Kabanata 3
"Anak, gising na ng tatay mo." Rinig kong sabi ni nanay na mamaos niyang boses. Dali dali akong naglakad para lumapit kay tatay na nakaupo na sa kanyang higaan.
"Tay, kamusta po pakiramdam niyo?" Tanong ko sakanya, inabutan siya ni nanay nang isang basong tubig kaya uminom muna si tatay ng tubig bago siya sumagot saakin, "Mabuti na ang aking pakiramdam, anak."
Tumango nalang ako dahil alam ko parin na sobrang pagod pa si tatay at basehan sa tono niya ay hindi pa bumabalik ang kanyang lakas. Pinagmasdan ko naman ang kanyang mukha at nammutla pa ang kanyang mga labi.
"Dadaan po muna ako sa cashier para magbayad." Paalam ko sakanila na naalarma si tatay, "Saan mo nakuha ang pera na 'iyan?"
Nag alinlangan ako sa mga salita na bibigkasin ko dahil baka sumama ang loob ni tatay pero tulong itong pera na nakuha ko at hindi naman ako nagpagod para makuha ito. Malaking pasasalamat sa blessing na bigla may magagandang loob na nagbigay saakin ng tulong pinansyal sa gastos ni tatay sa ospital.
"Tulong po ito ni Manang Solen at mga katropa ni Mang Ral." Ngiti kong sabi sakanya sabay pakita ko ang isang brown na sobra para makita niya, "At ito namang isang libo reward money po ito dahil may tinulungan akong na hold-up." Dagdag ko.
Sumeryoso ang itsura ni tatay tila hindi niya nagustuhan ang kanyang narinig. Naungkot naman ako sa kanyang reaksyon, bakit ba siya nagagalit sa mga biyayang bigay na ito? Tulong ito galing sa mga taong pinapahalagahan siya!
Hindi na ako sumagot at tinapik ko nalang si nanay sa balikat niya para mag paalam.
Sobra akong nag aaala kay tatay pero hindi ko masikmura na nagagalit siya o kaya hindi labag sa loob niya na may gustong tumulong sakanya. Gusto ko naman intindihin si tatay na bilang padre de pamilya, kaso hindi niya dapat pasan lahat ng responsibilidad dahil pamilya niya kami at biglang pamilya responsibilidad din namin na mag tulungan.
Dumeretso ako sa cashier at inabot ko na ang aking bayad sa babaeng nasa loob ng glass. "May dalawang libo na po ako, yung limangdaan isusunod ko nalang."
Kinuha nung cashier ang pera at sinulatan ako ng resibo bago ako umalis. Bumalik ako sa kinaroroonan nila tatay at mukhang ididischarge na siya. "Nay, kayo na po bahala kay tatay pauwi, magbebenta pa po ako sa labas." Sabi ko kay nanay.
Naramdaman ko ang tingin ni tatay saakin pero hindi ko parin siya tinignan at humakbang na ako palabas ng ospital.
Nag hum ako ng mga kanta habang nag lalakad sa mga bawat kanto ng mga bahay. May mga pagkakataon na sumisigaw ako para marinig nila yun kaso pinagtatawanan lang nila ako dahil isa akong babae na naka bestida habang may bibitbit na basket na may dalang balut.
27 nalang ang natirang balot saakin nung inabato ko yun sa holdapper kanina. Pero habang naglalakad ay naka benta rin ako ng sampung balut kaya 17 nalang ang natira sa aking basket. Natuwa naman ako dahil gumaan na ang bitbit kong basket dahil kanina napakabigat nito at hirap akong maglakad.
Nag tricycle na ako papunta sa tindahan ni Manang Solen pero sarado na ito. Nakita ko rin ang mga naiwang bote ng alak sa may lamesa tabi ng tindahan. Umupo ako sa gilid at napatulala nalang ako habang nakatingin sa puno.
"There you are!" rinig kong sabi ng iang lalakeng boses sa di kalayuan. Napalingon ako sa direksyon kung saan nag mula ang boses at nakita ko yung lalaken may green na mga mata. May hawak hawak siyang libro at tila natataranta siyang lumapit saakin.
"I've been looking for you!" sabi niya saakin. Nakatulala lang ako sa kumikislap niyang mga mata at nginitian niya ako, "I need to buy balut. Irene might get mad at me if I go home without them." Alalang alala niyang sabi habang ginugulo niya ang kanyang buhok.