CHAPTER 2

15 0 0
                                    

Andito kami ng mga kaibigan ko sa park. Anong ginagawa namin? Jamming lang kwentuhan kung saan mapadpad ang kwento. Ito ang bonding naming mag kakaibigan. KUNG SAAN wala ang mga girlfriend ng mga kaibigan ko. Minsan lang kami mag ganito kase may kanya kanyang lablayf ang mga ito.

     Nung una pag sinasabe ng mga kaibigan kong na love at first sight daw sila natatawa lang ako. Kase di naman yun totoo eh. Pano mo naman masasabing na love at first sight ka diba? Tsaka kanino ba nagmula yang love at first sight na yan?

"Nangag papaniwala naman kayo dyan sa Love at first sight na yan eh hindi naman yan totoo".Sabe ko sa mga kaibigan ko. Then biglang tumawa yung isa kong kaibigan si Jorel sabay sabing "Pustahan tayo mararamdaman mo din yan at darating ang panahon na yun na mababaliw ka sa kakaisip dun sa babae na yon" tas bigla syang umalis pag kasabi non "Problema non?" tanong ko sa mga natitira kong kaibigan then nangag si ilingan na lang sila. Weird. Si Jorel kasi yung tipong seryoso pagdating sa babae. Hindi ko alam bat ganon ang asta non ngayon wala siguro sa mood. Baka nag away na naman sila ng girlfriend nya.

Hays! hirap sigurong magkaroon ng girlfriend? Tingin pa lang sa mga kaibigan kong nabo broken kase iniwan sila ng girlfriend nila parang ang sakit maranasan. Parang ayaw kong maranasan ang nararanasan ng mga kaibigan ko. Bakit kase kailangan pang mag girlfriend eh masaya naman ang single! Kaya mong gawin ang lahat ng gusto mo! Malaya ka! Walang magpipigil sayo except sa magulang mo syempre. Walang sakit sa ulo, walang sakit sa bulsa! HAHAHA! Gastos lang ang magkaroon ng girlfriend tapos masasayang lang ang effort mo kase iniwan ka! Pinagpalit ka sa mas better o kaya pinagpalit ka kase sawa na sayo! Ganon ba yon? Kung ganon ayaw ko ng magmahal.

Well proud akong sabihin na NGSB po ako. NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH. Di kasi ako naniniwala sa love. Kung may Love bakit wala ang tatay ko? Bakit nya kami iniwan ni mama? See? Hindi totoo ang love.

NA LOVE AT FIRST SIGHT ATA AKO?!Where stories live. Discover now