Chapter 1

2K 47 4
                                    

NAGLALAKAD pauwi ng dorm si Alexandra kasama ang kaibigang si Ana nang nakabangga niya ang isa sa nakasalubong nilang gropo ng kalalakihan kaya nahulog ang mga librong hawak-hawak niya.

"I'm so sorry." Paghingi niya agad ng paumanhin at agad na pinulot ang mga libro. Hindi sumagot ang lalaki ngunit tinulungan siya nito. "Sorry talaga." Paghingi niya ulit ng dispensa nang iniabot nito sa kanya libro.

"No, it's my fault. Hindi ko kasi tinitingnan ang dinaraanan ko." Sagot ng baritong boses kaya napatingin siya dito. Hindi niya mapigilang titigan ang mukha nito, he has a set of deep brown eyes, mahaba ang mga pilikmata, matangos na ilong at mapupulang labi. "Miss?" Napansin niyang napangisi ito.

"Ah, ehm, yeah. I'm sorry again." Nahihiyang sambit niya at tuluyang hinila ang kaibigan.

"Friend, namumula ka." Kantiyaw ni Ana sa kanya. "Pero infairness, ang gwapo ni kuya." Kinikilig na wika nito.

"Sshh!" Saway niya dito. "Baka marinig ka, nakakahiya. Hindi pa nga tayo nakakalayo, eh." Lumingon siya at lalong namula ang pisngi niya nang makitang nakatingin pa din sa kanya ang lalaki at kinakantsawan ng mga kasama.

"Ay, bes! Bet ka din ata ni kuya." Kinikilig na sambit ni Ana at hinampas pa siya sa braso.

"Aray ko naman, Ana!" Reklamo niya. "Uwi na nga tayo, nakaka-stress 'yung quiz kanina." Pag-iiba niya ng usapan. "Beast mode yata si madam at identification ang binigay."

"Whoo! As if naman hindi mo maipapasa ang quiz ni madam, gabi-gabi kaya ay nagbabasa ka ng mga lectures, minsan pa nga ay nag-a-advance reading ka na." Sambit naman ng kaibigan.

"Pero ibang terms naman ang ginamit niya, kumuha siya sa ibang reference books." Giit niya.

"See! Alam mong sa ibang reference book kumuha si madam ng pinaquiz niya kaya nga siguradong maipapasa mo 'yun. Matalino ka kaya. Mabuti nga at nahawaan ako sa mga habit mo kaya kahit papaano ay may nasagot ako kanina sa quiz." Sambit nito, magkaklase at room mate sila ni Ana kaya naman nahahawaan niya ito sa pagbabasa. "Pero alam mo, bes, heart broken siguro si madam kaya ganoon ang quiz niya." Dagdag nito, may usap-usapan kasi sa department nila na kapag heart broken ang naturang guro ay pure identification type ang pinapa-quiz nito, at kung nataong naman gumagawa ito exam papers ay identification, morse type at essay ang ginagawa nito.

"Hindi naman siguro. Baka gusto niya lang tayong I-access kung may natutunan tayo sa kanya." Pagtatanggol niya sa guro. Patuloy pa din ang pag-uusap nilang magkaibigan at pinagkokompara ang mga sagot nila ngunit hindi pa din mawala-wala sa isip niya ang imahe ng binatang nakabanggaan niya.

TATLONG araw ang nakalipas ngunt hindi pa din mawala-wala sa isip ni Alexandra ang imahe ng binatang nakabanggaan niya. Sa lawak ng university na pinapasukan nila ay alam niyang imposibleng magkita muli sila ng binata.

"Ana, saan ko ilalagay 'tong bouquet?" Tanong niya dahil nakalagay sa upuan niya ang isang bouquet ng white and red roses. Alam niyang kay Ana ito dahil ito lang ang mahilig maglagay ng gamit sa upuan niya tuwing wala pa siya, minsan kasi ay pinapauna niya ang kaibigan sa pagpasok.

"Gaga, sayo 'yan bes." Nakangiting sambit ng kaibigan. "Kailan pa ako naging si Alexandra Abalos?" Napailing na sambit ito. Kumunot naman ang noo niya at kinuha ang card na nakalagay sa bouquet. It was indeed named to her. Binuksan niya ito at binasa.

"In a place of people and colors, across the voices and whispers. My eyes caught just you, and only you, smiling at me." -- S.A

"Kanino daw galing?" Excited na tanong ng ibang kaklase nila.

"Walang nakalagay." Simpleng sagot niya. "S.A lang."

"S.A stands for secret admirer." Kinikilig na sambit ng binabaing kaklase.

