2

21 6 2
                                    

NASA sasakyan na kami ngayon at nagmamaneho ako pauwi habang nag-uusap naman sina Mama at Papa as backseat. Nakaupo sa shotgun seat si Sky. Suot pa rin niya ang earphones niya habang nakatanaw lang sa labas ng bintana.

Kanina pa siya hindi nagsasalita. Naku-curious na ako kung bakit siya kasama ni Papa. Hindi naman ako makatanong dahil abala sa pag-uusap ang mga magulang ko. I don't want to disturb their bonding time.

"Ah, nga pala, Sky, hindi ko naipapakilala ang anak ko. Sky, her name is December Valdez. December, meet Sky." Medyo nagulat ako nang sabihin iyon ni Papa. Napatingin ako sa rearview mirror at nakitang seryoso lang ang mukha niya. At nang tumingin ako kay Sky ay nakatingin lang siya sa'kin.

May kung anong emosyon sa mga mata niya na hindi ko maintindihan. Ngumiti siya ng tipid sa'kin.

"Eyes on the road." Sabi niya kaya agad na iniwas ko ang tingin. Deym, why is his voice so deep? Just my type.

Kanina ko pa gustong marinig ang boses niya pero ngayong narinig ko na, parang mas gusto kong hindi na lang ito narinig pa. Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang boses niyang malalim. Nabalik ako sa katinuan nang magsalita si Papa.

"Anyway, December, ibaba mo na lang kami ng Mama mo sa convenience store malapit sa bahay. May bibilhin kami. Dumiretso na lang kayong dalawa ni Sky sa bahay, and Sky?" Luh?

"Yes, General?" Tanong ni Sky. His voice is cold, unlike his voice when he's talking to me.

"Know your limits, boy." Naguluhan ako sa sinabi ni Papa.

"Yes, General." Sky said.

Sky seemed to understand it, but I don't. Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy sa pagmamaneho. I can feel Sky's gaze towards me.

Oh come on, Sky! Sa labas ka na lang ng bintana tumingin!

---

"Sige na, mauna na kayo." Sabi ni Mama na parang kinakabahan. Hinawakan ni Papa ang balikat niya at nagsalita.

"Sky, ang bilin ko." Sabi ni Papa.

"Yes, General." Pormal na sabi ni Sky.

May binulong si Papa kay Mama bago lumayo. Tinaas ko na ang bintana at nagsimula ulit magmaneho.

Binalot ng katahimikan ang buong sasakyan. Nakatingin lang ako sa daanan at nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin si Sky sa labas.

"December, right?" Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Napasulyap ako sa kaniya at palihim na napalunok. Gosh, why so awkward, Ember?

"Y-Yep." Maikling sagot ko. Binalot ulit ng katahimikan ang buong sasakyan.

OMG. Bakit ang awkward ba kasi? Lumiko ako sa isang kanto at abot tanaw ko na ang bahay namin. Konti na lang, December. Makakarating na kayo.

Nabasag ang katahimikan nang bigla siyang mapaismid.

"December, huh? But let me guess, you were born on August." Muntik na akong mapapreno dahil sa sinabi niya. How the heck did he know? Alangan namang kinwento ni Dad? Dad doesn't talk much about us because the last time he did, something... never mind.

"So?" Maikli kong sabi.

"Then why aren't you named August, huh, December? Or should I say, Ember?" Sabi pa niya.

Kung kanina gustong-gusto ko pa marinig ang boses niya, ngayon parang mas gusto ko na lang na pipi siya.

"Eh dahil yun ang pinangalan sa'kin, eh. Wala ka nang pake dun."  Pagtataray ko sa kaniya.

"Kung wala rin namang kwenta o halaga ang sasabihin mo, pwedeng pakitikom na lang 'yang bibig mo?" Dugtong ko pa. Lumalabas ang tunay kong ugali ngayon kaya kung ayaw niyang masampolan, tumahimik siya.

"December."

"What?"

"December."

"Ano?"

"December."

"What!?" Agad akong napapreno sa inis. Bumaling ako sa kaniya at nakangisi siya ngayon kaya inirapan ko siya.

"You said that kung walang kwenta o halaga ang sasabihin ko, itikom ko na lang ang bibig ko."

"So?" What's his point? Ito na ba ang time na sisipain ko na siya?

"You're important to me, Ember."

What the –







A/N:
Yes, alam kong pangit at maikli, but please understand na lang po dahil maraming gawain. I'll do better next time!


©lixenmae 2019

Living With The RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon