Prologue

30 5 3
                                    

"Ember.. Do it." Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang baril at nakatutok sa kaniya.

"Valdez! Shoot him!" Hindi ko pinansin ang sigaw ng commander namin at nanatiling nakatingin kay Sky.

"December, do it for your nation. Do it for the people. 'Wag mong hintayin ang oras na masira ang buhay nila nang dahil sa akin." Nangilid ang luha ko sa mga sinasabi niya. No, Sky. Don't you dare continue talking.

"Valdez! You need to fucking shoot him!" Lalong nanginig ang kamay ko sa sinabi ng commander at akmang ibababa ang baril pero biglang sumigaw si Sky.

"December Valdez! Don't you dare put that gun down!" Banta niya sa'kin. He knows that when I put the gun down, everything will be over. Mananalo ang mga rebelde laban sa amin. At ayaw kong mangyari iyon. But how could we win against the rebels kung ang lalaking mahal ko ang mismong rebelde?

"I started this mess, Ember. I'm giving you the chance to end it. Kill me, December." Tuluyang tumulo ang mga luha ko. How can I kill him? Tell me! How can I kill him!? Sinabi ko sa sarili ko na I wouldn't fall for him. I told myself that I would never fall for a rebel, but what happened now? Kinain ko ang mga sinabi ko. I completely fell for a rebel. I completely fell for Sky. He taught me to show my true colors. He was there whenever Papa couldn't go home. Palagi siyang nasa tabi ko. So tell me, how can I kill him?

"I love you, Ember." Napahagulgol ako sa sinabi niya.

"Shoot him, Valdez!"

"I love you, Sky." Sabi ko at inalala muna ang mga alaala namin.

I will always love you, my rebel, my Sky.

Living With The RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon