hate you hindi dahil sa scholar ka." Huh? "I hate you dahil mukha kang mabantot."
M-M-Mabantot? A-Ako? Ako?! Tama ba ko ng narinig!?
"Pumapasok ka ng gulo gulo ang buhok mo. HIndi rin plantsado ang damit mo. Are you really a teacher of this school? Tsk tsk tsk." She even shook her head.
YOU ARE READING
Level 4
Teen FictionAfter Hallmint's parents died, her aunt took her from their province and decided to provides her needs. Everything is new- she worries. New lifestyle. New school. And new friends? But how can she finds her new friends in Pyra High school- an elite s...