CHAPTER II

10 0 0
                                    


DUMATING ang resulta ng exam.

"Epe!!", patakbong pumasok ng bakuran ng mga Rodriguez si Rhoaine. Hingal na hingal ito.
Nakapamewang itong tumigil sa may pinto upang humugot ng hininga.

"Oh iha napasugod ka?", tanong ni Gng. Clarita.

"Tita...", huminga pa muna sya ng malalim bago magpatuloy"Si epe?".

"Nasa kwarto puntahan mo na lang iha gising naman na siguro iyon"

"Sige po", nagmamadali nyang tinungo ang kwarto ng kababata. At excited na binuksan ang pinto

"Aaaaaaaaah!!", halos sabay na sigaw nilang dalawa.

Napatakip ng mukha ang dalaga. Hindi naman magkandaugaga ang binata sa sitwasyong nadatnan ng dalaga. Nagkanda dulas dulas sya sa pag abot ng tuwalya sa may higaan upang itapis sa ibabang bahagi.

"Anong nangyare jan? Ha?!", sigaw ng ginang na nagwawalis sa bakuran.

"W-wala po ma! May ipis ma!"

"Yan ang sinasabi ko eh wag ka na ngang magdadala ng pagkain sa kwarto!"

"O-opo!" Sigaw din nya sa ina na nasa labas.

"Wala akong nakita, wala akong nakita, wala akong nakita...", paulit ulit na banggit ni Rhoaine habang nakatakip pa rin ang kamay sa mukha.

"P-pwede ka n-ng t-tumingin", utal na sabi ng binata.

Dahan dahang tinanggal ni Rhoaine ang mga kamay nya ng makitang nakatapis na ang lalaki ay nakahinga ito ng maluwag.

"Peste ka!", bigla nya itong sinunggaban at sinabunutan.
"Aray naman Aning!...aaahh!", reklamo nya habang inaawat ang mga kamay ng dalaga sa pagkakasabunot sa kanya.

"Binigyan mo pa ng kasalanan ang mga mata ko !", gigil na wika ni Rhoaine.

"Kalimutan mo na yung nakita mo araaaay! Tama na!"
"Wala akong nakita feeling mo naman peste ka talagang lalaki ka"
"Ahhh araaay!...aaa Aning yung tuwalya!", naramdaman nyang natanggal sa pagkakahigpit ang tuwalya sinubukan nyang itaas pero tuluyan na itong nalaglag

"Aaaaaaaaaaahhh!", sigaw ni Rhoaine na hindi nya sinasadyang mapatingin sa tuwalya at makita ang hindi dapat makita.

Nabitawan nya ang buhok ng lalaki. Na out of balance ang binata at napakapit sya sa laylayan ng damit ng dalaga dahilan para madamay sya sa pagdulas sa sahig. Napaibabaw sya kay Jhesper.

"Aaaaaaaah!", sabay nilang sigaw Nang mapagtanto nilang nasa ganoon silang posisyon.

"Epe ano ba yan! Nakakarindi na kayo!", sigaw ng ginang sa labas.
"Ma! Ipis ma!",sigaw ni jhesper na gulat na gulat pa ring nakatitig kay Rhoaine.
"Gano ba kalaki yang ipis na yan at takot na takot kayo! Lumabas na nga kayo riyan at kakain!"

Naramdaman ni Rhoaine ang kung anomang nasa ilalim nya. Naramdaman ng binata na hindi na normal ang nararamdaman nya kaya tinabig nya ang dalaga para maalis ito sa ibabaw nya napatama ang likod nito sa paanan ng kama.

"Arayyy!", napaliyad ang dalaga sa sakit ng likod habang nakalupasay pa rin sa tiles na sahig.

Aligaga naman si Jhesper sa pag pasok sa cr dala dala ang damit niya habang tinatakpan ang dapat takpan.

"Bwisit ka talaga epe, aray ko.....likod ko", mangiyak ngiyak sa sakit niyang sabi habang pilit na inaabot ang likod para himasin.

"S-sorry na! E-eh ikaw kasi", sagot ni Jhesper habang nagbibihis sa cr.

Paglabas niya'y wala na ang dalaga.

"Ma si Aning san na?", takang tanong nya sa ina ng maabutan ito sa kusina.

Must NOT Love YouWhere stories live. Discover now