Chapter 5 (Can I have her hand?)

68 1 0
                                    

(Love's POV)

Hi mga FANS!!! Na miss niyo ako noh...don't worry I'm back. Akin na muna ang spot light total ako naman ang tunay na bida dito eh. Hahaha

Heeey, ito ako ngayon. I'm looking at myself in the mirror. And I realized something...super ganda ko pala talaga! Hahaha

Well, mas lalo akong gumanda ngayon dahil sa royal blue na dress na suot-suot ko. Ewan ko ba kay mommy kung bakit pinasuot pa niya ako ng dress eh, magdidinner lang naman kami...dito sa bahay-_-) Porket ba siya ang nagluto ngayon dapat magformal agad?! Well, mapagbigyan na nga lang si mommy minsan lang kasi magluto yan for us. Sa totoo lang masarap talaga siya magluto. Pang master chef ang dating. Pero yun nga lang nakareserve lang daw talaga ang talent niya sa cooking for special occasion. Teka, special occasion daw di ba?! So ibig sabihin may special occasion nga ngayon...pero ano naman kaya? Birthday??? Eh wala naman may birthday sa amin ng september ah. Ako kasi sa February pa eh. Hulaan niyo kung anong date.............Yup that's right..."14" nga po. Oh di ba what a coincidence nga naman talaga. Lapitin talaga ako ng love kahit hate ko si love. Pero hindi ko hate self ko ah. I love myself kaya. Pero hate ko lang talaga ang love. Teka, magulo na ba? Well, huwag niyo na lang akong intindihin. Gutom lang ito!

"Lovey...Lovey...andito na ako. Magtago ka na. Pagbilang ko ng sampo ay magtago ka na...Isa...Dalawa...Tatlo..." Ay naku andiyan na naman ang bruha!!! Waaaa, ah what i mean andiyan na naman si Trixie. Kahit kailan talaga isip bata ang isang ito.

"SSSSSSSAMPO!"

BLAAAAAG

Bigla niyang binuksan yung door. Ang lakas ah...

"Boooooom Love. Save! Taya ka! Hahaha...ikaw naman ang taya. Uy, pumikit ka na dun sa may wall magtatago na ako." Ewwww, Lord bakit ba ako nagkaroon ng pinsan na isip bata? Pwede po bang lagyan niyo naman ng kahit 10% lang ng Maturity ang utak niya...please lang po!

"Haaay, Trixie talaga kahit kailan napakaisip bata mo. Grow up...please!" (:V) Naiinis na kasi ako eh. Paano ba naman maghapon kaya niya akong kinukulit. Lalayasan ko na nga sana kaso pinigilan ako ni mommy 'coz of the dinner that she prepared.

"Hahaha...ayoko nga couz! Alam mo naman dream ko maging si Peter Pan...kung siya ang boy who never grow up...ako naman ang girl version niya.;-)"

"Oh, sige Trix, ito unan oh...sabayan mo na lang din ng paghiga dito sa kama ko para ready ka na talagang pangarap ng gising. Hmmmmp, diyan ka na nga." Nagsimula na akong lumabas sa room ko. Iiwan ko na talaga ang isip batang ito. Pero bago pa ako tuluyang nakalayo sa room ko, narinig ko pang sumigaw si Trix...

"CHE, KAYA WALA KA PANG BOYFIE HANGGANG NGAYON EH...ANG SUNGIT MO KASI! PARANG LAGING MY BWISITA. TATANDANG DALAGA KA TALAGA LOVE...HALA SIGE KA!!!"

Duh, Like the hell I care...well, for your information hindi ko kaya need ng boyfie. Para kasi sa akin mas masarap ang maging SINGLE. Of course kapag single ka pwede mo gawin lahat ng bagay. Pwedeng magunli-gimik. Pwede kang lumabas ng wala kang iniintinding magagalit sayo. Pwede kang magparty all night. Pwede mong isuot lahat ng sexy dress mo. Pwede kang makipagtext at chat sa kung sino-sinong matripan mo. At higit sa lahat hindi ka iiyak dahil lang naging broken hearted ka. Hate ko kayang magpakaEmo!!!O_o)

Pero ewan ko ba dito sa mga kapamilya ko kung bakit wagas kung makapilit sa akin na magkaboyfriend. Waaaa, maisip ko palang na may boyfie ako parang lalabas na kinain ko sa buong araw eh. Guys, I just only want to clarify ah...I'm not a Tomboy. At mas lalong wala akong gusto sa mga kapwa ko babae. Hmmm, may pagkaman hater lang talaga ako. Pero mga 99.9% lang naman yun eh. Hahaha...Tanging si kuya Rence lang ang guy na important sa akin eh...ay, meron pa pala...siyempre ang aking pinakamamahal na si God

Crazy Little CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon