Chapter 15

548 24 0
                                    

"Thank you po talaga, Tito Sebastian." Nakangiting sambit ni Dawn. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi kayo dumating."

"No worries, hija." Nakangiting tugon ni Seb.

"Bakit po pala kayo bumalik, tito?" Tanong ni Dawn. Ngumiti lang si Sebastian at kinuha ang isang box na ipinatong niya kanina sa may lamesa.

"Happy birthday, hija." Nakangiting bati ni Sebastian na ikinagulat ng dalaga. "Nabanggit kanina ni Yaya Esma na kaarawan mo ngayon."

"Ah, s-salamat po, tito." Gulat pa din na sambit ni Dawn. "Hindi na po sana kayo ang-abala." Dagdag niya, ngumiti lang si Sebastian. "It is a first to celebrate my birthday is a hospital."

"It's unusual, right?" Nakangiting sambit ni Sebastian. "But that's okay. We always have our firsts in our life."

"Alam niyo, tito, napakaswerte po ng anak niyo sa inyo." Inosenteng sambit niya.

"Maswerte nga ba siya?" Mapait na ngumiti si Sebastian. Naguguluhan man ay hindi na nag-usisa ang dalaga dahil mukhang ayaw pag-usapan ni Sebastian ýun.

"A-ate?" Tawag nang kagigising na si Winter, agad naman niyang nilapitan ang kapatid.

"How are you feeling, Winter?" Nag-aalalang tanong niya sa kapatid habang hawak-hawak ang kamay nito.

"I'm tired, ate." Nanghihinang sagot ng nakababatang kapatid.

"Take a rest, then. Andito lang ang ate, hindi kita iiwan." Masuyong sambit niya sa kapatid at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya.

"S-si mama?" Tanong ni Winter.

"Tumawag ang mama kanina, nag-aalala sayo, kaya magpagaling ka, ha?" Sagot niya na ikinalukot ng mukha ng kapatid.

"Nag-aalala ba talaga ang mama, ate?" Tanong nito na ikinabigla niya. "Bakit hindi siya bumalik ditto? Bakit hinahayaan niya tayo kina Tita? Bakit hinahayaan niyang maghirap tayo." Lumuluhang sambit ng kapatid dahilan para mapaluha na din siya. "Mula noong maliit pa lang tayo, lagi na lang tayong inaapi. Akala ko ba sa atin ang bahay na tinitirhan natin, ate? Bakit parang pakiramdam ko wala na tayong puwang doon?"

"Huwag kang magsalita ng ganyan, Winter." Sambit niya sa kapatid. "Nasa ibang bansa si mama para sa ating dalawa, para sa kinabukasan natin."

"Pero ate, pakiramdam ko hindi naman sa atin ang pinaghihirapan ni mama. Pakiramdam ko hindi niya tayo mahal." Lalong humagulhul ang kapatid. Hindi niya alam na may ganoon na palang iniisip ang kapatid.

"Hindi totoo iyan, Winter." Mahinahong sambit niya sa kapatid. "Mahal na mahal tayo ng mama. Hindi lang tayo ang nahihirapan kundi pati na din ang mama na nasa ibang bansa. Maswerte tayong dalawa dahil magkasama tayo, pero ang mama, mag-isa lang siya doon." Paliwanag niya. "Sa tuwing nagkakasakit siya doon, walang nag-aalaga sa kanya, walang nagluluto para sa kanya. Pero tayo, magkasama tayong dalawa. Huwag mong pag-isipan ng masama ang mama dahil mahal na mahal na mahal ka ng mama, okay?"

"Totoo ba, ate?" Tanong ng kapatid.

"Yes, mahal ka ng mama kaya nga tinatapos niya lang ang kontrata niya doon at uuwi na siya para makasama tayong dalawa." Nakangiting sambit niya. Nagpasalamat siya nang tumigil ito sa pag-iyak at ngayon ay ngumingiti na. "At huwag kang mag-alala simula ngayon wala ng aapi sa atin."

"Sino siya, ate?" Tanong ni Winter na nakatingin kay Sebastian na nasa likod niya. Ngayon lang niya naalala na may kasama pala sila. "Ikaw po ba ang tatay namin?" Inosenteng tanong nito habang nakatingin pa din kay Sebastian.

"Hindi siya ang papa, Winter." Sambit niya sa kapatid. "Siya ang Tito Sebastian, siya ang tumulong sa atin para madala ka dito ospital." Dagdag niya.

A LOVE FOR ETERNITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon