[DENISE'S POV]
Naglalakad ako sa hallway ng,makita ko si Zyrus sa isang bench at nakayuko.Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.Halata naman sa mukha niya ang pagkagulat na makita akong nakaupo sa tabi niya.
"Hi!" bati ko sa kanya with matching kaway kaway pa at with smile pa
"Ano problema mo??" tanong ko sa kanya kasi parang ang lalim-lalim ng iniisip nya.
"May natanggap kasi akong text kahapon." sagot niya sa akin.Naalala ko tuloy yung natanggap kong text message kagabi
"Anong sabi sa text message?" nacucurios na kasi ako kaya naitanong ko sa kanya pero bago pa siya makasagot ay nag bell na.
Ting! Ting! Ting! Ting!
"Tara na!" yaya ko sa kanya at sabay na kaming naglakad papuntang classroom.
Pagdating namin sa classroom ay wala pa ang guro namin at ang iingay pa ng mga kaklase namin.Pumunta na kami ni Zyrus sa aming upuan sa likod.
Maya maya ay pumasok na si Mrs.Hidalgo at nagturo na.
Nagdiscuss lang si maam ng nagdiscuss pero hindi naman ako nakikinig kasi naaalala ko pa rin yung text messages.
LUNCH BREAK
"Sabay na tayong maglunch." sabi sa akin ni Zyrus.Parang naging best friend ko na siya since kahapon.Ang gaan gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. "Ok" sagot ko sa kanya
Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na kaming dalawa.
Habang naglalakad sa hallway ay nag titinginan sa amin ang mga estudyante dito.Hindi ko na lang sila pinansin.
Nang makarating kami sa canteen ay umorder na si Zyrus ng makakain namin.
Habang nakain kami ni Zyrus ay may lumapit sa aming kaklase namin na may dala dalang tray.
"Hi.Ako nga pala si FATIMA but you can call me AILA." sabi niya sa amin at pinatong ang tray niya sa table namin. "Can I share this table with you?" dagdag pa niya
"Sure!" sabi ko habang may malapad na ngiti sa labi.
Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan nina Fatima.
[FATIMA'S POV]
Nagkukwentuhan kami nina Denise at Zyrus ng biglang magbell.
Ting! Ting! Ting! Ting!
"Tara sabay sabay na tayong tatlo pumunta sa room." yaya sa amin ni Denise "Sige" sabi ko
Nang makarating kami ng room ay wala pang teacher pero ang mga kaklase namin ay andito nang lahat at napaka gulo. May lumapit sa aming tatlo na kaklase namin.
"Bakit parang ang gugulo ng mga kaklase natin??? Anong meron??" tanong ni Denise kay Althea kaklasr namin
"Ah wala kasi tayong teacher ngayong first period ngayong hapon kaya ang sasaya ng mga ito." sabi niya at tinuro pa ang mga kaklase namin
"Ah ok. Thanks for the information." sabi ko sa kanya
Pumunta na kami nina Denise at Zyrus sa aming mga upuan.Medyo malayo ang upuan ko dun sa dalawa kaya hindi kami makapag kwentuhan.Nanonood lang ako sa mga kaklase kong mga isip bata.Paano ba naman kasi mga nagbabatuhan ng papel,naghahabulan at nagtatawanan.Biglang may pumasok na babae sa room medyo may edad na rin siya.
"Good morning class,I'm your teacher in Science. My name is Anna G. Vergara." sabi sa amin ni Ms.Vergara "Good morning Ms.Vergara!" bati naming magkakaklase
FAST FORWARD
Ting! Ting! Ting! Ting!
Tumunog ang bell which means na uwian na.
"Aila uuwi Ka na ba?" tanong sa akin ni Denise
[DENISE'S POV]
"Aila uuwi Ka na ba?" tanong ko kay Fatima
"Oo eh." sabi niya at nagmamadaling umalis
"Geh Zyrus uuwi na ako." sabi ko sa katabi kong c Zyrus "Ok.Sige bye" sabi niya.
Tuluyan na akong umalis sa room at umuwi na.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
AUTHOR'S NOTE
Sorry po kung ngayon lang nakapag update
Busy po kasi sa UNIT MEET eh
Enjoy Reading

BINABASA MO ANG
SPECIAL CLASS
Mystery / ThrillerSa paglipat ng eskwelahan nI DENISE ROSELINE R. ADANTE may malaman kaya siyang kakaiba doon.Magbabago kaya ang buhay niya??? Yan ang dapat niyong tuklaSan sa istoryang ito.