Kabanata 1

46 17 0
                                    


Lilian

Kinabukasan ay linggo kaya sinamahan ko si nanay para bumili ng mga gulay sa palengke. Ako ang naghahawak sa isang malaking plastic para doon niya mailagay ang mga naibili niyang mga gulay. Lumibot ang aking mga tingin sa bawat nag titinda at sumisigaw para palapitin ang mga namimili.

"Lily halika rito!" lumingon ko bigla sa pag tawag ni nanay. Agad akong naglakad palapit sakanya at inilagay niya ang pechay at kangkong sa plastic kong dala.

"Nakita ko pala yung nabenta mo kagabi. Salamat Anak." Sabi saakin ni nanay habang naglalakad na siya sa harapan ko. Ngumiti naman ako at napatingin sa sahig, "Wala po yun. Tsaka po may gusto rin po akong ipaalam." Nagaalinlangan kong sabi sakanya habang sinusundan ko parin siya maglakad. "Maghahanap po ako ng trabaho tuwing linggo lang naman at umaga."

Lumingon sa akin si Nanay na naging dahilan ng pagtigil ko rin sa paglakad, tumingin ako sakanya at huminga siya ng malalim, "Sigurado ka ba diyan? Mapapagalitan ako ng Tatay mo. Ayaw ka nga niya payagan mag benta ng Balut at hahanap ka pa ng trabaho na iba." Nagaalala niyang sabi saakin habang tinititigan parin ako sa kinatatayuan ko.

"Nay, alam niyo po kung bakit. Umaasa ako sainyo na maiintindihan niyo ako." Pagrarason ko sakanya. "Alam ko naman yun pero baka mas makunsimisyon pa tatay mo sa pinagagawa mo. Ikaw talagang bata ka." Pangangaral niya saakin.

"Wag niyo na pong sabihin kay tatay para di niya malaman." Natatawa kong sabi sakanya at pinalo naman niya ako ng mahina tila nainis siya sa aking pagmungkahi, "Jusmiyo Lilian! Ako'y malilintikan taaga sa tatay mo nito." Umiling iling nalang siya sakin at tinalikuran ako sabay nag lakad na papalayo saakin.

Hinayaan ko nalang siya basta ako ay magtatrabaho hindi ko nalang sasabihin kay Tatay para hindi siya mag alala saakin. Tsaka balak ko rin na maghanap ng matratrabahunan na magbabantay lang. Sana talaga makahanap ako dahil malaking tulong din 'iyon para saamin.

Sinundan ko na ulit si nanay at may mga nagbebenta ng guay ang tumawag saakin, "Lilian! Balita ko ay nagbenta ka raw ng balut kagabi." Sabi nung isang Manang na nagtitinda ng gulay. Tumango ako sakanya at sumagot, "Opo! Bili po kayo pag napadaan ako sainyo." Paanyaya ko sakanya.

Narinig naman nung iba ang paguusap namin at nakisali narin sila sa usapan namin. "Talaga Lilian? Jusmiyo ako'y natatakot saiyo dahil gabi pa nanaman." Umiling nalang ako sakanila, "Okay lang po, kagabi dun po ako tumambay nila Manang Solen tsaka pinakyaw po ni Mang Raul pati nung mga kainuman niya ang binebenta kong Balut." Natatawa kong sabi.

"Mabuti 'yan kaso kailangan mong magingat kasi babae ka pa naman at maganda." Ani niya saakin habang inaayos na niya ang mga paninda niya.

"Saan ka nakakita na maganang dalagita na nag bebenta ng Balut? Ay talagang bibili ako." Birong sabi nung katabi niya. Kinalabit naman ako ni nanay at sinagot ang mga kausap ko, "Buti nga yang si Lily eh tinutulgan na kami kahit ayaw namin."

Kumuha si nanay ng patatas at ibinigay niya doon sa kausap ko kanina, "Mabait naman talaga yang batang yan! Lagi ko nga nakikita tinutulungan yung mga matatandang hirap maglakad eh." Napakamot naman ako sa ulo ko at nahihiya. Talaga bang paguusapan nila ako na parang wala ako sa harapan nila?

Ibinigay na ni Nanay ang pera at kinuha ang dalawang patatas kay Manang. Nagpaalam na kami at kumaway sa kanila bago kami umalis at umuwi. Naglakad nalang kami dahil mahal ang pamasahe na tricycle na pwede naman namin lakarin at mas makakatpid pa kami.

Nang makarating na kami sa bahay ay nag paalam ako kay Nanay na babalik ako roon sa palengke para maghanap ng trabaho. Hinintay ko rin na umalis si tatay para pumunta sa isa pa niyang pinagtratrabahunan para kumita pa ng perang mapanggagastos namin sa araw araw.

Melting the HeartWhere stories live. Discover now