(Love's POV)~That's what you get when you let your heart win,whoa
That's what you get when you let your heart win,whoa~Haaay,sarap talaga humiga sa damuhan habang nagclocloud gazing (hahaha...alangan naman star gazing eh, 7am palang po kaya ng umaga). Sarap ng fresh air...Inhale...Exhale...sabay soundtrip lang ang peg.
"LOOOOOOOOOVE!!! Hoy, andito ka lang pala kanina ka pa kaya pinapahanap ni tita. Ang aga-aga nakahilata ka dito sa damuhan. Hoy, love talaga deadma lang ang peg ah..."
"Haaay, bakit ba kahit kelan napakaingay po Trixie?!"
Agad naman akong napatayo sa paglapit ng akin napakaLOUD na cousin.
"HAHAHA...Bakit ba hanggang ngayon hindi ka pa nasanay sa akin couz??? Alam mo naman pinaglihi talaga ako sa speaker ng nanay ko eh. HAHAHA"
"Buti naman naamin mo yan sa self mo ah." Sabay irap sa kanya. Well, sino ba naman ang hindi maaasar kapag ganito kaingay at kakulit ang pinsan mo di ba. Nasira tuloy ang aking peaceful moment. Pero hindi ko naman siya masisisi dahil nasa lahi na namin talaga ang pagiging maingay at makulit. Yun nga lang wala pa rin makakatalo sa pinsan kong si Trixie pagdating diyan.
"WOW, Ateng meron ka bang bwisita ngayon??? Ang sungit mo kasi eh...kung ako sa speaker pinaglihi, mukhang ikaw sa suka...ang asim ng mukha mo eh" sabay tawa ng aking bruhildang pinsan. Naku pasalamat siya at wala ako sa mood magwitch hunting ngayon kung hindi na hunting ko na ang isang ito.
"Eh, paano ba naman kasi hindi aasim ang mukha ko? Ikaw kaya ang makakita ng bruha...Eh di sira agad araw ko di ba?"
"OUCH! Ako pa ang tinawag mong bruha couz!!!" wow, nakuha pa talaga niyang magdrama ha...at bibilib na talaga ako sa pinsan ko. With matching teary eyed pa ang drama eh. "Sa ganda kong ito tatawagin mo lang akong bruha. How dare you? Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan...Isa akong Diyosa at hindi Bruha. Humanda ka couz dahil babangon ako't dudurugin kita." hehehe, at talaga career na career ang pag-acting trixie ah.
Pumulot ako ng bato sa damuhan sabay sabing "The Best Actress for this year is no other than Mary Trixie Jane Lopez. Ang aking napadramang cousin." sabay abot ko sa kanya nung bato. At talagang sinakyan niya naman ang kalokohan ko ah.
"Wow, I never expect na ako ang mananalo ng award na ito. Thank you for the support of my family and friends. I couldn't have done this without you." sabay kuha ng panyo sa bulsa niya at may mapunas-punas ng panyo effect pa siyang nalalaman. Hahaha. Pasensiya na kayo ah. Ganito lang talaga kami kabaliw ng cousin ko. Well, siya na ang best buddy ko simula pa nung mga bata pa kami. Ika nga nila magkarugtong na raw ang mga small intestine namin...hindi lang pala small intestine, pati large intestine, pancreas, stomach, brain at heart namin. Ay, teka...teka...parang hindi naman part ng digestive system ang brain at heart ah!!! Ah, basta in short ganun kami ka close nitong bruhang ito. Partners in crime talaga kami nito. Well, baby pa kasi siya nung namatay ang parents niya sa plane crash. Kaya si mommy na rin ang tumayong mommy niya. Sa katunayan niyan parang kakambal ko na itong si Trixie eh. Three months lang kasi ang tanda niya sa akin. Opo mas matanda siya sa akin ng three months pero kung umasta parang mas matanda ako sa kanya ng limang taon eh. Paano ba naman saksakan ng pagkaisip bata eh. Pero kahit isip bata si Trixie totoo namang maganda siya. Yun nga lang mas maganda pa rin ako sa kanya kaya sorry na lang siya...whahahaha
Well, well, well, readers I know what's on your mind ah. Conceited?! Nah ah... Maganda talaga ako noh! Tanong niyo pa sa angkan ko;p
"Hoy, couz...Tulala portion na naman ba ikaw???Hoy, gising" sabay alog sa akin ni bruhidang Trixie.
