Chapter 3 (meet the Lover Boy)

77 4 0
                                    

(Rence's POV)

Donnnnng...Donnnnng...Donnnng

"ANO BA??? ANG INGAY!!! SARAP PA NGA NG TULOG KO DITO OH... PUTIK NAMAN OH!" agad akong napabangon dahil sa maingay na tunog sa my tenga ko. Paglingon ko nakita ko agad ang aking nakangising Ate...

"Wow, buti naman po at gising ka na Mahal na Prinsipe...pinahirapan mo ako sa paggising sayo ah. Alam mo bang 6 o'clock na po ng gabi? Blah...blah...blah" hindi ko na pinansin ang mga iba pang sinabi ni ate Trish. Paano ba naman eh halos mamatay ako sa katatawa nung makita ko kung ano ung hawak niya.

"HAHAHA...Balak mo bang maging musikera ate??? HAHAHA...kailangan talaga cymbals agad ang pang gising? Di ba pwedeng alarm clock na lang??? WHAHAHAHA

"Wow, alarm clock pa talaga ah?! Tignan mo nga ung ginawa mo sa alarm clock mo... You're a murderer...pinatay mo siya. Ayun oh...wasak na wasak." sarcastic na sabi ni ate Trish habang nakaturo sa alarm clock ko na nasa sahig. And wow! Ganoon ba talaga kasarap tulog ko at nawasak ko talaga yun ng di ko man lang namamalayan. AMAZING...di kaya kalahi ko rin si AMAZING SPIDERMAN?! Pero malabo yun dahil di hamak na mas gwapo ako sa kanya noh!

"Uy, ano pang tinatanga-tanga mo diyan??? Bumangon ka na nga at aalis na tayo!!!" sabay hila sa akin ni ate Trish patayo sa kama.

"Bakit ate? Saan ba ang lakad natin? Wanna have some fun??? Bar hopping gusto mo???" mapakitaan nga itong si ate ng killer smile ko. Sarap kasing asarin eh. Hahaha;))

Wapaaaaak!!!

Aray nasapak tuloy ako. Huhuhu.

"ANONG BAR-BAR KA DIYAN?! Maligo ka na nga at sasama ka pa sa akin tumugtog...Musikera ako di ba?! Kaya halika...gagawin din kitang musikero."

"Wow, ate pwede rin...pero mas gusto ko pa rin sa band ko (kung hindi niyo na itatanong, lead guitarist/vocalist po ako sa isang band..aztig noh!). Kung gusto mo ate, ikaw na lang isasama ko sa gig ng band namin. Teka liligo lang ako."

"Sapak gusto mo ulit?" sabay taas ni ate sa kamao niya.

"Hep, hep, hep, ate maawa ka naman sa mga babae. Baka mag-iyakan yung mga yun kapag sinira mo ang mukha ng Lover Boy nila. Eh mas malakas ka pa yatang sumuntok kay Pacman eh. Kawawa naman si kuya Dale kapag nakasal na kayo. Sigurado magiging battered husband yun."

"ANONG SABI MO RENCE???"

Agad ko ng dinampot ang akin towel sabay takbo papunta sa akin bathroom. At ayun si ate sinaraduhan ko na ng pinto. Sukat ba namang makipaghabulan pa sa akin. Nanlaki na ang butas ng ilong eh. Kaya siyempre sumibat na ako. Mahirap ng magkablack-eye noh. Dakilang amasona pa naman yang si ate Trish. Well, goodluck na lang kay kuya Dale after ng wedding nila. Malapit-lapit na rin ata yun ah! Sayang naman ang gandang lalaki ko kapag nasuntok ulit ako ni ate Trish.

Toooktoooktoook

"Uy, Rence bilisan mo diyan. Naghihintay ako dito! Mag-uusap pa tayo."

Kulit naman nitong si ate oh...hindi ba siya pwedeng manahimik na lang nagcoconcentrate pa ako dito sa paliligo oh. Haay, masabon na nga lang ang aking mga pandesal (6 packs? I have them...well, laman ata ako ng mga gym. Need imaintain ang body. Alam niyo na ako ata si LB...Lawrence Bien...well, pwede ring Lover Boy. Halos lahat kaya ng mga kababaehan hinahabol ako.). Ano 'to? Anak ng Tokwa naman oh...yung mga babaeng yun nag-iwan pa talaga ng kiss mark sa abs ko. Damn! Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi.

=Flashback=

"Wow, pareng LB, lakas pa rin ng hatak mo sa mga chicks ah. Hindi ka pa nga kanina nakakaakyat sa stage naghihiyawan na ang mga chicks...Pangalan mo nga lang nageecho dito sa bar eh. Hahaha."

Crazy Little CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon