CHAPTER IV

0 0 0
                                    

MAGKASAMA sina Zeph at Tin na kumuha ng uniform dahil ilang araw na lang ay first day of school na nila. Tinawagan muna ni Tin ang pamilya nya at pagkatapos nyang ikwento sa kanyang pamilya ang ganda ng paaralan ay naisipan muna nilang dalawa ni Zeph na maglibot. Wala pa masyadong gumagala gala na estudyante sa university kaya tahimik silang nakapaglilibot sa iilang bahagi ng university na pwede nilang mapuntahan pagkatapos silang i-orient ng dorm matron nila.

"Grabe ang lawak pala talaga nitong University na to, pero hindi talaga ko makapaniwala sa price ng uniform na to...ilang buwang sweldo na to ni papa eh", komento ni Tin.

"Sinabi mo pa, pero ang ganda di ba lakas maka anime", natutuwang wika ni Zeph."excited na kong isuot to".

"Maganda ba yan? Eh halos makita na singit ko jan eh"

"Haha ang sabihin mo hindi ka sanay sa mga girly things, tomboy ka ba? charot lang haha baka maoffend ka naman, masanay ka na sakin ganito lang talaga ako"

"Ano ka ba mas malala pa sayo kababata ko pero never akong nagalit noh"

"Buti naman hehe, di bale pahihiramin kita ng shorts na pang ilalim"

"Hindi talaga ako sanay"

"Kelangan mong masanay or else makakacatch ka ng attention ng mga bullies kelangan natin mag adopt sa environment kundi baka hindi mo na gustuhing magtapos dito"

"Kainis naman",kamot ulong sagot ni Tin.

FIRST DAY of classes. Maagang pumasok ang dalawa. Mag kaiba sila ni Zeph ng course kaya this time hindi sila magkakasama. Ilang building pa ang layo ni Zeph sa kanya. Napagpasyahan nilang sa lunch break na lang mag kita sa canteen ng school ni Tin.

Kasalukuyan nyang tinatahak ang pasilyo papunta sa room nya. Hindi sya naeexcite siguro dahil kanina pa syang nasasagwaan sa mini skirt na sa pakiwari nya'y makikita na ang pwet nya habang naglalakad kung di lang dahil sa pang ilalim nyang short.

Hindi rin naman sya kinakabahan sa mga kwento kwento ni Zeph about sa mga bullies sa University wala syang pakialam sa mga ito. Pag aaral lang ang ipinunta nya dito. Pero mukang gulo ang gustong lumapit sa kanya.

"Aaaahhh!",nagulat sya sa paghigit sa backpack nya ng kung sinoman sa likuran nya. Mabilis ang pangyayareng nakorner sya sa pader ng dalawang bisig ng isang matipunong lalaki.

"Mabilis lang to", napamulagat sya ng mariin syang halikan ng lalaki.

Lumakas ang bulung-bulungan sa paligid. Agaw eksena naman talaga ang ginagawa nila sa hallway. May iilan kaseng nakatambay at mga dumadaan.

"Aaaaaaahhhh!!",nasa ganoong posisyon sila ng may sumulpot na babae sa gilid nila at sumigaw.

Sa wakas ay pinakawalan na ng lalaki ang mga labi nya ngunit nasa state of shock pa rin ang utak nya. Nakatulala lang sya sa kawalan.

"F*ck you Jeon Rhaiku ipinagpalit mo ko sa pipitsuging babae na yan? You're insane! Mas mabuti pa ngang mag-break na lang tayo wala kang ķwenta!"

Hinarap ng lalaki ang magandang babaeng galit na galit.

"That's what I want kanina pa. Wag kang mag-eskandalo dito. Mahiya ka sa girlfriend ko. See ? May iba na ko",inakbayan pa ng binata si Tin na wala pa ring kaalam alam sa nangyayare. "Get lost bitch!". Isang nakamamatay na tingin ang ipinukol nya sa babae.

"She's the bitch! May araw ka rin saking babaeng malandi ka! How dare you stole my boyfriend!",akmang susugurin nito si Tin ngunit hinarangan sya ng binata at itinulak.

"I said get lost!", sigaw ng binata.

Mangiyak-ngiyak na umalis ang magandang babae sa eksena.

Natauhan naman si Tin sa sigaw nito. Walang pakialam na aalis na sana ang lalaki ng biglang isang malakas na sampal sa kanang pisngi nito ang dumapo.

Must NOT Love YouWhere stories live. Discover now