"Nakakasawa na!"
"Sa tingin mo ba gusto ko ang lintik na buhay na ito?!"
"Sa tingin mo rin ba gusto ko rin ito?! Kung alam ko sana na ganito ang kalabasan sana hindi kita pinakasalan!"
Napapikit ako nang makarinig nang mga basag na gamit. Agad kong inabot ang remote control na nakalagay sa mesa at nilakasan ang TV.
"Yah! Hahaha."
Tumawa rin ako nang tumawa rin sila. Umupo akong nang maayos sa sahig at niyakap ang mga tuhod ko. Tuwing nagkakagulo silang pito natatawa nalang ako. Gumawa pa talaga sila ng sariling TV show.
"Bwesit!!"
Nakarinig ulit ako ng malakas na tunog. Napahigpit ako ng hawak sa tuhod ko bago tumawa ng malakas kahit wala pang nakakatawa. Agad kong pinahid ang mga luha ko nang magsimula itong tumulo. Tumawa ulit ako para mapigilan ang pag iyak pero patuloy pa rin ito sa pagtulo.
"Lumayas ka!! Bahay ko ito!"
"Aalis talaga ako!"
Napatingin ako sa kanilang dalawa nang lumabas sila sa silid nila. May dalang gamit si Papa. Galit itong tumingin sa akin bago lumabas ng bahay. Napatingin ako sa labas pero umuulan.
"Pa-"
"Tumigil ka! Hindi natin kailangan ang walang kwentang kagaya niya!"
Gulat akong napatingin kay Mama. Galit itong tumingin sa akin at mas lalo pa itong nagalit nang makita ang pinapanuod ko sa TV.
"Puro ka nalang nuod ng mga idol! Sa tingin mo papansinin kanila! Tumataas lang kuryente natin dahil sayo! Mag aral ka nalang ng maayos!"
Agad itong lumapit sa TV at agad tinanggal ang plug. Tumayo ako dahil sa gulat. Nanginig labi ko bago tiningnan si Mama.
"Ano?! Sasagot ka na? Hah?!"
Hinakawan nito ang magkabilang pisngi ko bago ako tinulak palayo. Naramdaman ko ang bumaon nitong mga kuko sa mga pisngi ko. Napakagat ako nang labi bago tiningnan ulit si Mama. Hindi ako magkukunwaring ayos ako! Mama nasasaktan ako!
"Nag aaral naman ako ng maayos ah! Ginagawa ko ang lahat para sa inyo! Matataas na grades, scholarships, nagtatrabaho ako at kahit anong gusto niyo pong pinapagawa ginagawa ko!"
Sigaw ko. Halatang gulat itong nakatingin sa akin. Ito ang unang pagkakataong sumagot ako sa kanya.
"Pero Ma~"
Napahikbi ako habang nagsasalita. Pinahid ko ang mga luha ko.
"Ma~ tao rin ako nasasaktan. Napapagod. Yun lang naman hinihingi ko mapanoo-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang sinampal ako nito. Napahawak ako sa pisngi ko. Bakit ba hindi niya maintindihan.
"Sumasagot kana! Dahil yan sa kanunuod mo sa mga yan! Sinasagot mo ako! Hah! Yah! Mag aral ka ngayon na! Sa loob ng silid mo!"
Hindi ako sumagot at diretsong pumunta sa silid ko. Agad sinara ang pintuan at umupo sa harap ng mesa ko. Inabot ko ang librong natapos ko nang nabasa tiningnan ito bago napatakip ng mukha at umiyak.
"Ayoko na~"
Humihikbi ako habang pinapahid ang mga luha ko. Ilang oras na akong umiiyak. Pagod na pagod na ako. Tumayo ako sa upuan at naglakad papuntang pintuan. Agad kong nakita si Mama na nunuod nang TV.
"Ang BigHit Entertainment ay mukha nagkaka-"
Inilipat nito ang channel bago nagpatuloy sa pag inom ng inumin. Lasing na lasing ito habang nakaupo sa sahig. Naglakad ako papunta sa labasan ng bahay at mukhang hindi naman ako napansin nito.