"Ahhh, ANO BA KASING PROBLEM MO TRIXIE???KAKABADTRIP KA NAMAN KASI EH...AGA-AGA PANIRA NG ARAW. GRRRRR" at dahil napasigaw na ako sa sobrang pagkabadtrip ko tumigil na sa pag-alog sa akin si Trixie. Naiyak naman ang loka-loka. Natakot siguro! Aww, naguilty naman ako. Sorry naman ah. Panira moment kasi siya eh. Hindi pa nga ako nakakapagpakilala dito oh. Haaay...
"Trix, sorry na! Uy, stop crying. Hindi ko naman sinasadyang masigawan ka eh. Ano ba kasi yun?" super nagcry na siya. Di ko na nakeri.
"*sniff* pinapa *sniff* tawag ka kasi *sniff* ni tita *sniff*"
"Haay, please, Trix, stop that! Tara puntahan na lang natin si mommy. Come on!" Hinila ko na papasok ng mansion si Trixie. Yes! Tama po kayo ng basa...sa mansion po kami nakatira. Mansion na pinaghirapan ni mommy makuha. Well, mansion nga ang house namin iilan lang naman kaming nakatira diyan. Siyempre ako (ang angel ng pamilya, nakz naman...uy,mabait po talaga ako ah. Kahit di naman talaga halata) , si Mommy Vienna (na madalas namang wala), si kuya Lawrence Bien (ang aking gwapong kapatid...pagbigyan na natin nasa lahi naman eh), si Ate Mary Trisha Jill (obvious ba? Si ate Trish lang naman ang kapatid ni Trixie. Siya ang pinakamatanda sa aming apat na magkakapatid/magpipinsan. Remember si mommy na rin ang mommy nila.) at lastly si Mary Trixie Jane (ang aking evil twin sister...hahaha...joke lng!!! Ang aking maingay at makulit na cousin na kapatid naman ni ate Trish na kapatid na rin namin ni kuya Rence). Tapos ung ibang tao sa bahay puro katulong na namin. Nagtataka kayo kung bakit walang DADDY??? Well, sumakabilang-bahay na siya. And to tell you the truth I hate him.
Malalaman niyo rin kung bakit. Pero not for now...Di pa nga me nakakapagpakilala sa inyo friends eh(feeling close ba? Hindi ah. Friendly lang talaga ako. Kaya nga aq si Ms. Friendship eh!). Ako nga po pala si Loreen Venice Lopez Valentino...Love for short. Self explanatory naman na yun di ba. 16 years old and 1st year college. Dahil ako si Love siyempre maganda aq...Love as in Lovely nga di ba. Hindi conceited lang ah... Meron akong golden eyes na parang kay Edward the Vampire, Matangos na ilong, red kissable lips, milky white skin, shiny black hair na super long at mataas din ako ah. Mana ata ako kay Mommy mala-super model lang ang peg. Sa attitude hindi rin ako papatalo diyan. Siyempre ako kaya si Love as in Loving. Mapagmahal talaga akong kapatid, kabarkada, kapamilya at kapuso na rin. Mabait din ako especially kapag tulog. Hahaha... All in all ako yung tipo ng girl na kaiinggitan ng lahat. Maganda, matalino (rank 1 kaya ako sa school), mabait, mayaman at higit sa lahat mapagmahal. Oh, lahat ng "M" na sa akin na ba? Pero di ko favorite letter yan ah...Boys, I know perfect girlfie na ako para sa inyo. Pero sorry na lang ah I'm already taken na eh...Taken by the Lord!!! Well, wala pa naman akong calling sa pagmamadre pero malay natin baka sooner or later meron na di ba. Hahaha... For the mean time ako ang PRESIDENT ng Samahan ng mga Singles Forever at Samahan ng mga No Boyfie since Birth. Tama po! Sa ganda kong ito wala akong lovelife... Pero never akong naging lonely. Bakit??? kasi kung meron mang taong gustong maginvent ng anti-love potion ako yun. Yeah, I'm Love but I hate love. Isn't that ironic?! Well, hindi niyo naman ako masisisi. May pinagdadaan lang kasi...Bitter na kung bitter. Ang importante buhay.;-)
BINABASA MO ANG
Crazy Little Cupid
Teen FictionPara po ito sa mga taong hate ang love or scared mainlove!!! Beware... kasi kapag kayo napagtripan ni Little Cupid.... For sure mafofall ka!!!