Melting the Heart
By Ayachii
Simula
Naglalakad ako sa tabi ng dalampasigan, pilit na nilalanghap ang sariwang hangin habang nakapikit. Napangiti 'rin ako dahil sa bawat hakbang ko rinig na rinig ko ang tunog ng alon.
Napatigil ang aking paglalakad nang may tumawag saakin sa hindi kalayuan. Binuksan ko ang aking mga mata at tuluyan ko nang nakita ang napakagandang tanawin sa aking harapan tila kumikislap ang tubig habang ito'y sumasayaw sa kanyang paghatak at pagbalik.
Lumingon ako at nakita ko naman ang aking mga pinakaimportanteng tao sa aking buhay. "Anak, halika na rito at para makakain narin tayo!" Sigaw ng aking tatay habang kita ko siyang nag aayos ng pinggan sa loob ng kubo.
Napangiti ako nang nilapitan siya ng aking nanay upang ilapag ang ulam sa lamesa. Kitang kita ko ang masasaya nilang mga ngiti at tila parang wala nang makakahadlang sa kanilang pagmamahalan. Unti-unti akong naglakad para tulungan sila at napatingin naman ako sa aking paanan dahil ramdam na ramdam ko ang mga buhangin sa bawat pagyapak ko papalapit sakanila.
"Lily! Hindi ba sinabi ko na sa'iyo na wag kang maglakad habang nakayapak!" singhal ng nanay ko nung nakatapak na ako sa loob ng kubo. Tinawanan naman siya ng tatay ko at umiling, "Hayaan mo na kasi 'yan. Minsan lang naman tayo dito at mukhang nag eenjoy ang ating munting prinsesa."
Kinuha ko ang mga kubyertos at para mailagay ko na sa mga pinggan. "Alam ko naman yun pero natatakot ako baka may matapakan siya. Naku! Wala pa naman tayong pera para ipagamot yan." Umiling iling si Nanay pero hindi na sumagot si Tatay at hinintay nalang niya na malagay ang kanin para makapag simula na kami kumain.
Umupo na ako at sumunod naman si Nanay sa harap ko. Magkatabi nila ni Tatay at inayos naman ni Tatay ang upuan bago niya pinaupo si Nanay. "Kamusta ang iyong trabaho, Mahal?" Biglang tanong ni nanay nang nagsimula na kaming kumain. Kinuha niya ang lalagyan kung nasaan ang ulam at inilagay niya ito sa plato ni Tatay.
Napatingin ako sa aking tatay at may pagkabalisa sa kanyang mukha, "Mahina pero hindi naman ako titigil."
"Ano pong problema?" singit ko sakanila. Isinubo ko ang isang kutsara ng kanin papunta sa aking bibig. Napatingin naman saakin si Nanay at kitang kita ko ang lungkot sa mata niya.
"Mahirap kumita ngayon, Anak." Si tatay na ang sumagot saakin. Itinigil ko ang pagsubo at tumIngin sakanya. "Sabihin niyo lang po saakin kung may maitutulong ako." Bigla kong pag suggest sakanya.
"Hindi." Seryoso niyang sabi. "Mag-aral ka at kami ng nanay mo ang mag tatrabaho para mapaggastusan namin 'yang mga pangangailangan mo."
Umiling ako, "Tay, hindi ko naman po papabayaan ang pagaaral ko. Gusto ko lang naman makatulong ako." Tumingin ako sa aking pinggan na kalahati na ang laman. Hinintay kong magsalita si Tatay pero alam kong pagtatalunan nanaman namin ito dahil ilang beses na namin pinagusapan ang tungkol rito pero ipinipilit ko parin.
"Lilian, Ilang beses pa ba natin 'tong pagtatalunan?" Hindi ko na siya magawang tignan dahil alam ko basehan sa kanyang tono ay galit na siya.
"Payagan mo na kaya iyang bata na yan?" Hindi ako makapaniwa sa narinig ko kay Nanay. Unti unti kong itinaas ang aking tingin at nagtama ang aming mata kitang kita ko ang lungkot niya pero ngumiti siya saakin na parang sinasabi niya saakin na sinusurportahan niya ako sa aking desisyon.
Nagbuntong hininga si Tatay tila wala na siyang magagawa dahil nagsalita na si Nanay, "Alam mong delikado sa gabi." Ani niya.
"Opo, pupwesto lang po ako sa may madaming tao." Hindi na sumagot si Tatay at tumawa naman ng mahina si Nanay. Ngumiti nalang din ako at sa wakas mag tatrabaho na rin ako at makakatulong na sakanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/194966572-288-k339493.jpg)