Justin POV's
Saturday - After lunch..
Alam ko na kung bakit ganun-ganun na lang ang pagbago ng mood nya sa akin kanina doon sa canteen. Kung bakit ganun na lang ang pag'iwas nya. Kung bakit ganun na lang ang pagtataray nya. Meron pala akong nasabi sa kanya kaninang umaga sa phone. Alam ko na yon ang naging dahilan kung bakit sya badtrip sakin ngayon.
Ayoko lang din naman kasi na umasa sya at mag'assume dahil lang sa may nangyari sa aming dalawa. Dapat hindi nya yon siniseryoso. Mas OK na yong ganun.
I like her but I think its better if we just have no strings attached. Yes! I admit that I am attracted to her. She's beautiful and everytime she stares and smiles at me, I really can't explain my feelings. Parang may something..
Nagsimula lang naman itong nararamdaman ko noong lagi nya akong kinakausap para magpatulong ng reports nya. Nakita ko din sya kung panu sya mamutla nung one time na napagalitan sya dahil sa maling report na nasubmit nya at nung pinarevise sa kanya ang maling report na yon, ako agad ang nilapitan nya. Madalas din kaming nagkakausap at nagkakakwentohan. Nakakapagshare din kasi sya ng mga experiences nya, kaya parang nahuhulog ako dun.
I tried to ignore my feelings for her and it can't really be possible kasi may girlfriend pa ako.
Si Shane.
Kailangan ko munang linawin ang sa amin ni Shane bago ko iisipin ang ibang bagay. May mga pagdududa na rin ako sa girlfriend ko ngayon at yon ang gusto ko munang alamin at patunayan. Alam ko din kasing malapit na malapit na ako sa katotohanan.
Instinct.
Alam kong ginagago ako ng girlfriend ko. Alam kong may iba syang kinakasama sa inuupahan nitong bahay. Malakas ang pakiramdam ko. Naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon para hulihin sya.
At kung mangyari nga yon na mapatunayan ko na totoo nga ang hinala ko. At least may rason na ako ngayon para hiwalayan sya. Ayaw ko lang pangunahan ang duda ko.
Kaya siguro nagiging tough na ako sa mga tao. Pati na din kay Tiffany.
Masyado akong mean kay Tiffany. Pero tama lang yon. Hindi nya pwedeng malaman ang nararamdaman ko sa kanya. Mas OK na yong ganito na isipin nyang Game lang lahat. Ayaw kong mag-assume sya at mag-expect kasi baka madisappoint lang sya.
Saturday - 3pm..
Habang nirereview ko yong report ko. Tumunog ang cellphone ko.
May nagtext.
Galing kay Jean---kaibigan ko na syang unang nakapaghint sakin na may ibang lalaki si Shane. Malapit lang din kasi ang bahay nila sa inuupahan ni Shane.
Pero hindi din alam ni Shane na kaibigan ko si Jean.
"Justin, I think this is the best time to visit the bird's nest. Puntahan mo na ngayon. Nandun sila."
Gets ko na ang tinutukoy nya. Sinasabi nyang puntahan ko na daw ang inuupahang bahay ni Shane.
Tingnan mo nga naman. Kani-kanina lang iniisip ko pa nga lang ito pero heto, nandito na. Nagpaparamdam na ang pagkakataon saakin.
Anu ba pupuntahan ko ba?
Kinakabahan ako..
Pero tama si Jean. Kailangan ko na ngang tapusin ito ngayon. Matagal ko na din namang gustong makipaghiwalay kay Shane. Naghahanap lang ako ng tyempo.
And Yes! Today is the right time.
Nireplyan ko sya.
"OK, I'm on my way".
BINABASA MO ANG
Love me back (on going)
RomancePushing yourself to someone who doesn't like you is trying to fit a very small shoe. Because having the wrong one would always hurt you. Love truly hurts but what hurts the most is not to be Loved.