Nio's POV
Malapit na kami sa mall at sobrang dami palang tao ayaw ko pa naman ng masyadong crowded napakaingay . Kung hindi lang talaga nakakahiya na hindi sumama ehhh .. wala pa naman akong dahilan para hindi sumama ehhh kung hindi lang talaga sa dalawang babaeng ito ng mangkadumaldal kanina ehh hindi sana kami nalate..
"Eyyy Steve sigurado ba kayong tutuloy kayo ehhh ang dami daming tao dyan ?"tanong ko sa kay Steve habang siyay nagdadalwang isip kung tutuloy pa ba.
"Ano ba kayo Kathniel yan , natural na maraming tao , samahan niyo na ako , please kahit mag intay lang kayo dito "abat naman agad ni Athena na halatang gustong gusto manuod at may patalon talon pa ng makita ang kathniel
"Sige na guys hayaan niyo na si Athena minsan lang yan humingi ng favor " wika naman ni Kiara na parang wala din namang pakialam sa Kathniel na to ..kung hindi lang talaga shota ni Steve si Athena ehh hindi ko to napakitunguhan ng maayos.
"Sige guys ahhh dito lang kayo makikisiit ako , kaya ko to guys , PARA SA KATHNIEL !"mukha talagang determinado itong si Athena halos magiik na siya ehh wala pa ding pakialam.
Halos mabulabog ang mall dahil sa kathniel na sinasabi nila hanggang sa nagkaroon na ng tulakan kaya naipit na rin kami. Halos matumba na kami at nagulat ako ng biglang natumba si Kiara at agad ko naman siyang nasalo at halos mamilipit ang kanyang paa sa pagkakatapilok niya.
"Ok ka lang ba ?"tanong ko sa kay Kiara na nasa mga bisig ko pa dahil sa pagkatumba.
Kiara's POV
"ARAY" halos mapaiyak na ako sa sakit ng pagkatapilok ko dahil sa mga walang hiyang babaeng mga ito. Pero bigla akong sinalo ni Nio at hindi ko alam kung bakit napakabilis ng tibok ng puso ko , what the hell is wrong with me....bakit ganito ang nararamdaman ko.baka naman nagulat lang ako kaya ganito. Oo tama nagulat lang ako sa nangyari.
"Ok ka lang ba ?"bigla niya akong tinanong . At hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong umalis sa pagkakayapos niya sa akin at ramdam ko ang napakamatipuno niyang mga bisig .
"Huhhh"tipid kong sagot habang nakatingin sa mga mata niya at ngayong ko lang narealize na sobrang gwapo pala ni Nio mula sa hugis ng kanyang mukha mga mag......wait bakit ganito ang mga iniisip ko , ano ba tumigil ka nga Kiara wala ka namang gusto sa kanya ehhh bat ganyan ang nararamdaman mo.
"Ahmmm, miss Cortez baka namn gusto mong tumayo, medyo mabigat ka pa naman , tsaka ang ngalay sa balikat." Kung makaangal namn to pasalamat nga siya isang napakagandang dyosa ang natumba sa kanya ehh pano pa kaya kung pangit ako.
"Ahh sorry , madami kasing nagtulakan kaya NATUMBA ako "madali akong tumayo para makaalis na sa pagkakayapos ng mayabang na ito , sayang ang gwapo pa naman.
"ARAYYY!"malakas kong sigaw dahil sa sobrang sakit ng aking pilay..kasi naman itong mga babaeng itohh ang lalandi parang artista lang ehhh..tao din naman ang mga iyon.
"Ano masakit ba ?, wag mo na kasing pilitin kung masakit ," sabi niya sa akin habang hawak na naman niya ako.
"Ehh akala ko ba pinapaalis mo ako , bat biglang nagbago isip mo ??"
"Syempre may pilay ka tapos di ka pa makatayo ng ayos , gentleman naman ako kaya dito ko na lang muna sa tabi ko at aalalayan kita hanggang sa inyo."natigilan ako sa sinabi niya na parang big deal na ang pagtulong niya sa akin, bat ganito ang bilis na naman ng tibok ng puso ko, ano ba tumigil ka na parang yun lang ehh tutulungan ka lang niya yun lang yun."Wow bro , gentleman ka pala, kelan pa yan ?"sabi ni Steve na parang nang-aasar pa namay kasamang suntok sa balikat ni Nio.
Bat ba ang tagal ni Athena kundi lang dahil sa babaeng yun ehhh di sana wala akong pilay.
Ramdam ko pa rin ang mga braso ni Nio na nakaalalay sa akin . Sa wakas natapos na rin sa pakikipagsigitan si Athena .
"Ohhh my gosh guys , look at this pictures napaka.......Ohh my gosh girl , ang yari sayo bat yapos yapos ka ni Nio , kayo na ba ? ang bilis naman para."talaga tong babaeng ito ganito ba ang pagkakakilala nila sa akin . Nakukuha agad ng lalaki haystt.
"Ehhh kasi yang mga fans na yan kung makapagtulakan ehhhh akala mo may lindol at nagmamadaling magpaunahan, ehhh eto natapilok ako , di ako makalakad ng ayos."
"Masakit ba Kiara , sorry ahhh natagalan ako , sorry talaga sorry.""Uwi na lang tayo , bago na tayo kumain sa labas at manuod ng sine, tutal hindi na din naman makakasama si Kiara"muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko because of those caring words.
"Ohhh sige bro , pero pano na si Kiara"
"Don't worry bro magkalapit lang naman ang bahay namin ehh, ako na lang bahala kay Kiara."
"Sige bro , pero baka kung anong gawin mo kay Kiara ahhh""Siraulo ka talaga loves , kita mo nang ganyan yung sitwasyon ni Kiara ehhh nakuha mo pang magbiro."sabat naman ni Athena sa dalawang kumag na kung ano anong iniisip.hayyy kung bakit ba naman sumama pa ako sa mall na ito.
"Ohhh pano tara na , para makapagpahinga agad si Kiara."
YOU ARE READING
My Strange Hero
Novela JuvenilKiara is still hoping to find the person who save her life when she was about to die while drowning. Sa kanyang college life ay may makikilala niya si Nio, and Kiara feels that Nio is somehow so familiar to her and she'll think that Nio is the one...