Chapter 29

733 36 6
                                    


KATATAPOS lang ng klase ni Dawn sa araw na iyon at nag-iisip siya kung saan siya pupunta. She doesn't want to go home straight dahil siguradong andoon si Sebastian. Kaninang umaga niya lang nalaman na doon na mamamalagi si Sebastian para makasama sila. She can see the happiness in their eyes kaya hindi na siya tumutol, sino ba naman siya para tutulan ang kaligayahan ng ina at kapatid niya?

Palabas na siya ng gate nang may marahas na humablot sa kamay niya at pinagsasampal siya. Akala niya noong una ay si Gina ito ngunit labis siyang nagulat nang makitang ang pangalawang asawa ng ama niya ang may pakana nito.

"You, bitch! Home wrecker!" Sigaw ni Albie at muli siyang sinampal. "Kaya pala umalis si Sebastian sa bahay dahil ikaw ang dahilan!"

"Home wrecker?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"You bitch!" Dagdag nito at sinabunutan siya. "Huwag ka ng magmaang-maangan pa! Sinundan ko siya kagabi at dumiretso siya sa bahay niyo!" Pag-eeskandalo nito. May mga dumating na secutiy guards at inaawat sila pero patuloy pa din si Albie sa pagsabunot sa kanya. "At ngayon naman, nagpunta siya dito. Walang hiya kang babae ka!"

"Ano bang problema niyo sa akin?" Tanong ni Dawn nang mapaghiwalay sila ng mga guards. Dalawang security ang mahigpit na humawak kay Albie at pilit itong kumakawala. "Ano bang mali ang nagawa ko para tratuhin niyo ako ng ganito?" Hindi niya mapigilang itanong. She's suffering too much and it's killing her.

"Ikaw pa ang may ganang magtanong, ha?" Galit na sigaw ni Albie. "You ruined my family! Inagaw mo si Sebastian sa akin!" Dagdag nito. "Isa kang kabit! Hindi porket ikaw ang pinili ni Sebastian ay ikaw na ang pipiliin niya habang buhay! Magsasawa at magsasawa din siya sayo! Iisang babae lang ang nagmamay-ari ng puso niya and that's—"

"And that woman is no other than my mother!" Pagtatapos niya dahilan para mapatahimik ito at mapasinghap ang mga nanonood sa kanila. "Tama ka, iisang babae lang ang nag mamay-ari ng puso ng isang Sebastian Andrada and it was no other than my mother—Alexandra!" Hindi niya mapigilang sumbatan ito.

"No... It can't.... You're having an affair with your own father?" Hindi makapaniwalang tanong nito dahilan para mapakla siyang tumawa. Mas lalong lumakas naman ang mga bulong-bulungan sa paligid nila.

"Think what you all want to think, total sirang-sira naman na ang reputasyon ko sa paaralang ito. First, being a cheater. Second, being a sugar baby of Sebastian Andrada, who turns out to be my biological father." Mapait siyang napangiti at tiningnan ang mga natipong kamag-aral na nakiki-usyoso, "What's next? Gawan niyo pa ako ng issue, at ikalat niyo pa sa social media! I don't care, total sirang-sira na buhay ko!" Dagdag niya at binalingan si Albie. "You're accusing me of having an affair with my own father pero ano ang tawag sayo?" She grinned. "Hindi ba't isa kang kabit? You are my father's mistress!" She mocked, at pilit na kumakawala si Albie sa sekyu na nakahawak sa kanya.
"At kahit na anong gawin mo, legal na kasal sa isa't isa ang ama at ina ko!" Matigas na sambit niya.

"You whore!" Malakas na sigaw ni Albie. "Parehas kayo ng ina mong pokpok!" Dagdag nito dahilan para dumilim ang paningin niya at dahil hindi mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng sekyu ay nakawala siya dito at agad na sinugod ng sampal si Albie. She didn't care if kasing edad nito ang mga magulang niya, at wala siyang pakialam kung mabansagan siyang walang respeto sa nakakatanda.

"Dawn!" Malakas na tawag sa kanya ng pamilyar na boses at inilayo siya kay Albie. It was no other than her father—Sebastian. "Are you okay, Albie?" Tanong nito.

"Y...yeah, I'm fine." Sagot naman nito na parang maamong tupa dahilan para mapatawa siya.

"What do you think you're doing, Dawn?" Galit na tanong ng ama niya.

A LOVE FOR ETERNITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon