Chapter 11

421 18 0
                                    

After clearing up those misunderstandings and Seb prosposing afterwards, she said 'yes'. It was a long engagement, tinapos muna nila ang pag-aaral nila and nagtake sila ng liscensure examination in which they both passed. Isang taon na silang kasal ni Sebastian, ito na nga't nasa kabuwanan na siya sa panganay nila. Araw-araw ay masaya siya sa piling ng asawa, hindi ito pumapalya sa pagpaparamdam kung gaano siya nito kamahal.

But not everything is okay, araw-araw ay parang nasa impyerno si Alexandra. Paano ba kasi ay araw-araw din kung pahirapan siya ng biyenan. Hindi siya nito pinapakialaman tuwing nasa bahay si Sebastian ngunit tuwing nagpupunta naman sa trabaho ang asawa ay lumalabas ang sungay ng biyenan. Mas lalong lumala ang pang-aalipusta sa kanya nang mamatay ang ama ni Seb dahil inatake ito sa puso, hindi nito nakayanan ang balitang lubog na ang kompanya nila sa utang.

"Linisin mo ang buong bahay! Hindi ka maaaring magpahinga hangga't hindi malinis ang bahay!" Bulyaw sa kanya ng biyenan. Tahimik lang na ginagawa niya ang inuutos nito. Pinauwi na din kasi ni Sebastian ang mga katulong sa bahay dahil nagtitipid sila, lalo na't hindi pa tuluyang bumabangon ang kompanya.

Nasa ikalawang palapag pa lang siya at nililinis ang isa sa mga kwarto doon nang biglang pumasok ang biyenan niya at bigla siyang itinulak dahilan para mapadapa siya, mabuti na lang at nasa sahig ang kutson at mga unan at doon siya napadapa.

"Anong oras na at hindi ka pa nakakapagluto ng tanghalian! Napakawalang silbi mo talaga!" Bulyaw na naman sa kanya. Gustong-gusto na niya itong sumabatan ngunit pinili niyang irespeto ito dahil ina ito ng asawa. "Ano pa ang tinutunganga mo diyan? Hala at magluto ka na! Ang bagal-bagal mong kumilos!" Singhal nito.

"Opo." Sagot na lang niya at tumayo. Mamaya na niya aayusin ang silid na ito. Agad siyang nagtungo sa kusina at labis na lang ang pagkadismaya niya nang makitang hindi man lang nagsaing ng kanin ang biyenan. But what does she expect? Agad siyang nagsaing ng kanin, at naghanap ng maaring iluto. Nang makapagluto na siya ay tinawag niya ang biyenan para kumain. Oo nga't sabay silang kumakain ng biyenan ngunit kasabay noon ay ang mga masasakit na salita na pinapakain nito sa kanya.

Noong una pa lang ay alam niyang ayaw sa kanya ng ina ni Sebastian, ngunit pinili pa din niyang magpakasal dito. Sa isip niya ay kaya niyang tiisin ang pang-aalipusta ng biyenan, kunting tiis lang naman ay bubukod din sila. Iyon kasi ang sinabi ng asawa sa kanya. Sa oras na muling umangat ang kompanya ay bubukod na sila. Ngunit kaya pa ba niyang pagtiisan ang araw-araw na pang-aalipusta ng biyenan sa kanya? Araw-araw ay pinapamukha nito sa kanya na mas gusto nitong ang ex-girlfriend ng asawa ang nakatuluyan nito. Labis-labis siyang nasasaktan ngunit tinitiis niya dahil alam niyang mahal na mahal siya ng asawa at hindi ito magpapakahirap na ligawan siya ng apat na taon kung hindi ito seryoso sa kanya.

"Hindi ka nababagay sa anak ko! Ano ba ang pinakain mo sa anak ko at patay na patay siya sayo?" Galit na galit na sambit ng biyenan ni Alexandra, at marahas na ibinato sa kanya ang mga maruruming damit. Kabuwanan na niya 'yun pero heto at pinaglalabas pa din siya ng biyenan. Kasalukuyang wala ang asawa dahil nasa trabaho ito. "Mas mabuti pa kung si Albie ang pinakasalan ng anak ko! Mas matutuwa pa ako. Mayaman si Albie at alam kong hindi maghihirap ang anak ko kung siya ang pinakasalan nito. Maayos na sana, pansamantalang naghiwalay lang sila pero nagpakita ka sa anak ko at ayan! Ikaw ang pinakasalan!"

"Ano po ba ang problema niyo sa akin, Ma?" Naluluhang tanong ni Alexandra sa biyenan. "Wala naman po akong masamang ginagawa."

"Mangkukulam ka! Ginayuma mo ang anak ko para maikasal sayo!" Bulyaw sa kanya ng biyenan.

"Kung mangkukulam ako, dapat ay kinulam na kita noon pa, Ma!" Hindi niya mapigilang sumbatan ang biyenan. "Alam ko namang ayaw niyo sa akin magmula nang ipakilala ako sa inyo ni Sebastian. Sa tuwing wala dito ang asawa ko ay lagi niyo akong pinapahirapan pero may narinig ba kayong reklamo mula sa akin? Wala diba? Ni hindi ko nga kayo magawang isumbong sa asawa ko." Naluluhang sambit niya. Para siyang bombang sumabog sa pagkakataong iyon. "Pero sana naman Ma, alalahanin niyong kabuwanan ko ngayon. Malapit na po akong manganak. Tandaan niyo, apo niyo ang nasa sinapupunan ko!" Napasigaw siya sa sakit nang hinablot ng biyenan ang buhok niya.

"Aba't talagang sumasagot ka na ngayon!" Mas hinigpitan nito ang pagkakasabunot sa kanya at malakas siyang sinampal.

