Flashback
Gaya ng ibang mga gabi,lagi ko pa rin napapanaginipan ang lalaki na nagligtas sakin mula sa pagkalunod.At isa pa ring malaking palaisipan para sa akin ang "Strange Hero " ng buhay ko.I'm on my senior year now sa pinapangarap kong eskwelahan na Maxrill University.Naglalakad na ako sa hallway ng mayroong isang babaeng bumangga at nag make face sa akin.Tinanong ko siya not knowing ang pangalan niya.."Syempre bitch din ako"
"Problema mo sa akin.? Sino kang bitch ka para bungguin ako.?"
"Dumadaan ako dito ohh,di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo.?"
"Hoy freshman wag kang mag-angas..."
"Ahh talaga ba.?"
Umalis siya at binangga pa ako sa balikat ko na para bang teritoryo nya ang buong campus..
"Mukhang masama ang unang araw ko dito sa Maxrill ah"
Nagdiretso na ako sa classroom ng unang subject ko,andami pang bakanteng upuan mukhang walang mga estudyante.Nagring ang bell at sabay-sabay nagpasukan ang mga estudyante.Tinulak ako ng isa sa kanila..Natumba ako kasama ng mga aklat kung dala.Di ako makatayo sa sobrang sakit ng pagkakabagsak ko.Pinulot ng isang mysterious girl ang mga aklat ko.
"Hi..I'm Athena Dizon.Bago ka ba dito.?"
Hindi ako umimik dahil di ako palakausap sa tao
"Hoy ano..!? tinatanong kita.."
Di ko alam kung ano nagtulak sa aking magsalita
"Oo,bago ako dito"
"Sorry sa mga kaklase natin ahh, parang mga wild beast kapag andiyan na si Ms.Navarro.."
"Huh.? Bakit.?"
"Isa sya sa magiging terror teacher naten."
Dumating na ang "terror teacher" daw namin na naramdaman ko agad ang presensya dahil sa malakas niyang bunganga.Nagsimula na ang klase at ng biglang may umentrance.Ang dalawang lalaki na medyo pogi na may pagkamayabang.Di ko maintindihan kung bakit parang kilala ko yung isa na naka black cap.Binungangaan sila ng napakalakas ni Ms.Navarro.
"Mr. Corpuz at Mr. Hernandez, anong kapal ng mukha ang kaya nyong iharap sa classroom na ito..?"
"Sorry po ma'am.."sabi noong isang lalaki na Mr. Corpuz daw..
"Lumabas kayo..LABAS.!!"
Nagdadabog na lumabas ang mga kumag na sinisira ang alignment ng upuan.
"This serves as a warning for everyone..Kung mahuhuli kayo sa klase ehh magdrop na lang kayo.."
Tumunog na ang bell at lumabas na ako..Nang mayroong patakbong umakbay sa akin, si Athena..Iniakbay nya ang napakabigat niyang mga kamay sa akin.
On the way na kami sa canteen . Halos malula ako sa sobrang laki ng canteen .
"Umupo ka na lang dyan ako na magoorder ng pagkain natin .."
"Itoh ohh , meron naman akong pera.."
"No , treat ko today.."
"Cgehh, bahala ka..."
"Sige ,wait ka lang dyan.."Habang hinihintay ko si Athena na dumating , tinabihan ako ng dalawang lalaki . Naalala ko ang black cap ng isang lalaki sila yung pinalabas ni Ms. Navarro sa klase kanina. Hindi ako umiimik at nakatingin lang sa akin yung isang lalaking walang cap . Dumating si Athena dala ang isang malaking tray na puno ng pagkain .
"Athena !!!"
"Ohhh Steve nandito na pala kayo , by the way nakilala nyo na ba ang bago kong kaibigan ?"
"Sino ba siya ??"
" Girl pakilala ka naman , actually hindi ko pa rin siya kilala ehh , What's your name ??"
"Ako nga pala si Kiara Cortez "
"Kiara ?? What a nice name ..."
Nag smile na lang ako noong sinabi niya "nice" daw pangalan ko.
"Let's eat ??"
Iniabot sa akin ni Athena ang isang plate ng spaghetti and hamburger . Inabutan din niya si Steve pati yung strange guy na naka-cap . Umupo si Athena sa tabi ni Steve . Habang kumakain kami nagsalita si Athena .
