Bulletproof 3

22 2 6
                                    

"Ano na gagawin mo?"

"Anong ako? Ikaw dapat. Doctor ka."

"Tanga ikaw nagdala nito."

Nanlaki ang mga mata ko bago umapo bigla. Gulat silang napatingin dalawa sa akin. Napahawak ako sa batok ko. Kinabahan ako bigla.

"Ahhu-uwi na ako~"

Nagmamadali kong sabi sabay baba ng higaan at suot ng tsinelas. Napahinto ako ng may napahawak sa balikat ko. Napatingin ako kay Namjoon. Mukhang maayos na siya.

"ahh ano? Yung damit mo..."

Napakunot ang noo ko nang mapahawak ito sa batok niya bago umiwas ng tingin. Napatingin ako sa damit ko. Agad ako umiwas ng tingin bago napapikit dahil sa hiya. Ngayon ko lang napansin na nakasuot nga pala ako ng Hospital gown.

"Ah~~ kukunin ko muna. Wag ka muna umalis."

"Ah ano!"

Napatingin ang doktor sa akin dahil sa pagtawag ko. Nagtatanong silang dalawa habang nakatingin sa akin. Uminit ang tenga ko at napahawak sa mga kamay ko habang nakatingin sa sahig.

"A-ano wa-wala~"

Napakunot ang noo nilang dalawa bago napatingin sa isa't isa. Tumingin ako sa kabila bago napapikit. Gusto ko lang naman kasing magtanong kong magkano babayaran ko. Napa opo ako sa higaan bago napatingin sa kabilang higaan. Nakatingin si Namjoon sa kanyang phone. Nakasuot na ito ng kanyang damit. Ilang oras na ba akong natulog?

"A-ano..."

Nag-aalanganin kong salita. Napataas ang ulo nito. Nakangiti ito ng konti na tela ba may nabasa siyang nakakatawa sa phone niya. Napatingin ako sa paligid. Madaming mga nurse na nagtatakbuhan kahit saan. 

"Kung magtatanong ka kung ilang oras ka nang natutulog ang sagot ko ay walong oras palang. Pag uwi mo sa bahay mo magpahinga ka ulit baka babalik lagnat mo."

Sabi nito habang nakangiti ng konti at sumisingkit ang mga mata. Tumingin ulit ito sa phone niya. Napalunok ako bago ulit tumingin sa paligid. Bakit parang hindi man lang nila napapansin na may artista na nandito? Napatingin ako kay Namjoon. Gulat akong umiwas ng tingin ng makitang nakatingin ito sa direksyon ko. Nakakunot noo itong nakatingin na tela ba inoobserbahan ako.

"Ano ang ginagawa mo sa tulay kanina?"

Mahina nitong sabi na para bang nag iingat itong sabihin ito. Kanina pa siguro ito gustong magtanong. Tinitigan ko rin siya kaya siya naman ang umiwas ng tingin. 

"Ikaw ano ang ginagawa mo doon?"

Tanong ko. Gulat itong tumingin sa akin. Kay lakas ng ulan kaya bakit nandoon siya? Napakunot ang noo ko pero nagulat ako ng ngumiti ito bago umiwas ng tingin. Sumisingkit ang mga mata nito.

"May tinitingnan kasi ako."

Sabi nito habang nakangiti. Tiningnan ko ang mga bawat galaw niya. Mula sa pagpindot niya sa phone niya, sa pag taas ng kilid ng labi niya hanggang sa galaw ng kilay niya.

"Nandito na ang damit mo."

Gulat akong napatingin sa doktor. Nakatingin ito sa akin bago kay Namjoon. Agad akong bumaba at nagmamadaling kinuha ang damit na nasa kamay niya. Nagmamadali akong nagbow habang hindi sa doktor.

"Sa-salamat po."

Sabi ko bago nagmadaling naghanap ng CR para makapagbihis. Malakas na buga ng hangin ang inilabas ko pagdating sa CR. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa kaba. Napapikit ako. Nakita niya kayang nakatingin ako kay Namjoon. 

"AHHH Nakakahiya!"

Agad akong nagbihis. Nang lumabas na ako ng CR ay napaatras ako sa gulat at napahawak sa dibdib ko. Napapikit ako at kinalma ang sarili ko. Bumungad ba naman si Namjoon sa harapan ko. Narinig ko itong mahinang tumawa kaya napatingin ako. Napatingin ako sa hawak niya.

The Bulletproof Fan (LOVE) Series VIWhere stories live. Discover now