CHAPTER III

6 0 0
                                    

NAPAGOD ang dalawang magkababata sa paglilibot sa burol habang walang humpay sa kwentuhan.

"Halika namiss kong humiga dito sa parang. Masarap sa likod ang lamig ng carabao grass. Buti na lang maulap hindi gaano mainit", inilatag nya ang panyo sa damo at saka humiga."ayaw mo bang mahiga?"
Tanong nya sa binata na nakapamulsang nakatingin lang sa ginagawa nya.

"Mamimiss kita",may lungkot sa mga mata nito.
Natigilan ang dalaga at napatingin sa nagsalita.
"Bakit naman?", takang tanong nito.

Umupo ang binata sa tabi ng nakahigang si Rhoaine. Malungkot nya itong tiningnan at inayos ang mangilan-ngilan nitong buhok sa mukha.
"Alam kong nakapasa ka sa parehong exam na kinuha natin"

" ay oo nga pala! Kanina ko pa yun gustong sabihin sayo", nakangiting sabi nito. Bigla nya rin naman itong inalis ng mapansing malungkot pa rin ang binata "huy! Problema mo? Di ka ba masaya para sakin? Di ba pasado ka rin naman ikaw pa ba?"

Napabuntong hininga si jhesper. Itinukod nya sa damuhan ang dalwang braso at napatingin sa malayo. "Hindi Aning eh"

"Ha? Saan ka hindi nakapasa?"
"Sa E.U."
"Ano? Eh di ba madali lang naman yun? Ano bang nangyare sayo?"
"Kasalanan mo eh", napatawa sya ng mahina ng maalala ang dahilan.

"Hala nababaliw ka na ba? Kanina lang ang lungkot mo tapos tatawa? Nababaliw ka na"
"Siguro nga"
"Ha?"
"Alam ko naman na mas prefer mo ang mag aral sa E.U. kunwari ka lang na ayaw mo. Nakapasa ka ako hindi alam ko na ang mangyayari. Maiiwan ako dito"

"Ha? E-eh bakit ba kasi hindi mo inayos ang pag exam ang dali kaya non alam kong sisiw lang yon sayo eh ano ba kasing pinag gagawa mo", naiinis nyang sabi. Gusto nyang sabay silang lumuwas at doon mag aral.

"Sorry na. Pero seryoso kasalanan mo yun"
Napatanga si Rhoaine sa lalaki.
"Pinagpipilitan mong ako ni wala nga akong alam sa pinagsasasabi mo",inirapan nya ito. Naiinis talaga sya ayaw nyang lumuwas mag-isa pero wala rin naman ang kursong gusto nya sa probinsya nila. At laking kaalwanan sa mga magulang nya na scholar sya ng paaralan dahil sa taas ng marka na nakuha niya.

"Lutang ako non dahil sayo. Hindi ko alam kung sinadya mo yun o hindi pero ikaw mismo, hinalikan mo ko", mariing pagpapaliwanag ng binata.

Napabalikwas si Rhoaine sa narinig.
"Hoy Epe! bakit parang ako pa ang manyak dito aber, wala akong alam sa mga sinasabi mo ha wag kang ano jan", dinuro nya ang binata "gumagawa ka lang ng kwento ang pangit pa"

"Totoo yun",kamot sa ulong ipinaliwanag nya sa dalaga ang nangyare.

Napatakip sa bibig ang dalaga sa nalaman nya.
" s-sinungaling ka wag mo nga akong paglolokohin"

"Ayoko na makipagtalo sayo basta alam ko sa sarili ko na yun ang nangyare. Umungol ka pa nga eh", may pang asar na tingin ang ibinigay nya sa dalaga.

" manyak mo talaga!", hinampas niya si Jhesper sa balikat
"Aray!"
" at sinamantala mo naman! Manyak!"
" hindi noh nagulat ako at umalis at ang kapatid mo na lang ang pinag gising ko sayo"
" sa tingin mo maniniwala ako?"
"Wala akong pake basta yun ang nangyare"

Hinampas ulit sya ng dalaga.
"Aray ano ba nakakarami ka na ha! Sino ba kasing napanaginipan mo nung time na yun at umungol ka pa", isang malakas na suntok sa balikat ang tinamo nya. "Araaaaay! Kaya siguro nagshoshorts ka na noh may nagugustuhan ka na noh hangang sa panaginip kahalikan mo pa". Puro jersey shorts at tshirt lang kase ang nakasanayan nang suotin ng dalaga.

"Wala ka na dun!", pinahid nya ang labi na animoy tinatanggal ang bahid ng paglapat ng mga labi nila."tsaka wala akong crush...eww! Mainit lang kase"

"Ang O.A. naman nung pagpahid late reaction na". Pang asar ng binata.

"Magrereak ka pa?", umakma syang susuntok ulit.

Must NOT Love YouWhere stories live. Discover now