Chapter 5 Comfortable

27 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa terrace at hinihintay si Nathan. Gaya nga ng sabi niya kahapon, maglalakad lakad daw kami.

Maaga kong tinapos ang trabaho ko para walang masabi si tita. Walang tao ngayon dito dahil sinundo ni tita ang mga anak niya. May pasok pa kasi sila bea at tiff since sa private school sila nagaaral.

Wala lang silang pasok sa nakaraang 3 araw sa hindi ko alam na dahilan. Malapit na rin naman ang bakasyon nila, sa May na.

4 na ah. San na kaya siya? Kung makapagisip naman alo kala mo close na close na kami no haha.

Ewan ko pero ang gaan agad ng loob ko kay nathan. Siguro dahil alam kong mabait siya? Hay ewan ko. Basta magaan ang loob ko sakanya... pero nandito pa rin yung malakas na pagtibok ng puso ko kapag nakikita o iniisip ko siya.

Parang tumaas naman lahat ng dugo sa muka ko sa nangyari kahapon. Nagkausap kami, sabay na naglakad, at nagholding hands pa. Kinikilig ako!

Bigla namang bumagsak ang balikat ko ng maalala ang mga sinabi ni tita kagabi.

"Lily ano yung sinasabi ng mga pinsan mo? Ikaw ah. Tandaan mo ang sinabi ng mama mo na wag ka munang magbo-boyfriend. Abay masisira ang magagandang grades mo pag nagkaboyfriend ka. Naghihirap ang mama niyo doon para makapag aral kayo kaya magaral ka muna bago ang boyfriend boyfriend na yaan."

Sina tiff at bea kasi eh. Mga sutil talaga ang mga yun. Kahapon pa nga lang kami nagkakilala ng personal eh, tapos boyfriend agad. Okay lang sana kung totoo eh. Kaso hindi! Hindiii!!!

"Hey! What's with that face?" Nagulat ako ng may magsalita sa labas ng gate. At paglingon ko ay nandoon na yung taong iniisip ko.

Hanggang leeg niya lang ata ako dahil noong magkaharap kami kahapi ay dibdib niya ang kaharap ko. Pero bat parang tumangkad yata siya lalo?

Naglakad ako at nagtungo sa gate. "Kanina ka pa ba diyan" Tanong ko sabay sara ng gate.

"Not really. Hindi kita tinawag agad dahil parang ang lalim ng iniisip mo" Sabi niya. Nakatingala ako sakanya at pagbaba ko ng tingin ay nasagot ang tanong ko kanina.

Nakasakay pala siya sa isang self balancing electic scooter or hoverboard kung tawagin nila. Nakikita ko ito sa youtube kaya kahit papano ay alam ko. Pero hindi ko alam kung paano paandarin at hindi ko hinahangad na makasakay ng ganyan dahil hindi ako magaling sa self balancing.

"Dapat ay tinawag mo ako agad para di ka na naghintay" Sabi ko sabay lakad na. Bigla akong mapatigil ng hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ko sabay harap sa kanya.

"Anywhere, san mo ba gusto?" Sabi niya.

"Dito na lang, di ako masyadong pumupunta sa bandang dito eh" Sabi ko at naglakad pakanan.

"That's nice. Ipapakita ko na rin kung saan ang bahay namin" Sabi niya ng nakangiti

"Bat ko naman titigan ang bahay niyo?" Nagtatakang tanong ko.

"For you to find me if you want to see me" Sagot niya na nakapagpainit ng pisngi ko. Ganoon na ba siya kaadvance magisip para maisip na hahanapin ko siya?

"Di ba sabi mo ay sa US kayo nakatira? Bat parang ang galing mo naman atang magtagalog?" Pagiiba ko ng usapan.

"Ah yun ba?... I grew up here in the Philippines specifically in manila pero nang maghigh school na ako ay lumipat na kami sa US" Paliwanag niya. Kaya pala bihasa na siyang magtagalog.

Naglakad lakad pa kami hanggang sa makalayo na kami at hindi na pamilyar sakin ang lugar na ito. Habang naglalakad ay naguusap usap kami ng mga kung ano-anong bagay, kagaya ng mga pinaggagawa niya noong bata siya, experience niya noong bago pa lang siya sa US na talaga nga namang nakakatawa.

Hindi daw siya katalinuhan noong elem student pa siya dahil hindi niya daw sineseryoso ang pagaaral at ieenjoy lang ang pagkabata.

Kaya naman nahirapan daw siya ng lumipat na sila sa US. Natawa ako ng sinabi niya kapag daw may nagtatanong sakanya noon ay puro yes, no at maybe lang ang sagot niya dahil yon labg daw ang alam niya English words. Kaya naman noon daw sa school nila ay tahimik lang siya.

Ang papa niya pala ay hindi taga-US purong pilipino rin ito at taga-manila. May business daw sila sa US na pagaari ng lolo niya, at napilitan lang silang lumipat dahil namatay ito at iniwan ang bumabagsak niya nang kompanya.

Nagiisang anak ang daddy niya kaya sila lang ang maaasahan that time. Tapos ng maayos na daw ang lahat after 2 years, hindi daw muna sila bumalik dahil nakikita nilang nagiimprove si nathan.

Kaya naisip nila na patapusin na muna ang pagaaral ni nathan sa US para pagkagraduate niya daw ay siya ang maghahandle ng business ni papa niya na nandito sa pinas. May naiwang business daw si papa niya dito sa pinas kaya nahihirapan itong palipat lipat ng US at pilipinas para mahandle ang dalawang kompanya.

Madami pa siya kinukwento about sa buhay niya. Hindi halata sa itsura niya na madaldal siya. Pati nga mga hobbies at favorite niyang mga bagay ay nasabi niya sa sobrang kadaldalan niya.

"Oow we're here. That's my mother's house, it is where we live right now. It's not much but its home." Sabi niya habang nakatanaw kami mula sa labas.

"Anong it's not much, ang ganda kaya" Apila ko sa sinabi siya. Maganda talaga, dalawang palapag ito. Kagaya ng perfume na nakita ko sa mall, simple lang ang design pero elegante tignan.

Habang nasa ganoon kaming posisyon ay biglang bumukas ang mayor na pinto nila at lumabas ang isang magandang ginang. Siguro ay nasa 40's na siya, pero halata parin ang ganda niya. Siguradong napakaganda nito noong kabataa  niya.

"Ooh son! What are you doing out there? Bahay mo pero tinitignan mo lang sa malayo? Come here.... Ooooh! You brought a girl!" Gulat na sabi ng ginang. Kung gulat siya ay gulat din ako. Son? Ibig sabihin mama siya ni nathan.

"Siya ang mama mo? Ang ganda niya naman" Bulong ko kay nathan. Napangiti naman siya sa sinabi ko sabay sabi ng "yeah."

"Mom I'm just showing her our house in case she wants to find me. So una na kami, maglalakad lakad pa kami." Sabi ni nathan sabay halik sa pisngi ng mama niya na hindi ko man lang namalayan na nakalabas na pala.

"No no no no no. You're going inside nagluto ako ng cookies at hahanapin na sana kita pero nandito ka na pala sa labas at naguwi ka pa ng babae hihihi, binata na ang anak ko" Sabi ng ginang. Para siyang teenager na kinikilig hehe.

"Mom no, sinabi ko sakanya kahapon na hindi ko siya iuuwi" Sabi niya na nagpainit ng pisngi ko. Ba't pa niya pinaalala ang bagay na yun, at sinabi pa niya sa mama niya, nakakahiya.

"Ooh look son look! She's blushing! Haha so cute" Sabi niya na mas lalong nagpainit ng pisngi ko. "Come inside iha, wag kang magalala iuuwi ka rin ni nathan. I want to know more my son's girlfriend." Sabi niya sabay gayak sakin papasok.

Tumingin naman ako kay nathan, yung tingin na nagpapatulong at sana ay maintindihan niya ang gusto kong iparating. Pero ang unggoy ay ngiting ngiti pa.

Waaaaa! Anong gagawin ko? Nakakahiya!... Mama!

-------------------------

And that's for today!

Hope you like it!

Thanks for reading! Mwuah!❤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His PromisesWhere stories live. Discover now