"Ack!"
Napatingin ako sa taas nang maramdaman ang malamig na tubig. Madilim ang kalangitan at himahangin rin. Naglakad ako papuntang kalsada. Basang basa na ako nang ulan pero hindi ako sumilong.
"Aray! Ano ba!"
Nag bow ako para humingi ng despensa sa nabangga ko.
"Baliw."
Sabi nito bAgo nagpatuloy sa paglalakad. Napatingin ako sa lugar. Natawa ako nang mapansin na dito ako dinala ng mga paa ko.
"Pinapatalon na yata ako."
Natatawang sabi ko bago naglakad palapit sa gilid ng bridge. Sumilip ako sa baba ng tulay.
"Kahit tubig yan siguradong lasug-lasog mga buto ko diyan."
Bulong ko bago tumingin sa taas ng langit. Pagnawala ba ako mawawala rin ba pagod ko. Mawawala rin ba mga problema ko. Ngumiti ako nang maramdaman ang mga patak ng ulan sa aking mukha bago maramdaman ang mainit na likido galing sa aking mga mata.
"Sana sa susunod na buhay ko kung ibubuhay pa ako. Sana mapanuod ko man lang sila sa concert."
Natatawang sabi ko bago hinawakan ang malamig na relis para tumayo doon. Binuka ko ang mga kamay ko at tiningnan ang mga pumapatak na tubig sa mga kamay ko.
"Siguro naman parang patak lang nang ulan ako kapag nahulog diyan."
Nakangiti kong sabi bago pumikit at huminga ng malalim. Tatalon na sana ako nang may humawak ng kamay ko.
"Yahhh!!"
Binuksan ko ang mga mata ko at agad na tumingin sa nakahawak ng kamay ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dala nitong payong.
"Bitawan mo ako!"
"Yahh!!"
Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko. Pilit ko itong tinatanggal pero palagi niya itong hinihigpitan. Nangmabasa ang kamay niya ng ulan ay bigla nitong nabitawan ang kamay ko dahilan para mapunta ang direksyon ng katawan ko palabas ng bridge. Pumikit ako.
"Yah! Ano ba!!"
Napabukas ulit ang mga mata ko. Akala ko ba mahuhulog na ako. Napatingin ako sa kamay ko bago sa baba ng tulay. Napalunok ako. Tumingin ako sa harapan ko. Wala na ang dala nitong payong at basang basa na ito. Nanlaki ang mga mata ko.
"Bumaba ka na diyan Miss!!"
Galit na sabi nito. Nanaginip ba ako?! Napakagat ito ng labi bago hinawakan ng maayos ang kamay ko.
"Ba-bakit nandito ka?"
Hindi ko makapaniwalang tanong. Tulala akong nakatayo sa taaa ng tulay.
"Nandito ako dahil mahal kita! Kaya bumaba kana Miss!!"
Sabi nito bago ito lumapit sa akin at kinarga ako na parang isang sako ng gulay! Nanaginip yata ako. Ano nga sabi niya ulit?
"Wag mo na ulit gagawin yun."
Sabi nito habang inabot ang payong nito. Binaba ako nito at nakompermang siya nga ito. Imposible ito!
"Namjoon?"
Nanlaki ang mga mata nito bago tumingin sa ibang direksyon at nagkamot sa leeg.
"Kilala mo pala ako."
Halatang hindi naging komportable ito. Hahawakan ko sana ang mukha niya nang humina ang mga paa ko naramdaman ko ang lamig.
"Mi-miss~"
Bago nagdilim ang mga paningin ko ay naramdaman ko ang pag angat ko mula sa lupa. Baka pag gising ko panaginip lang ang lahat.
YOU ARE READING
The Bulletproof Fan (LOVE) Series VI
FanfictionLove? The first time you see me, it was raining that time. I was standing at the bridge when you suddenly hold my hand. Love? You said you love me the first time we met. It was funny since I just saw you at our TV before I left home. Love? How coul...