Bulletproof 5

19 2 0
                                    

Napaatras ako dahil sa gulat. Nag aalanganin ko siyang tinuro. Akala ko panaginip lang ang nangyari. Nanlaki ang mga mata ko nang nahakbangan ko ang sintas ko habang paatras.

"Ack!"

Napapikit at naghintay na bumagsak nang hinawakan bigla ni Namjoon ang kamay ko na nakaturo sa kanya. 

"Yah~"

Agad niya akong hinila palapit sa kanya. Napatikom ako at napalunok. Napailing ito bago tumingin sa sapatos at huminga ng malalim. Bigla itong umupo dahilan para mataranta ako at tumingin sa paligid. Inayos nito ang sintas ko.

"Te-teka.... ano~"

Bigla akong napatagil. Ano to De Javu? Ganito rin ang ginawa niya sa doon sa ospital. Hindi ko maintindihan kong bakit nag slow motion bigla habang tinitingnan ko siyang inaayos ang sintas ko. Anong klaseng phenomena ito? Kahit gamitan ko ng science ngayon hindi ko pa rin maintindihan. Mukhang maniniwala na ako sa teorya na nasa loob kami ng 2D world at mukhang nagli-glitch ito ngayon.  Tulala akong tumingin sa kanya. Unti-unti itong ngumiti nang tumayo ito ng maayos sa harapan ko.

"Ayos ka lang?"

Napakurap ako ng magsalita ito. Umiwas ako ng tingin. Napatingin ako sa paligid. Tuluyan ng dumilim ang paligid at lumabas na ang mga bituin.

"Pauwi ka na?"

Napatingin ako sa kanya bago alanganing tumango. Sinablay nito ang mga kamay niya sa gilid ng tulay. Habang pinagmamasdan ko siya ay bigla akong nakaramdam ng inggit. Naiinggit ako dahil masaya siya. Dahil alam niya kung ano ang gagawin niya at kung saan siya pupunta. Naiinggit ako dahil gusto ko ang pakiramdam na nasa pwesto niya. Na malaya niyang ginagawa ang mga gusto niya. Huminga ako ng malalim bago umiling at tumingin sa harapan. 

"Nagugutom ako."

"Huh?"

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin pa rin ito sa harapan. 

"Sabi ko gutom na ako."

Ewan ko. Feeling ko naging bobo na ako kahit ang sinabi niya hindi ko maintindihan. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nitong hinawakan ang mga kamay ko.

"Tara~ libre mo~"

Sabi nito habang tumatawa ng mahina. Kinaladkad ako nito paalis ng tulay.

"Te-teka~"

Ang totoo niyan. Hindi ko alam kong may pera pa ba ako. Tapos hindi ko alam kong saan niya ako dadalhing restaurant. Baka di ko maafford!

"Ahjussi~"

Napatingin ako sa paligid ng pumasok kami sa isang kainan. Palagi akong naglalakad malapit sa Han River pero ngayon ko lang ito nakitang kainan.

"Ikaw lang? Nasaan na yung iba?"

"May dala ako. Eto oh~"

Taranta akong nag bigay ng bow. Inayos ko ang buhok ko.

"Ma-magandang gabi po~"

Sabi ko. Ngumiti ito at tumingin kay Namjoon. Nakita ko ang ngiting may kahulugan.

"Yah! Ano yang iniisip mo Ahjussi~"

Tumawa ito ng malakas. Uminit ang pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin. Tiningnan ko ang interior ng kainan. Simple lamang ito. Maliit pero malinis. Napatingin ako malapit sa counter. Makikita mo sa loob ng kusina ang magluluto.

"Dalawang ramen po~"

"Siguraduhin mong magbabayad na kayo ngayon. Dami niyo na utang sa akin. Mahina benta ko. Tingnan niyo walang tao kainan ko."

Sabi ni Ahjussi. Tumawa si Namjoon. Palagi ba silang kumakain dito. Parang close na close sila ng may ari.

"Wag po kayo mag alala mamimigay kami ng flyers sa labas sa susunod. Tsaka sa ngayon hindi po ako ang mag babayad. Kundi eto po siya."

Nagulat ako ng nilagay ni Namjoon ang kamay niya sa ulo ko. Tumingin ako sa kanya. Parang lumiit ako lalo kapag katabi ko siya. Hanggang dibdib niya lang kasi ako.

