Bulletproof 4

19 2 2
                                    

"Nare~~ Congrats! Ikaw na naman ang highest score sa ating level!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat nang maraming nagsitakbuhan papunta sa pwesto ko. Alanganin akong ngumiti.

"Wahhh! Nare-yah~ Pangatlong beses muna ito!"

"Ta-talaga?"

Nagkakagulo na ang mga upuan malapit sa inuupan ko. Hindi ko maiwasang mahiya dahil sa dami nilang nakapalibot sa akin. 

"Tingnan mo sa bulletin board!"

Agad nila akong hinawakan sa likod at balikat para dalhin sa labas ng classroom. Tiningnan ko ang nasa pinakataas na pangalan na nakadikit sa board. Napatikom ang bibig ko bago mapahawak sa uniform ko.

"Naree~~yah~~ ang galing mo!!"

Hindi ko maiwasang maingit dahil ang saya nila kahit ako yung nasa bulletin board. 

"Mukhang parang normal nalang ito sayo dahil wala ka man lang masyadong reaksyon sa resulta."

Agad akong napatingin sa nagsalita bago napalunok. Nakatingin silang lahat sa akin. Para akong nanliit dahil sa mga titig nila. Lumakas ang pintig ng puso ko nang mawala ang mga ngiti nila sa kanilang mga mukha at napalitan ito ng mga galit na mga mata. Nanginig ang mga labi ko at pati ang mga tuhod ko. Tela ba bigla akong nabingi at wala kahit konting ingay kong marinig. Sa tingin ko kahit hindi sila magsalita alam kong hinuhusgahan nila ako.

"Nare~"

"Nare!"

Para akong nahihimasmasan at gulat na napatingin sa paligid. Nawala ang kaba ko ng makita ang mga sabik na mukha ng mga kaklase ko.

"Ayos ka lang?"

"Congrats Nare!"

Gulat akong napatingin ng may yumakap sa akin.

"Yah! Celebrate tayo mamaya hah~"

Nagpakawala ako ng mahinang tawa dahil sa kaibigan kong si Mee. Parang nawala bigla yung takot ko kanina dahil sa ingay niya.

"Pwede ba Mee wag masyado mag ingay~"

Natawa ako dahil sa sinabi ng kaklase ko. Pinatunog nito ang dila niya na para bang galit bago humiwalay sa akin at tiningnan ang nagsabi.

"Sino ka ba para patahimikin ako-aray!"

Lahat kami napatingin sa taong naglagay ng libro sa ulo ni Mee. Napatikom ang bibig namin except kay Mee na mukhang hindi niya pa alam kung sino ang nasa likod niya. Sumenyas ako na wag siyang magalit.

"Professor mo."

"Ugh! Masakit yun ah! Wala ka bang ma-mata- sir?!"

Hindi namin mapigilang matawa ng tumingin si Mee sa likod niya. Napaatras ito bago nagmadaling tumabi sa akin. Tikom ang bibig at nakatingin sa baba. Napatingin ang Professor namin sa bulletin board bago ito tumingin sa akin. Ngumiti ito bago nilagay ng mahina ang libro niya sa aking ulo.

"Keep up the good work Nare~"

Hindi ko maiwasang ngumiti ng malawak dahil sa sinabi ng Professor namin. Siya ang tipong malamig at kinatatakutan ng mga estudyante sa school namin. Kahit may itsura ito at pinagkakaguluhan sa faculty nila mukhang mas nakilala ito sa school dahil sa terror na pagtuturo niya. Kaya ng sinabihan niya ako ay para bang gumaan ang pakiramdam ko.

"At kayo pumasok na sa loob ng classroom para makapagsimula na tayo."

Narinig ko ang mga pagod na boses ng mga kaklase ko kahit hindi pa nagsisimula ang klase. Naglakad papasok ang Professor namin at sumunod naman ang mga kaklase ko. Napatingin ako sa taas ng bulletin board bago mahigpit na hinawakan ang uniform ko. Naglakad paalis at sumunod papasok sa classroom.

The Bulletproof Fan (LOVE) Series VIWhere stories live. Discover now