Chapter 3

12 5 0
                                        

Chapter three

Loreine POV

Ala-sais na ng gabi at nandito na kami sa harap ng hapag kainan,mahaba ang mesa na may labing-dalawang,upuan ang sala naman ay may malalaking sofa na talagang pang royal blood.

Napansin ko rin sa mansyon na ito ay mahilig sila sa red and gold dahil halos lahat ng gamit sa mansyon na ito ay may ganong kulay.

Napakaganda,at isa lang ang parte ng mansyon na ito ang pinakanagustuhan ko,Ang hagdan.

Napakaganda kasi ng hagdan dahil yung pagpasok mo palang sa pintuan sasalubong na sayo ang malaking hagdan na naka pwesto sa may gitnang parte ng mansyon.

May carpet ito na red na nakalagay sa baitang ng hagdan at ang hawakan ng hagdan ay may gold na kulay,mafe-feel mo talaga na parang nasa party ka o pagtitipon ng mga mayayaman.

"Melody,magdasal kana"sambit ni mama at sinimulan na ni melody ang pagdadasal.

Lima lamang kami dito dahil si Mang Reso ay umuwi na sa kanila,naninirahan kasi sya sa bayan kung san kailangan mo pang bumaba para makarating ka dun.

"Amen"sabay naming sambit at nagsimula na kaming manguha ng pagkain.

"Masaya ba kayo dito sa mansyon?"tanong ni papa samin

At dahil may pagkain ang bunganga namin,tumango lamang kami bilang sagot.

"Mabuti naman kung ganon,ngayon alam nyo na ang naka assign na kwarto sa inyo kayo na bahala ang mag ayos ng gamit nyo,maliwanag?"utos ni mama at tumango din kami.

Habang tahimik kaming kumakain biglang humangin ng malakas dahilan para may mabasag na isang picture frame na malapit sa may bintana.

Agad kaming tumayo upang isarado ang bintana,ngunit imbes na sa bintana ako magtungo,sa picture frame na nabasag ang aking pinuntahan.

Ng kunin ko toh,nabitawan ko dahil sa takot na aking nararamdaman.

Nabasag ang kaisa isang picture frame ni Lorena De Luna.

Pero pano toh nahulog?

Sa pagkaka alam ko,ilang dekada na ang nakalipas pero di pa ito nahulog o nabasag.Malakas din ang pagkakadikit nito sa dingding kaya laking pagtataka ko kung bakit at paano ito nahulog?

"Sa sobrang kalumaan,ito ay bumibitiw na sa kakadikit"isang tinig ng matanda ang aking nakita.

Nang lumingon ako sa aking likuran,nakita ko ang isang matandang babae na may tungkod na dala dala bilang suporta sa kanyang paglalakad.

"Aling Kalipta!"tawag ni mama sa matanda at agad nya itong niyakap.

"Aling kalipta,buti at napadalaw kayo.Kahit gabi na eh sinikap nyo parin ang makarating dito"dugtong ni mama.

"Hayst naku rose!parang di mo na ako kilala,syempre kahit hatinggabi na sisikapin ko na makarating dito,lalo na kung andito ang paborito kong alaga"masayang sagot nito.

"Aling kalipta,sya po si Adrian asawa ko po at si Loreine,Lannie,at Melody,ang mga anak ko"pakilala ni mama samin kaya agad kaming lumapit kay aling kalipta at nagmano.

Pero tulad ni Mang Reso titig na titig si Aling Kalipta sakin,parang sinusuri nya ang aking mukha

"Tama nga si Reso,kamukha ni Lorena ang panganay nyong anak"seryoso nyang sambit habang di naalis ang pagkatitig nya sakin.

"Yan din sabi ni Mang reso kanina,at sa totoo lang ngayon ko lang nalaman na magkamukha sila,matagal na akong di nakakabalik dito kung kaya't nakalimutan ko na din ang mukha ni Lorena"paliwanag ni mama

"Ahm buti nalang po ay kumain na kayo dito samin,sumabay na po kayo aling kalipta"aya ko sa kanila dahil naaasiwa na ako sa mga titig nya.

"Tulad ni Binibining Lorena,mabait din ang iyong anak.Tamang tama at gutom na ako,pwede ba akong makisabay?"tanong nito at sa lagay na toh bumalik na sa dating ekspresyon ang mukha nya

"Oo naman tara na,Loreine iwan mo nalang jan,mamaya na natin linisin ang basag."sambit ni mama kaya sumunod na ako sa kanila pabalik sa hapag.

Ngayon ay kumakain kami ng tahimik kasama ang aking mga kapatid at nag uusap naman sila mama,papa at aling kalipta habang kumakain.

Tahimik akong kumakain ng maramdaman kong may nakatitig sakin kaya napalinga linga ako sa paligid.At may nakita akong bulto ng lalake na nasa labas ng bintana.

Di ko masyado maklaro ang kanyang mukha pero sigurado akong may maganda syang pangangatawan at medyo may kahabaan ang buhok dahil narin sa liwanag ng buwan kaya ko yun nakita.

"Ate ano tinitignan mo sa bintana?"tanong ni Lannie

"Ahm wala,ang ganda kasi ng liwanag ng buwan"pagdadahilan ko.
At naniwala din si Lannie

Agad akong bumalik ng tingin sa may bintana ngunit wala na dun ang lalakeng nakita ko kanina lang

Sino ba yun?

Siguradong sya ang nakatitig sakin.
Nacurious ako bigla at may kilabot sa aking katawan.

Natatakot na ako sa lagay na ito.

"Ahm nak pwedeng ikaw nalang ang maglinis ng kalat sa may sala,maguusap pa kasi kami nila aling kalipta eh"utos ni mama at tumango lang ako.

Hanggang ngayon di ko parin naalis sa aking isipan ang lalakeng nakita ko kanina.Sino ba talaga yun?at pano sya napunta dito?

Nakakabaliw na ah!

*'*'*'*'*'
Winnie na maganda pag nakatulog:so yun na nga guysss!!mukha akong buang hahhaha so guys thank you for reading sana magustuhan nyo!!!

Mansion De LunaWhere stories live. Discover now