CHAPTER 4

156 6 0
                                    

[DENISE'S POV]

~Makalipas ang tatlong buwan~

Mga ilang buwan na rin ang nakalipas at naging kaclose ko na ata lahat sila.Nagkaroon din ako ng mga bagong kaibigan na sina MARCUS , KAISSER , SHANIA , GEUEL , GIAN , PRINCESS at si JARED. Lahat sila ay tinuring ko ng mga kapatid.Ang babait nga nila sa akin eh!.Masayang masaya ako dahil naging kaibigan ko silang lahat.Itinuring ko na ding 2nd mother si Ms.Aguilar kasi lagi siyang nandiyan kapag may mga problema kami.Siya lagi ang nagpapayo sa amin kapag kailangan namin.At higit sa lahat ay siya lagi ang nagiging sandalan namin.

Naglalakad kaming sampu sa corridor ng biglang may nag abot sa aking isang bata na babae.

"Ate may nagpapabigay po sa iyo." sabi sa akin nung batang babae at may inabot siya sa akin na isang sobre.

"Sinong nagpapabigay?" tanong ko dun sa bata.Medyo kinakabahan kasi ako doon sa sobre "Di po sinabi ang pangalan niya eh!" sagot nung bata at tuluyan ng umalis

Dahan dahan kong binuksan ang sobre at binasa ko yung nakasulat sa papel.

Be ready!!!! Hahahahaha!!

Look around and take care of your classmates!!

Medyo nagtataka ako doon sa nakasulat sa papel.

"Sino bang nagpapadala niyan? Natatakot na ako ha! Hindi magandang biro iyan." sabi ng maarte kong friend na c KAISSER

"Ikaw lng ba ang natatakot?" tanong naman ni JARED

"Kailangan nating mag ingat dapat lagi tayong magkakasama at walang maiiwan kung saanman tayo pumupunta." bilin naman ni ZYRUS

"Tama!!" sabay sabay naming sinabi at nagsimula na uling maglakad

Pagdating namin sa room ay pinagmasdan na namin ang mga kaklase namin. Mga masasaya naman silang lahat parang mga walang problema. Pumunta na kami sa aming mga upuan.

Maya maya ay pumasok na ang aming adviser.

"Good morning class!" bati sa amin ng mabait naming guro na si Ms.Aguilar "Good morning Ms.Aguilar!!" masayang bati namin sa aming mahal na guro.

"Carol can you get our dustpan to the janitor??" tanong ni maam kay kay Carol,kaklase namin

"Ok po maam." sagot ni Carol at tuluyan ng lumabas ng room.

[CAROL'S POV]

Naglalakad ako sa corridor at kasalukuyang hinahanap ang janitor namin.Inutusan kasi ako ni maam na kunin iyon.

Habang naglalakad ako ay nadaan ko ang abandonadong silid-aralan.

Parang may naaning ako doon sa loob...........isang TAO

Dahil sa aking curiosity ay pumasok ako sa loob ng room.

"Carol!!!!!!!! Hahahahaha!!!" may nagsalita sa likodan ko...Kilala ko ang boses na iyon pero hindi ko matandaan.

"Carol I think this is the END!!! Hahahahahaha!!!!" nanginginig na ako sa takot dahil doon sa huli niyang sinabi.

"S-si--no k-ka???" kahit medyo natatakot ako ay pinilit kong magsalita

"Hindi na importante kung sino ako.Ang importante ay ang mamatay Ka ngayon!" sa pagkakasabi niyang iyon ay may tumusok na kutsilyo sa likod ko at ramdam ko ang pag agos ng mainit na likido mula doon.

Napadapa na lang ako sa sobrang sakit ng likod ko.Pagkatapos noon ay ngumisi siya at kinuha ang kustilyo sa likod ko.Maya maya ay inilagay niya ang kutsilyo sa leeg ko na nagpasigaw sa akin ng malakas.At tuluyan na akong nawalan ng hininga.

[DENISE'S POV]

Ang tagal naman ni Carol.Kanina pa siya umalis pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

Nagtaas ako ng kamay para mapansin ni maam

"Yes Ms.Adante??" tanong sa akin ni maam at tumayo na ako

"Ma'am bakit po parang ang tagal na ni Carol sa labas kanina pa po siya umalis pero hanggang ngayon di pa rin po siya nabalik? Baka po may nangyari na sakanya??" tanong ko kay maam.Nagsimula na ang mga bulungan ng mga kaklase ko

"Mr.Andal and Ms.Pauline pakihanap naman si Carol." sabi ni maam kay Kaisser at Zyrus.Tumayo naman ang dalawa at umalis na para hanapin c Carol

Hindi ako mapakali sa aking upuan kasi nararamdaman kong may hindi magandang mangyayari.

Nagdiscuss na lang ulit si maam habang yung dalawa naman ay hinahanap si Carol.

Habang nasa kalagitnaan ng pagdidiscuss si maam ay may narinig kaming malakas na sigaw

"Ahhhhhhh!!!!!!!" kilala ko ang boses na iyon.......si Kaisser.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AUTHOR'S NOTE:

Sorry po kung SLOW UPDATE ang story na ito.

Busy lang po kasi ako eh

Pero........

......ENJOY!!!

SPECIAL CLASSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon