Chapter 1 Slow motion

122 1 0
                                    

Abala akong naglilinis ng bahay ng tawagin ako ng tita ko. "Lily! Halika nga dito!" Sigaw ni tita, siguradong may iuutos na naman yun.

"Bakit po?" Magalang kong sabi. "Bili ka nga ng ulam natin sa bayan, magmotor ka na para di sayang ang pamasahe" Sabi niya sabay abot ng isang libo. "Sige po" Aalis na sana ako ng may maalala ako.

" Ano nga po palang ulam ang bibilhin ko?" Tanong ko. "Bahala ka na kung anong bilhin mo, basta bili ka ng mga gulay dahil ubos na yung nasa ref natin" Sabi ni tita at tango na lang ang naisagot ko.

Binuksan ko ang gate at saka sinakyan ang Electric bicycle at pinaandar na.

Habang nasa daan ay may nakakasalubong akong mga nagjojogging na ngayon ko lang nakita. Bago sila sa paningin ko at pakiramdam ko ay hindi sila taga rito.

Mabagal lang ang pagpapatakbo ko dahil muntik na akong nadisgrasya noong nakaraan dahil mabilis akong magpatakbo.

Unti- unti na akong nahihiya dahil napapatingin sakin ang mga nagjojogging.  Ng malampasan ko na silang lahat ay nakahinga ako ng maluwag. Maya maya ay may namataan akong lalaki na nakaupo at nagaayos ng sintas sa gitna ng daan.

Magaayos na nga lang sa gitna pa ng daan, alam niya bang delikado yun. Malapit na ako sakanya ng bigla siyang tumayo.

Parang nagslow motion ang pag angat niya ng tingin at eksakto pang nagkatinginan kami. Bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso ko at parang bigla akong hindi makahinga kaya iniawang ko ng bahagya ang aking labi para makahinga.

Naka pangjogging attire siya at may nakasabit na towel sa kabilang balikat niya. Ang gwapo niya, yan lang ang nasa isip ko ng mga oras na yun. Ngayon ko lang din siya nakita, siguro ay kasama niya yung mga nauna kanina.

Ng lampasan ko siya ay naamoy ko ang bango niya. Normal ba yun? Pawisan siya pero ang bango parin niya. Ipinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy na sa pagpunta ng bayan.

Akala ko ay siya na ang huli sa mga nagjojogging pero marami pa akong nakasalubong na mas matanda na kaysa sa mga nauna.

Pagkabili ko ng mga pinabili ni tita ay umuwi agad ako dahil magdidilim na. Pagkauwi ko ay inayos ko na ang mga lulutuhin para mamaya.

Dito ako nakatira sa bahay ng tita ko dahil sakanya pinapadala ni mama ang mga pera na gagamitin ko sa pagaaral. May kapatid ako na nakatira kina lola at lolo sa  di kalayuan, papa ko naman ang nagbibigay ng pera para sa pagaaral niya. Wala ang parents namin, parehas na nagtatrabaho sa malayo kaya ganito ang sitwaston namin, magkahiwalay.

Since nakikitira lang ako dito ay ako na ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Sakto kasing umalis na yung dalawang pinsan ni tita na katulong niya sa paglilinis dito dahil may nahanap na silang trabaho.

Babae kaming lahat na nandito, si tita, and dalawang anak niya at ako. Ang asawa niya ay isang seaman kaya wala siya dito. Since babae kaming lahat dito ay hindi mahirap maglinis at saka hindi naman marumi ang bahay nila.

Pagkatapos kong mag ayos sa kusina ay pumasok na ako sa kwarto para maligo. Bukas ko na lang ipagpapatuloy ang paglilinis, bakasyon naman na namin kaya marami pang araw para maglinis.

Speaking of bakasyon, mahaba-habang bakasyon ang meron ako ngayong taon. June kasi ang pasukan namin sa dati kong school at sa papasukan kong school ngayong college ay August ang pasukan kaya may 4 months akong bakasyon.

Magco-college na ako sa pasukan kaya dapat ko ng ihanda ang sarili ko dahil alam kong doble hirap na pag college na. Iniisip ko pa lang ang mga thesis at research paper na siguradong hindi mawawala ay nababaliw na ako.

Ipinilig ko ang aking ulo para mawala ang mga iniisip kong about college life dahil mas naistress lang ako

Habang dinadama ko ang pag-agos ng tubig mula sa aking muka pababa sa aking katawan ay bigla kong naalala yung lalaki kanina na nakita ko sa daan.

