CHAPTER VI

1 0 0
                                    

Jeon's POV

"ANO bang problema mo? Ibigay mo nga ang bag ko!", hinablot nya ang bag nya. Namumukhaan ko sya, she's the girl who slapped me never in my life na nasampal ako tss! I hate her. Kung makatingin sakin parang mangangain ng buhay dapat nga magpasalamat pa sya.

"Itatapon ko sana akala ko basura", sabay iwas ko ng tingin sa kanya. I hate her eyes, fvck. So annoying.

"Kung wala kang magawa sa buhay wag ako ang pagtripan mo! Bwisit!", napatingin ako ng mapansing aalis na sya.

Tinitigan ko sya hanggang makalayo.

Tss! Parang bata padabog dabog pa.

Napangiti ako pero inalis ko rin agad.
"Sya na nga tong tinulungan, sya pa tong galit", bulong ko sa sarili ko.

"Haaaay!",  buntong hininga ko sabay nakapamulsang umalis. Diretso na sana ako sa parking para umuwi nang makita ko ang dalwang ugok...

"Hey dude! Nakita namin yun... may nagnanakaw sa bag nya kaya mo hinablot", si Kein, ang pinakamatalino samin... pero bobo pagdating sa babae. Maghabol ba naman sa babaeng wala namang kagusto gusto sa kanya. Praning.

"It's not a big deal... Wag mo nga kong akbayan, baka mahawa ako sa kapraningan mo...kamusta naman yung pagsunod sunod mo kay Bebang?"

"Hahahaha", tawang tawa si Aeros, "bakit ba Bebang ang tawag mo kay Beverlie"

"Ang sama mo talaga dude! Ganda ganda ng Beb ko eh ginaganyan mo", tinulak ako ng mokong.

"Beb...Bebang oh di ba mas ok naman ah", natatawa kong sagot.

"Bwisit! Palibhasa walang lovelife nye nye nye!", pang asar talaga nila to sakin simula ng magbreak kami ni Prescilla ...wala namang masama sa pagiging single masaya nga eh.

"Sige tumawa ka Aeros, bakit may jowa ka ba?", kung makatawa akala mo may jowa wala naman.

"Oo naman marami! Hahaha! sabihan mo lang ako kung gusto mo ng isa marami akong reserba", sabay tapik sa balikat ko.

"Di ko kailangan nyan dude, maraming naghahabol sakin", nginitian ko lang sya ng nakakaloko. Marami ngang naghahabol pero wala akong gusto lahat kase sila ginugusto lang ako dahil sa estado ko.

"Yang ngiting yan kilala ko yan", makahulugang tingin ni Kein "may bago ka na namang chikabebe noh"

"Nakamove on ka na agad kay Prescilla? Akala ko ba lab lab mo yun hahaha!",asar ni Aeros.

"Not anymore, pag nalawayan na ng iba eh di sa kanila na"

"Totoo ba dude?"

Nakarating na kami sa parking area gustong gusto ko na umuwi ang dami pang tanong nitong dalwang to.

"Oo nga ...totoo ba yun?", second the motion ni Kein.

"Saka nyo na ko tanungin, kapag alam ko na", inistart ko na ang makina ng motor ko.

"Uuwi ka na agad? Wala talaga to nagkukwentuhan pa tayo eh", reklamo ni Aeros.

"Makikichismiss ka lang eh next time na lang dude",sagot ko sabay alis.

Ayoko ng isipin. Wala akong pakelam sa kanila. Siya ang nawalan hindi ako. Binilisan ko pa ang takbo. Nalilimutan ko ang lahat kapag ganito.

15 minutes lang nasa condo na ko. Sa sarili kong mundo.

"AAAHHHH!", buntong hininga ko paglapat ng likod ko sa malambot na kama.

*phone rings*

"Sino naman kaya to... istorbo matutulog na ko eh. Nakakatamad kumain", sabay dapa ko sa kama.

Must NOT Love YouWhere stories live. Discover now