[DENISE'S POV]
Maaga akong umalis sa bahay.6:00 am ako nakadating dito sa school.Habang naglalakad ako sa corridor ay may nakita akong lumabas ng storage room,hindi siya pamilyar kasi hindi ko pa siya nakikita dito sa loob ng campus.
"Hi Denise!" maligayang bati sa akin ni Marcus,isa siya sa aking friend.Minsan lang kami mag usap niyan kasi busy siya.
"Oh bakit?" tanong ko naman sa kanya,paano ba naman ang aga aga sumisigaw.
"Wala lang..teka ano yun?? May naaamoy ka ba??" tanong niya sa akin napakunot naman ang noo ko at.......parang may naaamoy ako
"Parang amoy patay" kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at itinakip sa ilong ko
"Parang nanggagaling doon sa storage room? Tara tignan natin" pumunta kami sastorage room at sa di inaasahan
"Ahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!" nakita ko ang kaklase kong si Faith na wala ng buhay
Tuluyan ng lumabas ang mga luha kong kanina pa nagtitimping lumabas.
[ZYRUS' POV]
Naglalakad ako sa hagdan ng biglang may sumigaw
"Ahhhhhhhhhhh!!!!!" teka....boses ni Denise iyon ah
Tumakbo ako papuntang storage room doon kasi nanggagaling ang sigaw niya eh
Pagdating ko doon ay nakita ko si Denise na nakadapa sa sahig at si Marcus na nakaharap sa dingding
Lumapit ako sa kanila para malaman ang nagyayari
"Denise bakit ka umiiyak?? Anong nangyari??" humarap siya sa akin at tinuro yung nasa loob ng storage room.Tinignan ko iyon at nagulat naman ako sa nakita ko....
....si Faith nawalang buhay...puro saksak ang kanyang katawan
Ano ba ang nangyayari?? Bakit may mga namamatay?? Sino ang gumagaa ng mga ito??
Tumawag ako ng mga pulis.Pagdating nila dito ay dinala ko si Denise sa clinic nawalan kasi siya ng malay kanina.Si Marcus ay naiwan kasi kakausapin pa daw siya ng mga pulis
Clinic
Sabi nung nurse ay ok lang daw si Denise medyo nabigla lang daw kaya nawalan ng malay.
Pumasok ang mga barkada ko sa clinic
"Oh Zyrus anong nangyari kay Denise bakit walang malay??" tanobg sa akin ni Joseph,isa sa mga kabarkada ko
"Nawalan ng malay nung nakita namin ang walang buhay na katawan ni Faith"
"Ah.Oo nga pala wala daw tayong pasok ngayon.Sige una na kami yun lang ang pinunta namin dito eh"
"Ah sige salamat" tuluyan na silang umalis at ako nandito naka upo sa tabi ng kama ni Denise
Makalipas ang 5 minuto ay nakita kong nagigising na si Denise kaya bumangon na ako
"Nasaan ako??" tanong niya habang kinukusot ang kanyang mga mata
"Nasa clinic ka"
"Ano naman ang ginagawa ko dito??"
"Nahimatay ka kasi kanina.Ano bang nangyayari sayo??"
"May phobia kasi ako sa dugo kaya kapag nakakakita ako ay nahihimatay na lang ako bigla." diretsong pagkakasabi niya habang

BINABASA MO ANG
SPECIAL CLASS
Mystery / ThrillerSa paglipat ng eskwelahan nI DENISE ROSELINE R. ADANTE may malaman kaya siyang kakaiba doon.Magbabago kaya ang buhay niya??? Yan ang dapat niyong tuklaSan sa istoryang ito.