Alam kong mali,
ngunit ginawa ko pa rin.
Alam kong masasaktan ka,
ngunit ginawa ko ulit.
Hindi ko naman sinasadya,
ngunit wala naman akong magagawa.
Iniwan na kita't
Minahal ko na siya.
Ang pag-hingi ko ng tawad,
sana'y tanggapin.
Sa kahapong lumipas,
Ako sana'y patawarin.
Ang tangi kong hiling,
sayo aking giliw.
Ang umibig muli't,
hindi dapat pilit.
(11:45pm) 10-16-2014 :)
____________________________________________
Leslee's Note:
Sa wakaaaasss!! hahaha
Nakagawa din ako ng pure tagalog na tula!! Waaahhhh.. Hope you enjoy this guys! :-)
BINABASA MO ANG
Poetry Corner
Poezja¨ Poetry is when an emotion has found its thought and the thought has found words.¨ - Robert Frost Enjoy reading!!!