Chapter two
Loreine POV
Anim na oras na byahe?di yan biro,nakakangalay kaya umupo sa sasakyan ng ganong katagal na oras!
Kung kanina ay curious ako sa Mansion de luna.
Ngayon ay kaharap ko na ang nasabing mansyon.
Nakakalula sa laki,at makikita mo sa mansyon na mayayaman ang nakatira kahit na luma na ito.Puno na din sya ng alikabok dahil sa kalumaan nito.
Nasa taas sya ng isang burol na puno ng kahoy,inshort nasa gitna ng gubat.Isang oras ang byahe pababa sa bayan kung san ang maraming taong naninirahan.
Ang mansyon na ito ay nagiisa lamang na nakatirik sa gubat,walang katabing bahay.At aaminin kong natatakot ako sa ganitong lugar,naiimagine ko kasi yung mga horror movie na napapanood ko.
"Magandang hapon sa inyo,Welcome sa Mansion De Luna"bati ng isang matandang lalake na sa tyantsa ko ay sya ang taga pangalaga ng mansyon.
"Oh Mang Reso,matagal na nung huli tayong nagkita,mukhang di ka tumatanda ah"bati ni mama sa matanda.
"Isa ka ng ina ngunit napakabolera mo parin hahaha"sagot ni Mang reso
Nag usap pa sila pero di na kami nakinig pa
"Ate ang creepy ng place na to"mahinang sambit ni Lannie at sumang ayon naman si Melody
"Hayaan nyo na,masasanay din tayo dito"sagot ko nalang
Naglakad na kami upang pumasok sa mansyon.
Ng pumasok kami sa mansyon,mas nalula kami sa ganda.
Oo luma na tong mansyon na toh pero......ang ganda pa rin.
"Mang reso sila pala mga anak ko,Si Loreine,Lannie,at Melody"pakilala ni mama samin magkakapatid.
Ngumiti lang kami kay Mang reso ngunit si mang reso ay nanatiling nakatitig sakin.
"Rose,Kamukha nya si Lorena,ang kapatid ng lolo mo sa tuhod"sambit nya
"Ah?may litrato ka ba nun mang reso?"tanong ni papa,di na sumagot si mang reso at agad syang nag tungo sa may sala at may nilapitan syang picture frame,agad namin ito nilapitan at nagulat ako sa babaeng nakita ko sa picture.
Babaeng kamukhang kamukha ko!
"Tama ka nga Mang reso,kamukha nya si Loreine,at magkapareho sila ng pangalan kaso makaluma nga lang ang kay Lorena"sagot ni mama
Nakasuot ang nasabing si Lorena ng puting long dress na may sobrero na puti rin.Maamo ang mukha nya at lahat ng iyon ay nakuha ko sa kanya pero pano?
"Ate kamukha mo talaga sya"sambit ni melody
"Di ko akalain na may kamukha pa pala ako"natatawa kong sambit
"Ngunit mang reso,kahit kailan di ko narinig ang tungkol sa kanya,wala ba syang anak o asawa?di yan na kwento ni lolo eh"nagtatakang tanong ni mama
"Wala syang anak o asawa,maaga syang namatay na hanggang ngayon ay di alam ang dahilan ng pagkamatay nya,nanatili parin itong misteryo sa mansyon na ito"paliwanag nya
Kaya napa tango nalang kami,ito ba yung misteryo na hinahanap ng aking puso.
Pero pano?
Patay na si Lorena
At ano kaya dahilan ng pagkamatay nya?
Lorena De Luna ang babaeng kamukha ko at sinasabing ako ang makabagong Lorena ng makabagong henerasyon.Bakit may something sa puso ko na dapat kong makilala si Lorena.Konektado ba sya sa buhay ko?
*'*'*'*'
Winnie na maganda ang mata pag nakapikit:yoooooowww!!!ayun na nga medyo lame mga pare hahahahhaa lutang ako eh!hahaha bat ba?!gahhaa jwk so sino ba si Lorena De luna?sya po ang nanay ko hahahah chawoottt hahhaah enjoy readingggg
![](https://img.wattpad.com/cover/194870051-288-k782435.jpg)
YOU ARE READING
Mansion De Luna
Mystery / ThrillerMansion De Luna. Mansyong di mo inaakalang may nakatagong sikreto. Sikretong naka-konekta sa isang tao. Taong syang maghahanap ng sikreto na nakatago. Sikretong ilang dekada na ang lumipas Malalaman kaya ng ating bida ang sikreto na ito? O Mananati...