4

61 0 0
                                    

REBOUND OF FOUL HEARTS

Undisputed Bromance Novel by: Joemar Ancheta

(Note from the Author: Hindi ako bihasa sa mga terminologies sa basketball, hindi din ako nanonood o kahit fan lang ng PBA para alam ko yung pasikot-sikot nito. Maaring may mali sa ilang bahagi lalo na sa technicalities ng larong basketball o sa kung paano ang talagang proseso sa PBA. Nagbasa man ako at nagkaroon ng pahapyaw na pagsasaliksik ngunit alam kong may kulang o sobra pa din kaya sana, kayo na lang po ang pupuno sa kung anong kulang at magbabawas sa kung anong sobra. Ang mahalaga lang sa akin sa ngayon at ang ipupunto ko sa kuwento ay ang buhay at pag-ibig nina Andrei at Kyle.- Joemar Ancheta)

 

Chapter 4

ANDREI's Point of View

 

Tuluyang nilamon ng galit ko ang utang na loob ko kay Kyle. Nang kausapin ako ni coach kung paanong nabastos ako sa body contact na laro ay alam kong magmumukha akong babae o binabae. Magiging katawa-tawa ako sa lahat. Paano ko palalabasing pambabastos ang pagbundol-bundol ng bahaging iyon sa katawan ni Kyle. Hindi kaya ako lang naman talaga ang nagbigay doon ng kakaibang kulay?

Hindi ko din kasi maintindihan kung bakit ako naapektuhan at kung paano nagkamalisya ako sa ganoong ginagawa niya samantalang kung tutuusin ay wala lang naman dapat iyon sa akin o sa kahit sa sinong nanglalaro ng basketball. Tuluyan kasing nilalamon ng ginagawa niyang iyon ang focus ko sa paglalaro.

Nagtimpi akong patulan siya sa mga pang-aasar niya sa akin. Alam kong gusto niyang ilabas ang kademonyohan sa loob ko at nagtagumpay nga siya. Nagpatalo ako sa kaniyang laro ngunit hindi ako yung tipo ng tao na hindi gumaganti. Pupukulan mo ako ng bato, maghintay ka't babatuhin kita ng bakery.

Naghintay akong matapos ang laro bago ko naisakatuparan ang plano kong gantihan siya.

Nang nakita kong pumasok siya sa cubicle ay agad ko siyang sinundan. Gusto kong iparamdam sa kaniya yung pakiramdam ng ginagawa niya sa akin habang naglalaro. Maranasan din niya ang mabastos sa ganoong paraan. Hihigitan ko pa. Bahala na kung anong isipin niya sa akin. Bakla na kung bakla ngunit hindi ang magkaroon na sekswal na pagnanasa ang lalabas na intensiyon ko kung bakit ko siya papasukin sa cubicle. Kailangang maranasan lang niya na pambabastos sa magkatulad na kasarian ang ibungo-bunggo niya ang talong niya sa puwitan ko. Nakakailang kaya 'yon. Iba yung dating sa akin, nakakabastos...nakaka... Anak ng teteng naman oh! Bakit hindi ko masabi? Huh! Nakakadiri! Yun nga. Nakakabastos na nakakadiri.

Astig siya? Siga ako. Ito ang gusto niyang laro, ibibigay ko. Bago man sa akin ang ganito dahil sanay ako sa bugbugan o suntukan ngunit bababa ako sa level na hilig niya. Hindi ako paaapi kahit pa utang ko sa kaniya ang buhay ko. Nawala sa isip ko ang kagustuhan ko sanang makabawi sa ginawa niya nang bata pa ako. Gusto ko sanang maging magkaibigan kami o magturingang magkapatid tulad noon ngunit nawala na sa sa kaniya ang Kaloy na hinangaan ko. Kung hindi ko sasabayan ang Kyle na nakikita ko ngayon, baka magising ako isang araw na dahil sa sobrang pagpapahalaga ko sa utang na loob ay pati ang kaisa-isang pangarap ko ay mawawala sa akin. Hindi ako papayag. Hinding-hindi ako susuko. Hindi siya magtatagumpay.

Nang pagpasok ko sa cubicle at nakatalikod siya sa akin ay nakita ko ang maputi, makinis at lalaking-lalaki niyang likod. Sandali akong natigilan. Hindi ko alam kung tutuloy pa ako sa loob. Napalunok ako sa hindi ko alam na kadahilanan ngunit kailangan kong gumanti. Nanginginig ako sa mga sandaling iyon nang ginagawa ko ang paghuhubad sa harap niya. Hubad din naman siya kaya bahala na. Kinapalan ko ang aking mukha, sobrang dinagdagan ko ang lakas ng aking loob. Hindi madali para sa akin na tapatan siya sa ganoon pero kailangan. Nakapasok na ako, nakita niya ako sa loob ng cubicle niya, kailangan ko na lang iyon panindigan.

REBOUND OF FOUL HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon