Kabanata 5
Yung ginagawa ko naman lahat pero pilit parin nilalayo saakin yung mga bagay na mahahalaga saakin.
Bakit?
Kailan ba ako naging masama sa iba?
Bakit ako pinaparusahan?
Bakit wala kaming pera?
Bakit hindi namin nailigtas si Tatay?
Walang hihigit pang mas masakit ang mawalan ka ng taong mahalaga sa buhay mo. Gusto ko magwala, sumigaw pero ano ba magagawa nun? Hindi na maiibalik ang tatay ko. Ang isa sa pinakaimportanteng tao saakin.
Tiniis namin na kahit mahirap kami basta masaya kami. Basta magkakasama kami. Pero paano na kung ang isa ay wala na?
Tumingin ako sa aking gilid at natatanaw ko si Nanay pulang pula ang kanyang mata dahil sa pag mugto kakaiyak buong gabi. Lumingon naman siya saakin at unti unti akong lumapit sakanya para yumakap. I clenched my fist. Wala ako masabi kay nanay, I couldn't do anything. Masyado akong mahina. No--I was too powerless.
Isang linggo na ang lumipas and It was really hard to get by each day. Pumunta sa bahay si Cloud, Irene pati narin si Iseyah. May dala dala silang mga bulaklak para kay Tatay and they each gave me they condolences. Nanatiling tikom ang aking bibig, hindi ako makapagsalita parang nawalan ako ng gana sa lahat.
Nakatingin ako sa mukha ni tatay sa mga sandali na ito. Ito na ang huling araw ng lamay at may dumating na kamag anak sa side ni papa at malaking tulong na binigyan nila ako ng pera para sa pag papalibing ni Tatay. Laking pasasalamat ko rin kay Iseyah dahil nag bigay rin siya ng pera para sa mga natitirang bayarin sa lamay.
Nagkasundo naman kami na pagttrabahuhan ko ang ginastos niya pero ang sabi lang niya mag trabaho lang ako para matulungan ko si Nanay. Paiyak nako sa mga sinasabi niya pero ubos na ang luha ko nung mga oras na iyon kaya nag pasalamat nalang ako sakanya at hinayaan nalang niya ako.
Binigyan din muna ako ng temporary na cellphone ni Irene para matawagan daw niya ako at matawagan ko rin siya pag may kailangan ako. Naging maingat sila saakin at naramdaman ko 'iyon. Pili ang kanilang mga sinasabi saakin tila parang takot na takot sila na mababasag ako bigla.
"How are you?" Lumingon ako sa boses na nakatayo na pala sa gilid ko. Si Iseyah.
Tinignan ko lang siya at tumango at pinilit ko rin ngumiti kahit papaano pero hindi ako magawa dahil nasa isip ko ito na ang huling beses na makikita ko si Tatay at makakapahinga na siya.
"He looks peaceful." rinig kong dagdag niya. Tumingin muli ako sa mukha ni tatay at mukhang masaya na siya ngayon at nakakapahinga na siya. Tama nga si Iseyah ang peaceful ng mukha niya. Wala na siyang problema at hindi na siya kailanman maghihirap. With that thought, a tear fell down on my right eye. Dapat maging masaya ako kay tatay dahil hindi na siya mag hihirap hindi ba?
Naramdaman ko ang hawak ni Iseyah sa balikat ko. Hindi ako kumibo at hinayaan ko lang siya na gawin iyon. Parang napapakalma ang buong emotion ko parang siya yung nagiging break para wag akong umiyak pero laking gulat ko ang sunod niyang mga binitawan na salita
"It's okay. Cry to your hearts content until you can't cry anymore."
Nanlamig ako sa mga salita niya at dun na bumuhos ang aking luha. Naramdaman ko din ang pagkayakap niya saakin. Hinawakan ko ng mahigpit ang tshirt niya sa kanyang dibdib na parang yun ang kapitan ko para sa nanghihina kong tuhod. Mas lalong hinigpitan ni Iseyah ang kanyang pagyakap saakin.
"It's okay. It's okay. I'm here."
Nailibing na si tatay at isang buwan din ako naging tahimik tila walang lumalabas saaking mga bibig. Pero agad din naman bumalik ang aking sigla paunti unti. Hinayaan lang din nila ako mag hilom at tinutulungan ko din si nanay paminsan.
Sa coffee shop na ako namamalagi at nag t-trabaho. Naging maayos naman ang pakikitungo saakin ni Iseyah pero may mga araw na hindi ko matansya ang kanyang ugali at sobra akong naiinis sa tuwing nag susungit siya! Argh!
"Lily, ayusin mo yung table six." Utos saakin ng boss kong masungit. Si Iseyah.
"Opo." Sabi ko at dumeretso ako sa table six para ayusin pero agad akong umilag dahil may nag aaway na magkasintahan!
"You asshole! May babae ka nanaman ha?!" Sigaw nung babae at binato yung kutsara sa lalake pero umiwas yung lalake at dumeretso ito sa ulo ko.
"Aray!" sabi ko at agad ko naman naramdaman ang presensya ni Iseyah. Talagang lagi ganito ang presensya niya. Nakakaintimidate, parang ang hirap kausapin, at parang sobrang layo niya na ang hirap abutin.
"Oh my gosh, Miss, I'm sorry!" sabi nung babae saakin at agad din siyang tumayo papalapit saakin.
Sumigaw si Iseyah sa isa pang staff ng coffee shop, "Bring the medical box. Hurry!"
"I'm sorry. I was just to frustrated sa boyfriend ko." sabi niya saakin. Ngumiti ako sakanya at sumagot, "Okay lang. Next time po don't use violence na."
Nakita ko naman na ngumisi saakin yung boyfriend niya pero bago pako mag react bigla nanlaki ang kanyang mukha at umiwas agad ng tingin saakin. Huh?
Hinawakan ni Iseyah ang braso ko para iharap sakanya. Sinabihan rin niya ang isang staff na sila na bahala dun sa magkasintahan. Sumunod lang ako sakanya at hinayaan ko lang na hatakin ako sa isang table. Pinaupo niya ako at itinaas ang buhok ko.
Naestatwa ako sa kinauupuan ko! Sobrang lapit ng mukha niya saakin! Bumilis ang tibok ng puso ko sa bawat hawak niya sa ulo ko para tignan ang natamo kong sugat. Umutos siya ng ice at inilagay sa ulo ko.
"Ako na." sabi ko habang ang bilis parin ng tibok ng puso ko.
Narinig ko siyang nag buntong hininga at tumingin ng diretso saakin. Magkatitigan kami ngayon, I could see his jet black eyes staring right at me. Nakaramdam ako ng kung ano sa aking tyan pero nanatili parin akong nakatitig sakanya tila nilalabanan siya.
"Careful." pag kasabi niya nun, pumikit siya at agad din naman niya yun binukas sabay pagtayo niya. Nagtaka ako pero binigay lang niya saakin yung icepack at dumeretso na sa counter. Sinundan ko siya ng tingin nalalaki parin ang mata ko pero agad din siya nawala dahil pumasok siya sa storage room.
Napatingin ako sa hawak hawak kong ice pack. Ibang iba ang lamig sa kamay ko, pero mas ramdam ko ang paginit ng buong mukha ko.
Umiling ako at inayos ko na ang medical box.
Ang weird talaga ni Iseyah.