Bulletproof 6

28 2 0
                                    

"Ahjussi~"

Inabot ko ang bayad pero tiningnan niya lamang ito. Nagtataka ito.

"Bayad po namin~"

"Binayaran niya na."

Tinuro nito si Namjoon na nasa labas na ng restaurant bago nagpatuloy sa ginagawa niya. Napakunot ang noo ko sabay lagay ng pera ko sa bulsa. Nag bow ako kay Ahjussi bago nag martsa palabas ng kainan.

"Tara! Hatid na kita~"

Tiningnan ko lamang siya na magsimula na itong maglakad. Ngayon ko lang napansin na ang payat niya. Yung sapatos niya ay sapatos na suot niya noong nakaraang araw. Napakagat ako ng labi. Kumusta kaya sa kompanya nila? Kumakain kaya sila ng maayos? Alam ko kung gaano pa kagipit ang kompanya na pinagtatrabahuan nila. Hindi nga namin alam kong saan sila kumukuha ng pundo. Sa liit ba naman ng kompanya nila mapapatanong ka talaga. Huminto ito sa paglalakad at kunot noo ako nitong tiningnan.

"Yah!"

Huminga ako ng malalim sabay kuha ng pera sa bulsa ko. Agad akong naglakad palapit sa kanya sabay hawak ng kamay niya at lagay ng pera sa kamay nioto.

"Bayad ko~"

Gulat niya itong tiningnan. Agad kong binaba ang kamay ko at nagsimulang maglakad. Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng tawa. Gulat akong napatingin sa likod ko ng makita kong gaano ito kalapit sa akin. Ngumiti ito bago hinawakan ang kamay ko sabay lagay ng pera. 

"Hindi nga ako nag bayad kanina. Baka hindi na ito tinanggap ni Ahjussi."

"Pe-pero may utang ako sayo."

Tumaas ang kilay nito bago ngumiti ng konti. Inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko dahilan para mapaatras ako.

"Sa tingin mo ba yan lang utang mo?"

Napatingin  ako sa pera ko bago tumingin sa kanya. Malawak itong ngumiti bago tumayo ng maayos. Tama siya bayad sa ospital. Ni hindi nga ito nangangalahati sa binayad niya sa taxi. Tapos ito nalang natira sa allowance ko. Mukhang kailangan ko nang maghanap ng trabaho. Ginulo nito ang buhok ko bago nagsimulang maglakad.

"Tara na. Baka hinahanap ka na sa inyo~"

Tiningnan ko ang palayong likod niya. Ngumiti ako bago mabilisang sinundan siya. 

"Dito yun diba?"

Tanong nito habang nakaturo sa bahay namin. Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya. Maliit lang bahay namin at magulo. Tiningnan ko ang bahay ng mapansing wala itong ilaw. Mukhang wala si Mama. 

"Yeong Naree?"

"Huh?"

"Yeong Naree pala buong pangalan mo. Bulaklak na hindi tumatanda? Hmm kakaiba. Literature teacher ba ang parents mo?"

Napatawa ako ng maalala si Lola. Nagagalit kasi ako noon kasi ako noon kapag tinatawag lang nila akong Naree. Para na kasi nila akong tinatawag na isang bulaklak sa putikan pero na pinagsabihan naman ako ni Lola tungkol sa buong pangalan ko ay nagustuhan ko naman.

"Hindi~ A flower that never age~ si Lola kasi-"

"Young forever~ wa~"

Young forever? Umiling ito na para bang hindi makapaniwala sa nasaksihan niyang pangalan. Pero teka? Napatingin ako sa kanya. Paano niya nalaman buong pangalan ko? Napatingin ito sa akin.

"Nakalagay apelyido niyo dito oh~"

Sabi nito sabay turo sa may mailbox namin. Napaubo ako bago napalunok. Nakakahiya~

"Pumasok kana~"

Gulat akong napatingin sa kanya. Napahawak ako sa aking batok.

"Ano- ahhmm yung bayad ko pwed-"

The Bulletproof Fan (LOVE) Series VIWhere stories live. Discover now