NAKATINGIN lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan habang si Mama naman ay panay ang pagsermon habang nagmamaneho.
"Kailan ka ba magtatanda? Paulit-ulit na lang, December! Hindi ka ba nagsasawa sa bunganga ko? Kasi ako, sawang-sawa na sa kakasermon sa'yo! Bahala ka, ititigil ko na ang pagsesermon sa'yo para malaman mo kung gaano kahalaga ang pangaral ko sa hinaharap!" Napairap ako bago humarap sa kaniya.
"Ma, sinasabi mo 'yan since last... month." Sabi ko at muling tumingin sa bintana. Ilang segundo siyang natahimik sa sinabi ko.
"Kaya nga eh! Hindi ka ba nagsasawa na paulit-ulit ako!? Kasi ako, sawang-sawa na!" Napairap ako at napahinga ng malalim.
"You just said that a while ago-"
"Wala akong pake!" Napapitlag ako sa sigaw ni Mama. Psh. Pikon. Napairap na lang ako at hindi na pinansin pa ang mga sinasabi niya.
Hays. Kailan pa kaya uuwi si Papa?
-----
"December, mayroon akong magandang balitang nais iparating sa iyo." Napairap na lang ako nang marinig ko na namang magsalita ng matatalinhagang salita si Mama. Nakangiti siya ng malapad kaya medyo nagtaka ako. Ang saya ata niya. Anong meron?
"Uuwi na ang Papa mo!" Agad akong napangiti sa sinabi niya.
"Talaga?" Paninigurado ko. Mas lalong lumapad ang ngiti niya kaya napatalon-talon ako sa tuwa. Umupo ulit ako dahil bigla akong natapilok.
Sa wakas! Uuwi na si Papa!
Papa is a soldier. Naka-destino siya ngayon sa Negros para makipaglaban sa mga rebelde doon. Maraming rebelde ang nag-aalsa sa Negros ngayon at isang general si Papa kung kaya't kailangan siya doon.
Oo, delikado, pero ano ba ang magagawa namin? Iyon ang gusto ni Papa eh, at wala kaming balak na hadlangan iyon.
Matagal na akong walang balita kay Papa kaya talagang sabik na sabik na akong makita siya. Sa isang taon na hindi namin siya nakakasama, wala talaga kaming naririnig na balita na sa kaniya mismo galing. Pero ayos lang! At least uuwi na siya!
"Kailan kailan kailan kailan kailan?" Hyper kong tanong kay Mama.
Oh my gahd! Uuwi na si Papa! Sa wakas! The long wait is over!
"Bukas!"
Agad-agad!? Agad akong napatili kaya wala sa oras akong nahampas ni Mama pero hindi ko iyon ininda.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko dito sa kwarto at pumunta sa balkonahe nang lumabas na si Mama sa kwarto ko.
Nakatingala lang ako sa madilim na kalangitan na puno ng bituin. God knows how I love the night sky.
Napapangiti na lang ako sa tuwing papasok sa isip ko na uuwi na si Papa. Sa wakas, uuwi na si Papa...
-----
Maaga akong nagising dahil sa napakalakas na hampas ni Mama. Napabangon ako at agad na tiningnan ang oras. Hindi ko na pinansin ang mga sermon ni Mama.
Teka, alas-kuwatro pa lang ah. Bakit niya ako ginising–
"At talagang ayaw mo pang makinig!"
"Aray!" Agad na nagising ang diwa ko nang muli akong hinampas ni Mama ng unan.
"Ikaw December, ah! Konti na lang, babarilin kita gamit ang baril ng Papa mo!" Napaismid ako sa banta ni Mama pero agad ring natigilan.
Baril ni Papa.. Papa.. Ngayon nga pala uuwi si Papa!
Marahas akong napatingin kay Mama na ngayon ay nakapamewang at magkasalubong ang kilay.
"Oh? Natatandaan mo na? Ngayon, bilisan mo na at susunduin pa natin ang Papa mo sa airport!" Agad akong kumilos sa isinigaw ni Mama habang siya naman ay lumabas sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Living With The Rebel
Short StoryI was once living a peaceful life. Not until Dad came home with a rebel.