Chapter five
Loreine POV
Matapos ang maikling usapan naming magkakapatid sa kwarto ay agad aking bumaba at nagtungo sa may hardin ng masion.
Malaki ang hardin at makikita mo na dati itong maganda at buhay na buhay na hardin,pero ngayon parang nasalanta ng bagyo dahil sa hitsura nito.
Tuyong tuyo na ang mga damo at wala ka na ding makikita na nabubuhay na bulaklak.
Ang mga punong naka tanim sa hardin ay wala na ding buhay,nalalagas na din ang mga dahon nito mula sa sanga.
Parang napapalibutan ng kalungkutan ang lugar na ito na dating may masayang enerhiya sa paligid.
Maglalakad pa sana ako ng parang may tao sa aking likuran.
Di muna ako lumingon sa likod at nakikiramdam muna ako kung may tao nga."Napaka gandang binibini ang aking nakita ngayong umaga,tila nakakapanibago dahil may tao na uli ang Mansion de luna"sambit nito.
Pano sya nakapasok sa mansion?
Teka?
Lalake sya?Lumingon ako sa likuran at isang binati na di naman nalalayo ang edad sa akin.
Topless sya at may dala syang palakol,basang basa na din sya ng pawis,at di ko made-deny na gwapo sya.May moreno syang kutis na nababagay naman sa kanya.
"Binibini masyado mo na ako tinititigan,baka matunaw ako nyan"biglang sabi nya kaya napatingin ako sa kanya
"Hindi ka naman kagwapuhan para matitigan kita"pagsusungit ko.
"Hahahaha grabe ka binibini Lorena,palabiro ka talaga"sambit nya
Teka?
Lorena?"Hindi ako si Lorena ginoo"seryoso kong sambit
"Ah pasensya kana,matagal na palang patay ang aking mahal"sagot nya
Teka?bat mahal,sa katunayan nga ninuno na namin si Lorena at kami ang mga bagong henerasyon pero,minahal nya si Lorena?pano?di sya tumatanda ganon?
"Minahal?"nagtatakang tanong ko
"Ahm nakwento lang sakin ng aking lolo at talagang nabighani ako ng kanyang ugali,kaya hinihiling ko na sana pinanganak nalang ako sa panahong nabubuhay sya upang sya ay aking ibigin,ngunit mukhang natupad na ang hinihiling ko"sagot nya
"Ah?"
"Dahil kahit di ako pinanganak sa kapanahunan nya,natagpuan ko naman ang bago nyang henerasyon.Kamukhang kamukha mo si Lorena,binibini"sambit nya,binitawan nya ang dala nyang palakol at kinuha ang kanan kong kamay saka ito hinalikan.
"Ano nga pala ngalan mo binibini,ako nga pala si damon"pakilala nya
"Loreine"maikli kong sagot
"Hmmm pati ngalan ay halos magkapareho kayo,mula ka ba sa angkan ng kanyang kapatid na si Leonardoz?"tanong nya
"Oo,yun nga"sagot ko
"Hmmm magandang umaga nga pala binibini,hanggang sa huli nating pagkikita dahil lilisan na ako at may gagawin pa ako"sambit nya saka nag lakad papalayo.
Kakaiba sya,magiliw,makulit,at di ko maipagkaila na gwapo sya na kahit na sino mabibighani sa kanya.Matangkad din sya tulad ng pinapangarap ng mga babae,at isa na ako dun.
"Layuan mo sya"sambit ng di ko kilalang tinig
Paglingon ko sa likod
Isang babaeng naka puti,mahaba ang buhok nya dahilan para di ko makita ang mukha nya.
"S-sino ka?"natatakot kong sambit habang pa atras ng pa atras ang aking hakbang at sya naman ay palapit ng palapit sakin.
"Di na yun mahalaga kung sino ako!basta lumayo ka!"sigaw nya at kasabay nito ang paglaho nya
Kakaiba ang naramdaman ko sa babaeng yun
Multo ba sya o ano?
Natatakot na ako
Dahil sa takot ay nanghina ang aking mga tuhod dahilan ng pagkaupo ko sa lupa.