"May utang ka sa kanya?"

Nahihiya akong tumango sa harapan ni Ahjussi. Narinig ko itong tumawa kaya tumingin ako sa baba.

"Tara~"

Hinila ako nito sa may sulok na mesa. Napakunot ang noo ko. Sa dami ng mesa bakit dito pa.

"Dito kasi palagi pwesto namin."

Sabi nito bago may tiningnan sa phone niya. Nababasa niya ba iniisip ko? Binaba nito ang phone niya at tumingin sa deriksyon. Agad akong umiwas at tiningnan ang phone ko. Hindi naman siguro ako hahanapin ni Mama.

"Masarap ramen nila dito."

Tumingin ako sa kanya pero umiwas rin agad nang nakitingin pa rin ito sa akin.

"Bakit umiiwas ka? Nahihiya ka ba?"

Agad ko siyang tiningnan. Tumawa ito ng konti. Napalunok ako ng makita kong paano siya ngumiti. Nawawala ang mga mata niya.
"Nagtataka ako."

Sabi nito bigla dahilan para mapatigil ako. Sa totoo lang takot akong magtanong siya ng kahit ano. Nabo-bobo ako kapag siya mag tanong.

"Hindi ka nagagalit na kinaladkad kita. Ni hindi mo alam pangalan ko at magkano yung utang mo."

Napalunok ako. Hinawakan ko ang pinagpapawisan kong kamay. Na ano? Na kampante ako kasi fan niyo ako. Mabubuking na ba ako. Tumingin ako sa kabila bago napapapikit dahil sa inis. Sana kunwari tinanong ko nalang pangalan niya! Bakit hindi ko kasi ito tinanong?!

"Baka-"

"Kila-"

"-naman madali ka lang magtiwala sa iba. Buti nalang ako kasama mo~ may sinasabi?"

Nanlaki ang mga mata ko bago agad umiling. Napahinga ako ng maluwag. Akala ko sasabihin 'Kilala mo ba ako?' muntik na ako dun. Napatingin ako sa mesa ng may mapansin ako. Lumapit ako ng konti para makita ko ito ng maayos.

"Ah! Si Jimin sumulat nito. Mga pangalan namin."

Hinawakan ko ang marka ng marker sa mesa. Napangiti ako.

"Kim Namjoon~"

Tumingin ako sa kanya. Napatigil ako ng makita kong gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Nanigas ang katawan ko ng napatingin ito sa akin. Hindi ko alam kong ilang segundo na kaming nagtitigan pero bumilis ang tibok ng puso ko nang magsalita ito.

"Paano mo nalaman na sa pito yun ang pangalan ko?"

Hindi ako makapagsalita. Nakita ko ang paggalaw ng mga mata niya na para bang pilit niya akong binabasa.

"Ano na? Magtitigan nalang ba kayo?"

Gulat kaming dalawang naghiwalay at umiwas ng tingin. Na amoy ko ang mabangong pagkain kaya napatingin ako sa mesa.

"Mga kabataan ngayon kung saan-saan nalang! Masyadong PDA! Ano nalang masasabi ng ibang taong makakakita!"

Tulala akong napatingin kay Ahjussi na nakasabit ang mga kamay sa bewang. Tiningnan kaming dalawa at patuloy pa rin sa pag le-lecture. Tumatango kaming dalawa habang tahimik na nakikinig. Napatingin kami kay Ahjussi na nagsasalita pa rin kahit paalis na sa table namin. Biglang tumahimik ang paligid. Nagtinginan kaming dalawa bago unti-unti ngumiti at pagkatapos ay tumawa ng sabay.

"Hindi ko alam kong alin doon ang nakakatawa pero natatawa ako."

Sabi Namjoon habang kalagitnaan ng tawa. Maluha-luha akong tumatawan masakit na tiyan ko.

"Ni hindi ko alam kung bakit ako tumatawa."

Sabi ko at tumawa kami ulit. Binigay ni Namjoon ang chopstick ko. Ngumiti ako ng makita siyang sumubo. Huminga ako ng malalim. Sana ganito nalang parati.

The Bulletproof Fan (LOVE) Series VIWhere stories live. Discover now