[DENISE'S POV]
Habang nasa kalagitnaan ng biyahe biglang tumunog ang cellphone ko.
Bzzzzzt!!! Bzzzzzt!!!
From: 09*********
Humanda kayo!!!
Nagulat naman ako sa aking nabasa kaya naihagis ko ang aking cellphone.
"Maam,ok lang po ba kayo?" tanong sa akin ng aking driver. "Ok lang po ako." sagot ko sa kanya pero natatakot pa rin ako sa nabasa ko.
~~~HOUSE~~~
Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa aking kwarto.
Humiga ako sa kama habang iniisip kung anong ibig sabihin nung "humanda kayo" na nakasulat sa text message.
Habang nag iisip ay biglang tumunog ang aking cellphone kaya medyo kinabahan na naman ako.
Bzzzzzt!!! Bzzzzzt!!!
From: 09*********
Mag iingat kayong magkakaklase!!!!!
Kinabahan na naman ako sa nabasa ko.Nakahiga ako sa kama at nakatitig sa kisame ng may kumatok sa pinto.
Tok tok tok
"Ms.Denise the dinner is ready." sabi sa akin ni manang "Ok manang I will follow." sagot ko kay manang at tumayo na para lumabas.
Pagkababa ko ay nakita ko na ang aking tatay na naka upo na sa kanyang upuan sa dining room.Umupo na ako sa aking upuan at kumuha ng aking pagkain..
Tahimik lang kaming nakain ng biglang basagin ng aking tatay ang nakakabinging katahimikan.
"How's your new school?" tanong niya sa akin
"Ok lang naman." walang gana kong sagot sa tanong niya
"May mga bago Ka na bang mga kaibigan?"
"Meron pero isa lang"
"Ano name niya??"
"Allain Zyrus Andal.."
"Your new friend is a boy?"
"Yes....why?"
"Nothing."
Pagkatapos ng tanungan ay kumain na lang ulit kami.At kagaya kanina binalot na naman kami ng nakakabinging katahimikan.
Maya maya ay natapos na akong kumain at nagpaalam na ako para umakyat.
"Aakyat na ako." sabi ko sa tatay ko
"Sige." sabi sa akin ng tatay ko.Umakyat na ako sa aking kwarto at natulog na.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
AUTHOR'S NOTE:
Sorry po kung maikli lang ang chapter na ito.
Sa mga susunod na chapters ay gagandahan at hahabaan ko na PROMISE!!!!
Enjoy Reading!!
BINABASA MO ANG
SPECIAL CLASS
Mystery / ThrillerSa paglipat ng eskwelahan nI DENISE ROSELINE R. ADANTE may malaman kaya siyang kakaiba doon.Magbabago kaya ang buhay niya??? Yan ang dapat niyong tuklaSan sa istoryang ito.