Nakakatakot yun,bakit kailangan kong makita ang babaeng yun?
Bakit nya ako pinapalayo sa lalakeng yun?
Konektado ba sila sa isat isa?
"Ateee!!tara na't mag almusal!"tawag sakin ng kapatid kong si Lannie kaya kahit nanghihina ako ay pinilit kong tumayo at magkunwaring wala akong nakita.
"Ate bat marumi ang pajama mo?umupo ka sa lupa?"tanong ni Lannie
"O-oo natumba ako eh kaya narumihan"pagdadahilan ko at agad naman silang naniwala.
Nagtungo na kami sa loob ng mansion at umupo sa harap ng hapag kainan.
Habang kumakain ako ay sumasabay din sa aking isipan ang mga pangyayareng di ko inaasahan.
Unang una bakit iba ang pakiramdam ko nung nabasag ang litrato ni Lorena?
Sino yung lalakeng nakita ko sa may bintana?
Bakit nandun ako sa panaginip na kung saan andun si Lorena kasama ang di ko kilalang lalake?
Sino na naman ba si damon?
Konektado ba si damon at yung babaeng nakaputi na nagpakita sakin?
Bakit ako pinapalayo ng babaeng nakaputi kay damon?
"Ang pag iisip ng mga bagay bagay ay wag dalhin sa harapan ng pagkain,dahil baka pati pagkain ay maawa sayo"biglang sabi ni Aling kalipta
"Ahm pasensya na po"pagpapaumanhin ko
"Ayos lang basta wag kang mag isip ng ibang bagay pag kumakain ka"sagot nya at ipinag patuloy na ang pagkain.
"Aling kalipta,sabi ni Mang reso eh susunduin ka nya at sasamahan ka nya sa pagbaba ng bundok."sambit ni mama
"Aba!ayos yun,at may kasama akong bumaba kahit papaano"masayang sagot ni aling kalipta.
Marami pa silang pinag usapan pero nanatili lamang akong kumakain habang di maalis ang mga pangyayare,iniiwasan ko na isipin ang mga bagay na yun tulad ng sinabi ni aling kalipta pero di ko talaga maiwasan eh.
Di ko maiwasan ang mag isip sa kung anong koneksyon ng mga bagay na nangyayare sakin.
Kahit kanino ay di ko ito pwedeng ibahagi dahil nararamdaman ko na sa oras na ibabahagi ko to sa ibang tao ay maaring manganganib ang buhay nun.Di ko alam kung pano ko yun nararamdaman,simula nung tumuntong ako sa bahay na to,marami ng nagbago sakin at nararamdaman ko yun.
Dati ay di ako naniniwala sa mga instict pero ngayon mas lalo yun lumalakas.
At naninibago na rin ako na medyo di ako nakakatulog ng maayos.
At pansin ko rin na medyo nagsasalita ako ng malalim na tono ng tagalog.
Baka na adapt ko lang sa mga pananalita mg mga tao dito.
Oo tama na adapt mo lang yun,Loreine.
"Wag kombisihin ang sarili kung alam nya din na maaring mangyare ang ikalawang nasa isip nya"biglang sabi ni aling kalipta kaya napatingin ako sa kanya.
Kala ko ako ang kinakausap nya pero sila pala nila mama at papa.
Tama nga sya,di ako siguro pero maaring nagbabago ako o hindi.
Hindi natin alam.
Dahil lahat tayo ay walang kakayahan para makita ang hinaharap at iwasan ang mga pangayayareng di mo inaasahan.
*'*'*'*'*'*'*'
Winnie na kyut sa gabi:medyo mahaba sya pero sana magustuhan nyo dahil ngayon lang ako nakaload kaya pagpasensyahan nyo na po ako heheheheeh enjoy reading
YOU ARE READING
Mansion De Luna
Mystery / ThrillerMansion De Luna. Mansyong di mo inaakalang may nakatagong sikreto. Sikretong naka-konekta sa isang tao. Taong syang maghahanap ng sikreto na nakatago. Sikretong ilang dekada na ang lumipas Malalaman kaya ng ating bida ang sikreto na ito? O Mananati...