"Kiara , kilala mo ba this two bad boys ??"
"Hindi ehh"
"Siya si Steve Corpuz , his my boyfriend , and that guy sitting beside him is Nio Hernandez "
Neo Hernandez pala pangalan niya .
"Ohh I think kilala mo na sila?"
"Ahh oo"
"Sige let's eat "
Papasok na kami ulit ng class . Kasama ko pa rin sila at para bang ang awckward ng moment namin doon kasi silang tatlo lang naguusap na parang di ako nag-eexist . Pumasok na kami sa classroom . Hapon na at di pa rin mawala sa isip ko ang pangalang Nio na yun na parang nagkakilala na kami somewhere . Nag dismiss na ang prof namin at lumabas na ako . Sumakay ako ng bus at nang biglang tinawag ako ni Athena kasama si Nio , sumabay sila sa bus at umupo kami sa likod . Nasa gitna ako ni Athena at Nio at para akong yelo na di makagalaw . Tumigil ang bus at nagpaaalam na ako kay Athena . Naglalakad na ako ng may naramdaman akong sumusunod sa akin , lumingon ako at nakita ko si Nio sobrang tahimik niya. Narinig ko na may tumatawag sa akin. Lumingon ulit ako at pinalalapit ako ni Nio . Umatras ako hanggang sa makasabay ko siya .
"Freshman ka ??"
"Ahmm oo"
"Ako nga pala si Nio Hernandez, at ikaw nga ulit si ?"
"Kiara , Kiara Cortez "
"Dito bahay mo ?"
"Oo , dyan lang sa malapit"
"Magkapitbahay pala tayo !!!"
"Oo nga ehh"
"Ito yung bahay namin , so paano kita na lang tayo bukas ??
"Uhmm sige "
"Saan ka nga pala nakatira dito ?"
"Diyan ohh , pagkalagpas niyang isang bahay na yan ."
"Sige , bukas na lang ,bye. "
"Bye.."Tinanghali na ako ng gising kaya nagmadali na ako para makaabot ako sa last bus.
"Ohh Kiara , di ka ba kakain ??niluto ko pa naman itong mga favorite mo"
"Sige Ma , next time na lang kelangan ko pa makaabot sa bus ..sorry ahhh"
"Ahhh ok lang anak , ohh sige eto na baon mo Kiara, ingat ka anak !!"
"Sige Ma , malate na ako ehhh"**muahNagmamadali na ako para makahabol sa last bus pero nagulat ako ng makita ko si Nio na nagiintay rin sa bus stop . Habang papalapit ako ay naisip ko na naman kung bakit sobrang familiar siya sa akin na para bang nakasama ko na siya.Bigla niya akong binati nang makalapit na ako sa kanya.wow!! ang bait naman pala nito ni Nio .Di ko alam kung kakausapin ko siya , pero nahihiya pa ako kasi kahapon ko lang siya na meet. Kaya ng kinausap niya ako ehh in-entertain ko na rin siya , syempre di naman ako sobrang bitch para ipahiya siya.
"Good Morning !!"
"Ohhh good morning din, nalate ka rin ba ???"
"Ahmm hindi , nagpapahuli lang talaga ako sa pagsakay sa bus , ayoko kasi ng masyadong maraming kasabay sa bus ehhh.."
"Ahhh ok.."May pagkamaarte din pala tong lalaking tohh , pero parang ang cool niya. Pero napakafamiliar talaga nitong Nio nato pero di ko maisip kung bakit ganito yung pakiramdam ko.
"Kiara?, Kiara?, KIARA !??"
"Huhh?"
"Ano ?? Di ka ba sasakay?kanina pa tong bus ohhh !!"
"Ahh oo , sasakay na , may naalala lang ako ..."
Ano ba yan Kiara kung ano-anong iniisip mo nakakahiya ka pa .
"Haystt"
"Huhhh"
"Ahh wala , sabi ko, oo sasakay na!!.."
YOU ARE READING
My Strange Hero
Teen FictionKiara is still hoping to find the person who save her life when she was about to die while drowning. Sa kanyang college life ay may makikilala niya si Nio, and Kiara feels that Nio is somehow so familiar to her and she'll think that Nio is the one...