[DENISE'S POV]
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at tumingin sa orasan na nakapatong sa side table ko.
"4:30 na pala." sabi ko at tumayo na sa aking pagkakahiga at dumiretso sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na agad ako papuntang dining room para,mag breakfast.
Pagdating ko doon ay nakita ko ang taong ayaw kong makita- ang tatay-tatayan ko.
"Gising Ka na pala baby." sabi niya sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin.
Napansin na rin siguro na wala akong balak sagutin ang mga tatanungin niya kaya hindi na lang siya nagsalita.Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako sa kwarto para kunin ang gamit ko.
"Kuya tayo na po." sabi ko dun sa driver ko. "Sige po." sabi niya at pinag buksan ako ng pinto.
~~~SCHOOL~~~
Maaga pa nung dumating ako sa school.Wala pa ding masyadong tao sa loob ng campus.Naglakad lakad ako ng may nakita akong fountain sa garden ng school.
Pumunta ako sa fountain at umupo doon sa bench na katapat noon.Mahilig kasi ako sa fountains ginagawa ko yung tambayan pag may nang aaway sa akin or nang aasar.
Maya maya ay may biglang tumabi sa akin na lalaki at nagpakilala.
"Allain Zyrus Andal nga pala." sabi niya sa akin at inilahad ang kanyang kamay.
"Denise Roseline Adante." sabi ko sa kanya at nakipag shakehands.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan.Nalaman ko na magkaklase pala kami.Nalaman ko din ang mga nangyari sa school na ito noong mga nakaraang taon.
Ting! Ting! Ting! Ting!
Nagbell na at dahil nga sa magkaklase kami ni Zyrus ay sabay na kaming nagpunta sa room.
Pagdating namin doon ay wala pang teacher kaya umupo kami ni Zyrus sa likod.Doon na lang kasing may bakanteng upuan.
"Good morning class." bati sa amin ng kadadating lang naming teacher. "Good morning Maam." full energy na pagbati namin sa aming guro.
"Ok class before we start I want to introduce to all of you your new classmate.Denise Roseline Adante.Please stand so everyone can see you." pagkasabi nun ni maam ay tumayo ako sa aking kinatatayuan.Nakita ko naman ang mga ngiti sa kanilang mga labi.
Umupo na rin ako at nagsimula ng magpakilala ang mga kaklase ko.
FAST FORWARD
Nag aayos ako ng gamit ng biglang nagsalita si Zyrus na nasa tabi ko pala.
"Sabay na tayong mag lunch." yaya niya sa akin. "Sige." sagot ko at umalis na kami sa loob ng classroom.
Naglalakad kami sa hallway pero napansin kong nakatingin sa akin yung mga babae kaya yumuko na lang ako.
Pagdating namin sa canteen ay umorder na si Zyrus samantalang ako naman ay naghahanap ng mauupuan.Nakakita ako ng bakanteng table kaya pinuntahan ko agad iyon.
Maya maya ay dumating na si Zyrus may dala dala siyang tray at pinatong sa table namin.
Tahimik lang kaming dalawa habang nakain.
"Uuwi Ka na ba?" tanong niya sa,akin "Oo." sagot ko sa kanya
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na ako sa parking lot para hanapin ang aking driver.
"Kuya tayo na po." sabi ko sa driver namin at umuwi na ng bahay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
AUTHOR'S NOTE
SANA PO AY MAGUSTUHAN NIYO ANG CHAPTER NA ITO AT ANG MGA SUSUNOD NA MGA CHAPTER.
ENJOY!!!!!
BINABASA MO ANG
SPECIAL CLASS
Misterio / SuspensoSa paglipat ng eskwelahan nI DENISE ROSELINE R. ADANTE may malaman kaya siyang kakaiba doon.Magbabago kaya ang buhay niya??? Yan ang dapat niyong tuklaSan sa istoryang ito.