Kabanata 2

30 17 2
                                        

Kabanata 2

Kung gaano ako kasaya na umalis sa tindahan ni Manang Solen ay ganun din kalungkot ang sumalubong saakin sa aming tahanan na nag pawasak saaking puso. 

Kinabukasan pagkauwi ko galing sa iskwelahan, dali dali akong umuwi  dahil nalate ang uwi ko dahil naghanap pa kasi ako ng mga raket sa school para makakuha maipon ng pera.

Binuksan ko ang pintuan ng aming bahay nang nakita ko si Nanay nakaupo sa isang giid habang humihikbi. Kinabahan ako sa nakita ko dahil isa lang ang pwedeng maging dahilan ng pagagos ng luha sa mga mata ng aking Nanay. Dahan dahan akong lumapit sakanya at unti unti ko rin inangat ang aking mga kamay upang hawakan ang kanyang balikat.

"Anak andito ka na pala." Naginginig na sabi saakin ni Nanay. Kumuha ako ng upuan at itinabi ko iyon sa kanya, "Nay, ano po ang problema?" Tanong ko habang hinahaplos ko ang kanyang buhok habang siya ay nakatingin sa sahig.

"Si Tatay po?" mahinahon kong tanong ulit sakanya. Kita ko na tiniklop niya ang isa niyang palad. "Nasa ospital ang tatay mo, Lily. Inatake sa puso kanina."

Napapikit naman ako at tumayo, inabot ang isang kamay sa harapan ni Nanay. "Halika na po, puntahan natin siya. Kailangan niya tayo." Ang puso ko ngayon ay dinudurog na parang may bumubulong saaking demonyo sa utak ko na umiyak pero hindi ako magpapatalo dahil ayoko ipakita sakanila na mahina ako dahil alam ko na ako lang ang pwede nilang makakapitan.

Tumayo si nanay at kinuha niya ang aking inabot na kamay, at inalayan siyang maglakad para sabay kami pumunta sa ospital kung saan si tatay. Alas-dyes na ng gabi kaya pahirapan rin kumuha ng tricycle para sa maghahatid saamin papuntang ospital.

Isinild ko ang aking kamay sa bulsa ko para kumuha ng pera pambayad sa transportasyon namin ni nanay. Naghintay rin kami ng limang minuto bago may napadaan na Tricycle malapit saamin.

"Kuya sa ospital po, katabi po nung barranggay hall." Sabi ko sakanya sabay abot sakanya ng kwarenta sa aking bulsa na kanina kong nakuha sa pagbebenta ng Balut. Tinignan lang ako ni Nanay pero ningitian ko lang siya. Gagawan ko po ng paraan, pangako.

Sa byahe papuntang ospital pumikit ako ng mariin at dinadamdam ko ang malamig na hangin ngayong gabi. Unti unti kong naramdaman ang paglamig ng aking puso sabay rinig ko rin ang bilis ng pagtibok nito kasabay ng sobrang kaba at pag aalinlangan. Nagdasal ako at humiling ulit sa hangin na wag pabayaan ang aking tatay dahil mawawala ang isang malaking parte ng aking pagkatao.

Huminto ang tricycle at una akong bumababa tsaka ko inalayan si Nanay na bumaba. Pag karating ko parang may pumigil saakin at tila naestatwa ang aking buong katawan na pumasok sa loob ng ospital. Naramdaman ko naman ang pag pisil ni Nanay sa aking kamay na nag balik saakin sa katinuan. Tumango ako at sabay na kami pumasok sa ospital.

Agad kami nag tungo sa emergency room, "Jose Villareal po?" kabado kong tanong sa isang nurse na nagaayos ng mga files sa kanyang lamesa. Napatingin naman ako sa isang babae na umiiyak sa gilid namin, "Miss! Parang awa niyo na tulungan niyo po ang anak ko! Namumutla na!" sigaw nito sa nurse.

Umiling ang babae sakanya, "Pasensya na po, kailangan niyo muna mag fill-up at magbayad." Sumigaw na ang babae para mag eskandalo, "Pag namatay ang anak ko kayo ang sisihin ko! Mamatay ako kasama niya at sisiguraduhin ko hindi ko kayo papatulugin sa kunsesnya niyo. Isusumpa ko kayo!"

"Sinusunod ko lang po ang patakaran ng ospital po namin."

Tumingin naman saakin ang nurse at muli ako nag tanong, "Jose Villareal po. Kanina may sinugod inatake sa puso." Sabi ko sakanya, tumingin naman ulit ako sa babae at kitang kita sa kanyang mukha ang pagkabigo. Sumikip ang dibdib ko, dito sa buhay kung wala kang pera wala kang magagawa.

Melting the HeartWhere stories live. Discover now