"Ma, tama na po!" Pagmamakaawa niya ngunit parang walang naririnig ang biyenan at patuloy pa din siyang pinagsasampal.

"Martina, itigil mo na 'yan!" Malakas na sambit ng bagong dating. Sa boses pa lang nito ay alam na ni Alexandra na ito ang Ninang nila ni Sebastian sa kasal. "Ano ba ang pinaggagawa mo, Martina? Wala ka na ba talagang puso?" Galit na tanong ng Ninang Monica niya. "Hanggang ngayon pa din ba ay hindi mo matanggap na si Alexandra ang mahal ng anak mo kaya nga pinakasalan siya ni Seb."

"Sa umpisa pa lang ay alam mo nang tutol ako sa relasyon nila, Monica!" Madiing sambit ng biyenan niya.

"Bakit? Dahil mahirap lang ang pamilya ni Alexandra? At mas gusto mo ang dating kasintahan ni Seb na si Albie, dahil mayaman ito? Sa katunayan nga ay wala ka namang maipagmamalaki, magmula nang mamatay ang asawa mo ay wala kang ginawa kundi ang gumasta ng gumasta. Nagpapakahirap ang panganay mong anak para maisalba lang ang kompanyang itinatag ng namayapa mong asawa pero ano ang ginagawa mo at ng isa mo pang anak? Naggagasta lang kayo ng pera! Wala kang karapatang diktahan ang puso ng anak mo, Martina! Si Alexandra ang piniling mahalin ni Sebastian at wala ka nang magagawa pa doon!" Mahabang sumbat ni Monica kay Martina bago binalingan si Alexandra na nanghihina na nakaupo sa sahig. "Tumayo ka na hija, at doon ka na muna bahay." Mahinahong sambit nito. Inalalayan siyang tumayo ng Ninang, palabas na sila ng bahay nang biglang siyang napasigaw sa sakit ng tiyan. Nataranta naman ang butihing ginang at tinawag ang asawa na kalalabas lang ng bahay.

"Raul! Tulungan mo ako dito at dalhin natin si Alexandra sa ospital. Mukhang manganganak na siya." Sigaw ni Monica sa asawa. Nagmadali namang lumapit sa kanila ito at agad na ipinasok sa sasakyan. "Konting tiis lang, hija. Ipupunta ka namin sa ospital." Tumango na lang siya bilang sagot.

"Monica, tawagan mo si Sebastian, sabihin mong manganganak na ang asawa niya." Utos ni Raul sa asawa habang nagmamaneho. Siya naman ay nakatingin lang sa labas ng binata kahit na namimilipit siya sa sakit, at saktong napahinto ang sasakyan ng Ninong Raul niya sa tapat ng restaurant dahil saktong nangred ang stop light. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang nakita sa entrance ng isang restaurant.

"Hindi sinasagot ni Sebastian ang cellphone niya." Sambit ng Ninang Monica niya.

"Huwag niyo na po siyang tawagan." Nahihirapang sambit niya habang nakatingin sa labas. "Huwag niyo na din pong sasabihin sa kanya kung nasaan ako."

"Ano ba ang sinasa--" Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil nakita nito kung ano ang tinitingnan niya. Ang kanyang pinakamamahal na si Sebastian kasama ang ex-girlfriend nitong si Albie.


"Hija, hindi ka na ba talaga naming mapipigilan sa gusto mo?" May bahid ng kalungkutan ang boses ng Ninang Monica niya. Nang manganak siya ay nakiusap siya sa Ninong at Ninang nila ni Seb na huwag na huwag sasabihin sa asawa kung nasaan siya. Limang buwan na siyang naninirahan sa isa sa mga bahay ng mga ito sa Baguio. Sobra-sobra ang pasasalamat niya sa mga ito dahil hindi siya pinabayaan. Sa edad na 52 ay walang naging anak ang mga ito kaya naman talagang inalagaan siya ng dalawa maging ang anak niya.

"Opo, Ninang. Doon na po muna ako sa kapatid ko." Sagot niya. "Sobra-sobra po akong nagpapasalamat sa inyo ni Ninong Raul dahil hindi niyo kami pinabayaan ni Serene. Habang buhay ko pong tatanawin ang utang na loob ko sa inyo."

"Ano ka ba hija, anak na ang turing namin sayo." Sambit ng Ninong niya. "Pero hindi kaya't nagpapadalos-dalos ka sa desisyon mo? Hindi tumitigil sa paghahanap sayo si Sebastian." Napailing siya sa sinabi nito.

"Sapat na po ang nakita ko, Ninong." Mapait siyang napangiti. "At kung hinahanap man niya ako dahil 'yun sa anak namin. At wala akong balak na ipakita sa kanya si Serene. Nasisigurado ko ding mahihirapan lang si Serene kung mananatili kami sa poder ni Seb kasama ng biyenan ko." Ayaw niyang mahirapan ang anak niya sa kamay ng biyenan, sigurado siyang sasaktan nito ang anak niya. Kaya mas mainam nang magpakalayo-layo siya. Napabuntong hininga sina Raul at Monica sa tinuran niya.

"Kung 'yan ang alam mong nakabubuti sa lahat ay hindi ka na namin pipigilan. Ngunit hayaan mo sana kaming paminsan-minsan ay bisitahin kayong dalawa ni Serene. Alam mo namang napamahal na din sa amin ang baby mo." Sambit ni Monica sa inaanak.

"Opo, Ninang. Masyado pong malaki ang utang na loob ko sa inyo—kami ng anak ko." Nakangiting sambit niya, ayaw sana niyang mawalay sa mag-asawa ngunit may kailangan siyang asikasuhin at kailangan din siya ng nakakatandang kapatid.

A LOVE FOR ETERNITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon