Justin's POV
As i expected, girls are all the same. Masyado kung makapag'expect, masyado kung makapagconclude.
Ayokong may taong mag'expect something in return dahil sa may ginawa ako sa kanya. Mas mabuti na talaga ang malinaw para walang sisihan, diba?
Kung anu man ang nangyari saamin ni Tiffany, yon ay dahil ginusto ko at ginusto din nya. Alam ko na malinaw ang sinabi ko na Game lang. Siguro naman gets na nya yon.
Saturday- Lunch Break...
Madaming tao..
Habang pumipila ako sa canteen para bumili ng pagkain, tinitingnan ko na din kung saan ako pwedeng maupo.
Napangiti ako sa nakita ko.
May isang table na isa lang ang nakaupo at nagkataong kakilala ko pa.
Inisip kong doon na lang ako magpwesto.
Pagkatapos kong makabili, lumapit ako sa table na yon.
Akmang tatayo na sana sya at aalis nung makita nya ako at sinabi kong " sandali, wag ka munang aalis kasi kakain pa ako"
Tiningnan nya ako.
Ngumiti ako sa kanya.
Pero biglang nawala ngiti ko nung sinagot nya ako ng:
" aba'y bakit nasa akin ba ang bibig mo? Kung aalis ako hindi ka makakain?" Na wala man lang kangiti ngiti nung sinasabi nya yon.
Tumawa na lang ulit ako.
Naupo muna ako at inilapag ang pagkain sa table.
Saka ko sya binalikan ng tingin na noo'y nakatayo na.
"Joker ka pala Tiff ah." Sabay tawa ulit.
"Hindi ako nagjo-joke. At walang nakakatawa doon" pairap nyang sagot saakin. Hindi man lang sya umupo.
"Bakit ang sungit mo? Kanina lang OK pa tayo ah?" Tanung ko sa kanya.
"Ewan ko sayo, alis na ako at may gagawin pa ako" sabay talikod nya sakin.
"Anung nangyari don? Bigla-bigla na lang nagagalit?"napapailing na sabi ko habang tinitingnan ko syang naglalakad papalabas ng canteen.
Napansin ko din na may mga matang nakatingin pala sakin.
Malamang nag'iisip to na LQ kami.
Hindi ko na lang sila pinansin. Hinayaan ko na lang dahil yon ang kaligayahan nila.
Pero napapaisip pa din ako kung bakit mainit ulo nya. Baka naman napagalitan ng nakakataas. O kaya baka dadatnan?
Ngumiti -ngiti na lang ako sa mga iniisip kong yon.
"Mga babae talaga. Napakamoody. Kain na nga lang ako". Sabay subo ng pagkain.
Tifanny's POV
"Mukha nya! Pagkatapos nyang sabihin kaninang umaga na GAME lang. Ngayon magpapakabait sya na kunwari walang nangyari, gago pala sya eh!" Padabog kung sinasabi habang papalabas ako ng canteen.
Habang naglalakad ako pabalik ng office, naisip ko yong tinawag nya sakin nung nandun pa ako sa canteen. Huminto ako sa paglalakad.
Anu nga ulit yon.
Tiff?
Parang ang badoy naman pero bakit ganun? sa kanya ang cute pakinggan.
Tinawag nya akong Tiff?
Inuulit ulit ko sa isip ko ang Tiff.
Namalayan ko na nakangiti na pala ako.
Parang kinilig naman ako doon.
BINABASA MO ANG
Love me back (on going)
RomancePushing yourself to someone who doesn't like you is trying to fit a very small shoe. Because having the wrong one would always hurt you. Love truly hurts but what hurts the most is not to be Loved.