Hindi maalis ka utak ko ang pagtititigan namin kanina. Nakakaintimidate siya tumingin, nakakapanghina. Saan kaya siya nakatira? Bat ngayon ko lang siya nakita?

Habang kumakain kami for dinner ay nagtanong si tita about sa kukunin ko sa college. "Business administration po ang kukunin ko tita" Nakangito kong sagot.

Gustong gusto ko talagang magtrabaho sa isang kompanya at kapag nakaipon na ako magtatayo naman ako ng sarili kong business. Ang dami kong plano sa sa buhay ko para sa pamilya ko at sa iba pang mga bagay.

Gusto kong magkaroon ng maraming pera para hindi na maghirap si mama sa ibang bansa, gusto ko siyang bigyan ng magandang buhay.

Siya ang nagalaga saamin noong bata kami at gusto kong ako rin ang magaalaga sakanya paglaki ko. "Sabihan mo na lang ako pagkailangan mo ng pera sa pagaaral para makapag withdraw ako ha" Sabi ni tita at tango na lang ang sinagot ko.

Ayokong abusuhin ang mga pera na pinapadala ni mama kaya may pinasukan akong scholarship program na inooffer ng owwa para sa mga kamaganak ng mga ofw. Domestic helper si mama sa hongkong kaya sinubukan kong magtry ng exam nila. Sana lang makapasa ako para hindi na ako kukuha ng pera ni mama para sa tuition ko.

Pagkatapos naming kumain at maghugas ng pinagkainan ay nagkanya kanya na ulit kami ng ginawa. Ang dalawang pinsan ko na sina Tiff and Bea ay pumunta sa sala para manood, si tita naman ay umakyat na para maligo at ako naman ay pumasok na sa aking kwarto at nahiga sa kama.

Ang kwartong tinutulugan ko ay kwarto ng masbata kong pinsan. Pinagamit na sakin ni tita dahil wala rin naman daw gumagamit dahil nakikitulog ang dalawa sa kwarto niya. Mabait at sweet ang dalawa kong pinsan. Ang bunso na si Bea ay 13 years old at si Tiff naman ay 14, hindi nalalayo ang edad ko sakanila dahil 17 palang ako.

Kapag lumalabas kami para mamasya ay lagi nila akong tinatanong kung gusto ko ba ang mga bagay na gusto rin nila, oo na lang ako ng oo dahil alam kong kapag humindi ako ay yung gusto ko ang susundin nila at nakakahiya iyon nakikisama lang ako kaya wala akong karapatang magreklamo.

Naalala ko noon tinanong ako ni tiff kung ano mas gusto ko, horror movie daw ba o mga Disney movies. Parehas naman na gusto ko iyon pero mas lamang sakin ang horror. Kaya ang sinagot ko ay horror. Tapos kinabukasan ay lumabas kami, iniwan kami ni tita sa mall at binigyan niya kami ng pera dahil aalis siya papuntang baguio at may aasikasuhin daw. Una naming ginawa ay manood ng sine.

Ang mga showing that time ay ang Disney movie na Hotel Transylvania 2, isang filipino love story at isang horror movie. Nagulat ako ng ang pinilaan ni Tiff ay ang horror movie, hindi lingid sa kaalaman ko na matatakutin siya kaya naman nagulat talaga ako.

Ang inaasahan kong papanuurin namin ay ang Hotel Transylvania.  "Ate bat horror? Ayaw mo ng Hotel Transylvania?" Tanong ni Bea kay Tiff. "Gusto ni ate ng horror kaya ito na lang, isusunod na lang natin yun pag may time pa" Sabi ni Tiff. At simula noon ay lagi ko ng pinagiisipan ang mga sinasabi at sinasagot ko sa kanila.

Ayokong ako ang inuuna nila. Pati nga sa pagbili ng pagkain ay tinatanong pa nila kung gusto ko.  Kaya naman ang laki ng pasasalamat ko sa kabaitang pinapakita nila sakin.

Pagkatapos kong magmuni muni ay nagplay muna ako ng kanta sa aking cellphone at nagpahila na sa antok.

-------------------
AN.

First of all I'm sorry for the wrong grammars, spellings and other errors.

Second, thanks for reading. I won't ask you to vote and comment if you don't want to.

Just read and love the story, that's more than enough for me.

Love you guys❤ mwuah!😙

His PromisesWhere stories live. Discover now