"Ayy, pagdating ko kasi kanina ay wala naman 'yan, umalis lang ako saglit para umihi, pagbalik ko andiyan na 'yan." Sambit ng kaklase nilang laging nangunguna sa klase.

"Bongga naman ng admirer mo, Alexandra! Pa-mysterious effect." Tudyo ng kaklase nilang bading.

"Whoo! Kung sino man ang admirer ni Alexandra, siguradong wala na siyang pag-asa dahil may iba na itong tinatangi." Sambit naman ni Ana na biglang ikinamula nang pisngi niya. Iisang imahe na naman kasi ang binata ang pumapasok sa isip niya.

"Ana!" Saway niya sa kaibigan.

"Asus! Totoo naman kasi, eh. Love at first sight ang drama mo." Tudyo nito.

"Ana!" Pinandilatan niya ang kaibigan. Umiling na lang ang kaibigan at tumahimik ngunit patuloy pa din ang pakiki-usyosyo ng mga kaklase. Tumahimik lang ang mga ito nang pumasok ang guro nila.

Isang buwan na laging may nag-iiwan ng bouquet ng pulang rosas o kaya naman ay chocolates o teddy bear at hindi din nawawala ang mga love poems nito na itinatago niya. Hanggang ngayon ay wala pa ding nakakahuli kung sino ang nag-iiwan ng mga ito, hindi din ito nagpapakilala sa mga tulang iniiwan nito.

"Naku! Ang gara talaga ng admirer mo, bes!" Sambit ni Ana. "Ang mamahal ng mga binibigay sayo, talagang tinamaan sayo ang admirer mo."

"Bongga ka talaga, 'day!" Sambit ng binabaeng kaklase. "Pag nakilala mo na ang admirer mo, sagutin mo na agad. Hindi biro ang effort na ginagawa niya para iparamdam ang pagmamahal niya sayo, imagine those love poems everyday, talagang ramdam mo ang pagkagusto niya sayo. Hindi din biro na isang buwan na niyang ginagawa ito. Iilan lang ang lalaking ganyan."

"Pero 'day, ang sabi ko nga noon, may iba nang laman ang puso ni Alexandra. Walang pag-asa ang admirer niyang ito." Umiiling na sambit ni Ana.

"Then does that mean, I don't stand a chance?" Tanong ng isang pamilyar na boses sa likod nila. Bumilis ang pintig ng puso niya at bigla siyang kinakabahan.

"Oh my gosh!" Kinikilig na tili ni Ana at pinaghahampas siya. "Bes! Sagutin mo na ang manliligaw mo." Kinikilig na sambit nito.

"Oh, bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin bakla?" Pagtataray na tanong ng binabaeng kaklase.

"Naku! Walang problema kung si Kuya pogi naman pala ang admirer ni Alexandra!" Sagot ni Ana. "Kasi si Kuya pogi naman ang.... Aray!" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil bigla itong kinurot ni Alexandra.

"Manahimik ka nga, Ana. Nakakahiya!" Saway niya sa kaibigan na sinamaan siya ng tingin dahil sa ginawa niyang pagkurot dito. Hindi na niya ito ininda at binalingan ang binata, at tama nga ang hinala niya. Ito ang nakabanggaan niya a month ago. Boses pa lang nito ay napapabilis na ang pintig ng puso niya. "Ehm, sorry sa kanila." Nahihiyang sambit niya, feeling niya ay pulang-pula na ang mukha niya.

"It's okay. Maganda ang vibes ng block niyo, very lively." Nakangiting sambit nito at walang bakas ng sarkastimo o kung ano ang boses nito. Alam niyang nagsasabi ito ng totoo.

"ahm, sayo galing ang mga 'to?" Nahihiya pa ding tanong niya at itinuro ang isang box ng imported na tsokolate at ang scented envelope na ang hula niya ay isang tula na naman. Ngumiti ang binata na lalong nagpatalon sa puso niya.

"Yes. Did you like it?" Sagot nito. "Sorry, it took me a month para maglakas loob na magpakita sayo. I'm Sebastian Andrada, an engineering student." Nahihiyang pakilala nito.

"Sa wakas graduate ka na sa pagiging torpe, Seb!" Rinig niyang sambit ng kalalakihan sa likod ng binata. Namumukhaan niya ang mga ito, sila ang kasama ng binata nang araw na nagkabanggaan sila.

"Ehm, I'm Alexandra Abalos." Pakilala niya. "Nice to meet you." Namumulang sambit niya. Hindi niya makayang titigan ang binata ng matagal dahil feeling niya ay pulang-pula ang mukha niya, lalo na nang ngumiti ito. Magmula nang magkabanggaan sila a month ago ay hindi na nawala sa isip niya ang binata.  

A LOVE FOR ETERNITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon