KANINA pa ako asar na asar sa lalaking nakaupo sa sofa habang nakangisi. Tila enjoy na enjoy siya sa pang-aasar sa'kin, at eto naman ako, pikon na pikon na.
Masama ang tingin ko sa kaniya pero parang hindi ito tumatalab sa kaniya dahil patuloy pa rin siyang nang-aasar. Kulang na lang ay i-execute ko sa kaniya ang mga tinuro ni Papa sa'kin eh.
"Hey, August, wala man lang ba kayong pet dito sa bahay niyo?" Napairap ako dahil sa tinawag niya sa'kin. He's been calling me that ever since we entered the house.
"Tigil-tigilan mo ang kaka-August-August mo sa'kin, ha, Langit. Dahil kung ayaw mo, kukutusan talaga kita." Sabi ko sa kaniya at inirapan siya. His smirk turned into a mischievous grin.
"Langit? Pwede kitang dalhin dun." Agad kong nabato sa kaniya ang hawak kong baso pero agad din naman niya itong nasalo.
Argh! Napapadyak ako sa inis at iniwan siya doon. Lumabas ako sa bahay at nakita ko sina Mama at Papa na magkaharap sa may garahe. Lalapitan ko na sana sila nang mapansin kong parang nag-aaway sila.
Teka, papasok na lang ako.
Akmang tatalikod ako nang bigla ulit akong napalingon sa kanila. Ano ba talaga ang pinag-uusapan nila? Agad akong napailing.
No, 'wag kang makinig sa pinag-uusapan nila, December. 'Wag kang magpapatalo sa kuryosidad– never mind, kahit anong pagpigil ko makikinig at makikinig pa rin naman ako eh.
Dahan-dahan akong lumapit sa pinakamamahal na tanim ni Mama at nagtago sa likod nito.
"Nagpapaloko ka na man ba, William?!" Gigil na tanong ni Mama kay Papa.
"Hindi ako nagpapaloko. Hindi niya tayo sasaktan."
"Aba'y sigurado ka ba?! Hindi mo lubos na kilala ang batang iyon tapos dadalhin mo dito?!" Teka, si Sky ba ang pinag-uusapan nila?
"Hindi nga siya mananakit. Wala ka na bang tiwala sa'kin?"
"Wala! Wala na akong tiwala sa'yo! Dahil din diyan sa tiwala ko kaya nangyari ang isang bagay na hinding-hindi ko matatanggap kay... kay.."
"Huwag mo siyang isali sa usapan natin." Agad akong natigilan nang mapagtanto ko kung sino ang tinutukoy nila na huwag pag-usapan.
"Paano?! Papaanong hindi siya masasali kung dahil sa pesteng tiwala kaya siya napahamak?!"
"Hindi ko na gagawin pa ang kamaliang nagawa ko dati, Rose."
"Kung ganoon, bakit mo pa dinala ang batang iyan dito?! Naloko ka na naman ba ng isang inosenteng mukha?!"
"Magtiwala ka naman–"
"Punyetang tiwala 'yan!" Napapitlag ako dahil sa pagmumura ni Mama. Pati si Papa ay natahimik.
"Nang dahil sa tiwalang 'yan kaya tayo nasasaktan eh! Nang dahil sa tanginang tiwala na 'yan kaya may napapahamak na inosente!"
"Wala nang mapapahamak pa."
"Siguraduhin mo! Dahil sa oras na may mangyaring masama kay December dahil sa batang iyon, hinding-hindi kita mapapatawad kahit kailan!"
"Hindi sasaktan ng reb–"
Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Papa nang may biglang humila sa akin papalayo sa kanila. Sisinghalan ko na sana ang humila sa'kin pero bigla niyang tinakpan ang bibig ko at niyakap ako mula sa likuran.
Akmang sisikuhin ko siya pero panigurado na expected na niya iyon dahil nahawakan niya ang siko ko. Sinusubukan niya akong itulak papasok ng bahay pero pinupwersa ko ang paa kong itulak siya paatras para hindi siya magtagumpay.
Nagulat na lang ako nang biglang umangat ang mga paa ko mula sa sahig. Bwiset na Sky 'to! Sisigaw na sana ako pero bumulong siya sa'kin.
"Sige, mag-ingay ka para mahuli ka at mapagalitan." Napasulyap ako kina Mama at nakitang parang napansin nila ang mini kaguluhan na ginawa namin ni Sky.
Aish! Wala akong choice at hinayaan na lang si Sky na buhatin ako papasok sa loob.
---
"ANAK, lumabas ba kayo kanina?" Tanong ni Mama pagpasok na pagpasok pa lang niya.
"Hindi po. Bakit niyo po ba natanong?" Tanong ko sa kanya. Tahimik lang si Sky sa tabi ko kaya medyo nakampante ako.
Good, he should just let me do the talk dahil magaling akong magsinungaling.
"Wala." Dumiretso na si Mama sa kusina habang si Papa naman ay kakapasok pa lang. Agad niyang tiningnan si Sky na nakaupo sa tabi ko.
"Sky, follow me. Ihahatid kita sa magiging kwarto mo." Natigilan ako sa sinabi ni Papa. Tumayo na si Sky at lumapit sa kanya pero bago pa sila makaalis, tinawag ko si Papa.
"Pa," napalingon sila sa'kin, "kaninong kwarto po siya mags-stay?"
"Sa kwarto ni Ru–"
"Okay." Tumingin si Papa sa akin ng ilang segundo bago tumalikod at umakyat na ng hagdan. Nanatiling nakatingin si Sky sa akin na may kung anong emosyon sa mukha niya na hindi ko alam kung ano.
"Tinitingin-tingin mo?" Pagtataray ko. Nginisian niya ako bago sumunod kay Papa. Bwiset na Sky 'yon!
©lixenmae
BINABASA MO ANG
Living With The Rebel
Short StoryI was once living a peaceful life. Not until Dad came home with a rebel.